Kabanata 36

2.9K 73 2
                                    

Thank you
Dedicated to karamay18

Halos tatlong araw ding nanatili si Ayesha para alagaan ang binata. Bumuti na rin ang kalagayan nito. Bumisita rin ang mga magulang nito at nagpapasalamat sa pag-alalaga sa anak nila.

Tatlong araw, tatlong araw din niyang sinubukang sabihin sa binata ang sitwasyon niya pero pero sa tuwing ibubuka na niya ang bibig para magsabi ay napipipilan siya. Umuurong ang dila niya pag kaharap na ito. In short she's afraid. Natatakot siya na baka hindi ito maniwala sa kanya at iwan siya.

Mahal na mahal na niya ito at ayaw niyang mawala ito dahil sa sitwasyon niya. Alam at ramdam niya ang pagmamahal ng binata sa kanya at iyon ang pinanghahawakan niya na hindi siya basta-basta iiwan nito.

Pero paano kung hindi ganoon ang mangyari?

"Are you alright?" Nag-aalalang tanong nito sa kanya.

"Y-yeah." Nakalimutan niyang nasa hapag kainan sila at kasalukuyang kumakain ng breakfast.

I forgot. Napansin tuloy nito na tila wala siya sa sarili.

God Ayesha, focus!

"You seem bothered, are you sure you're really alright?" Itinigil nito ang pagkain at nag-aalalang tiningnan siya.

"Ha? Okay lang ako inaalala ko lang yung mga trabaho sa opisina. You know tatlong araw tayong hindi pumasok." Gusto niyang palakpakan ang sarili dahil dire-diretso ang pagsalita niya.

"Kahit isang buwan pa tayong hindi pumasok the company will still run and will be fine. I have the best employees at mga trusted people inside the company so no need to worry." Kumindat pa ito sa kanya.

"Talaga lang ha?"

"Yeah and I have the most amazing secretary slash girlfriend in the company." Ani pa nito.

Nag-init ang pisngi niya sa narinig.

Kinikilig na naman siya.

"Bolero." Kunway inirapan niya ito.

"I'm not kidding." angil nito.

"Tapusin na nating kumain at papasok pa tayo." aniya.

"Hmmm.. Puwedeng bukas na lang baby?"

"No, hindi porke't ikaw ang Ceo at may-ari ay tatamad-tamad ka na diyan." Sermon niya.

"Yeah, yeah." Bagsak ang balikat na muli nitong itinuon ang pansin sa pagkain.

"Good." Nakangiti niyang sabi at itinuloy na din ang pagkain.

"What do you think?" Tanong nito sa kanya habang pinapakita ang dalawang longsleeves sa harapan niya.

"Hmmm.. Blue. Mas lalo kang pogi sa kulay na 'yan." Sabi niya.

He grinned. Hinapit siya sa bewang at masuyong hinalikan sa labi. "How about when I'm naked pogi pa rin ba?" pilyong sabi nito.

Napalunok siya. "S-sobra..." Marahan niya itong initulak. "Ikaw ha, alam ko na 'yang galawang 'yan. Kagagaling mo lang ng sakit baka mabinat ka. And lastly papasok pa tayo ayokong malate tayo." Pag-iwas niya kahit gustong-gusto niya itong sunggaban.

Napakamot ito sa ulo. Isinuot na nito ang napili niyang kulay.

"Parang may kulang. Necktie. Tama necktie. Saan ba nakalagay?'' She asked. Tinungo niya ang closet nito.

"It's in the drawer on the right side." sagot naman nito habang inaayos ang pagkakabutones ng polo.

Napakunot ang noo niya ng ibang drawer yata mabuksan niya. Nakaagaw pansin ang kulay baby pink na brassiere.

Bakit meron siya nito dito?

Bigla siyang kinabahan. Nanginginig ang kamay na kinuha niya iyon.

It looks familiar. Parang... parang akin 'to...

She swallowed hard. Trying to remember ang koneksiyon niya sa hawak-hawak na bra.

Oh God! Naalala na niya. Sa kanya ito. Ito yung gamit gamit niya noong nasa resort silang magkaklase kaso hindi na niya mahanap noong makauwi sila. Akala niya na-missplaced niya or naiwala.

No! Impossible! Marami naman kapareho ang bra niya dahil din nito ang bestfriend niyang si Lalaine. Ang pinagkaiba lang yung kanya ay nilagyan niya ng burda. Merong initials na A.D. para hindi sila magkapalit dalawa.

Dahil doon dali-dali niyang hinanap sa gilid niyon ang initials and her eyes widened ng makita na meron iyon.

"So it's really mine..." mahinang naibulong niya.

Pero paanong napunta sa kanya.l? Mahigpit niyang nahawakan iyon. Ito ang huling suot niya nung gabing nalasing siya at... at... Nang magising siya sa dalampasigan ay hindi na niya suot ito naiwanan niya sa pagmamadali niyang makaalis para maiwasan ang ekstrangherong unang umangkin sa kanya.

No, no, no... It's not him. It's not Claude.  Oh God.. it can't be...

Nahagip ng mga mata niya ang isang puting folders. Dinampot niya iyo  at binuklat. Nanlalaki ang mga mata niya sa nakita. Mga photos niya iyo  sa resort. Mga kuha sa cctv huling nakita nakita niyang larawan ay yung pumasok siya ng hotel galing sa dalampasigan. Nangininig ang buong katawan niya. Namalisbis ang mga luha niya. Naninikip ang dibdib niya.

He knew all along and didn't bother to tell me? Why?!

Nagmukha siyang tanga. He fooled her. At nagpaloko naman siya. Hah! Nanghihinang napadausdos siya. Nabitawan niya ang mga files na hawak. Wala siyang pakialam kung nagkalat ang mga iyon.

Pakiramdam niya pinaglaruan siya. Daig pa niya nascam. Buti pa nga iyong nascammed pera lang nawala sa kanila pero sa kanya pakiramdam niya buong pagkatao ang nawala sa kanya. Lalong-lalo na ang puso niya.

Mahal na mahal niya ito pero hindi niya alam kung  ang pagmamahal nito sa kanya ay totoo. Baka pati pagkikita nila at pagtatrabaho sa kompanya nito ay pinlano nito.

Ewan. Hindi na niya alam kung ano ang iisipin. Ang alam niya nasasaktan siya ngayon.. Sobrang nasasaktan siya ngayon sa natuklasan niya.

Pero sa sobrang sakit na nararamdaman bakit may bahagi ng puso niya ang nasisiyahan sa ideyang ito ang lalaking umangkin sa kanya noon sa resort. Ibig sabihin ito ang ama ng dinadala niya.

Pero naglihim pa rin siya sa 'yo! Sigaw ng isang bahagi ng utak niya.

Ano papatawarin mo na lang agad? Tapos ikaw parang tanga na tinatago ang kalagayan mo. Iyang pagbubuntis mo tapos siya lang din naman pala ang may kagagawan niyan! Mag-isip ka Ayesha! Gamitin mo din utak mo huwag puro puso!

Napahagulgol siya. Gulong-gulo ang puso't isip niya. Tigmak na siya ng luha. Napaangat ang mukha niya ng bumukas ang pinto.

"Baby, kanina pa kita tinatawag hindi mo ba makita yung-" Natigil ang binata ng makita ang hitsura niya at ang nagkalat na files pati ang hawak-hawak niyang brassiere niya.

Napalunok ito. She could see the fear and guilt on his eyes. "Baby let me explain..." anito sa mahinang boses.

Hello Nobyembre.
All saints day.
Enjoy Reading.
Xoxo❤❤❤

My Lover in the Dark (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon