Kabanata 19

3.3K 81 1
                                    

Thank You
Dedicated to miya-25

Ayesha

Ramdam niya ang mabilis na pagtibok ng puso niya. At ramdam din niya ang tibok ng puso ng lalaking nakadagan sa kanya. Hindi niya alintana ang bigat nito. Gusto niya ang init ng katawan nito na naghahatid ng kiliti sa kaibuturan niya. Nakasubsob ang mukha nito sa leeg niya.

Hindi niya alam kung anong espiritu ang nagtulak sa kanya para masabi iyon sa binata dahilan kaya nakahubad sila ngayong dalawa. Without a doubt, ginusto niya rin ang nangyari.

Simula kanina sa restaurant, ang paghalik nito sa kanya sa loob ng sasakyan ay hindi na naging maayos ang pakiramdam niya. Pakiramdam niya aatakehin ata siya dahil sa tuwing maalala niya iyon ay bumibilis ang tibok ng puso niya. Nakalutang siya sa alapaap. May hatid na ligaya sa kanya ang ginawa nito. Hindi pa siya nakakarecover heto at may nangyari sa kanila. Walang bahid na pagsisisi na hinayaan niyang may mangyari sa kanila. She's happy dahil ito ang unang lalaking pinag alayan niya ng sarili niya.

Unang lalaki? Are you sure about that? Mukhang may nakalimutan ka yata Ayesha? Anang munting tinig sa isipan niya.

"So I am your first"

"Oo, ikaw nakauna sa 'kin, happy?"

Mga munting tinig sa isipan niya na paulit-ulit na nagrereplay sa utak niya. Natigilan siya. Parang binuhusan siya ng malamig na tubig sa naalala. Ang sayang naramdaman kanina ay napalitan ng sakit at takot. Takot na baka husgahan siya ng binata lalo pa at hindi ito ang nakauna sa kanya. Naalala pa niya dati, ipinangako nita sa sarili na ibibigay lamang niya ang iyon sa taong mapapangasawa niya. Mukhang natabunan ng buhangin ang  pangako na 'yon.

Binalot ng galit ang puso niya pagkaalala sa nangyari sa kanya.

That bastard! Ni hindi man lang niya nakilala kung sino ang mapagsamantalang 'yon. At wala din siyang balak pang malaman. She wants to forget what happened. Baka mapatay pa niya ang gagong iyon.

Naikuyom niya ang mga palad.

"Hey are you alright?" Tinig na nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan.

"Y-yeah." Bahagya niya itong itinulak upang maalis ito sa taas niya. Inaalalayan siya nito. "I'm sorry, hindi dapat nangyari 'to." Hindi makatingin ng diretso sa binata. Inayos niya ang damit niya pati na rin ang skirt niyang tila magic na naitaas nito para maangkin siya.

"Nagsisisi ka ba sa nangyari?" She could see the pain in his eyes ng magtama ang mga mata nila. Nakagat niya ang labi niya. Bigla siyang nakaramdam ng hiya sa sarili.

Lumapit ito sa kanya. He lifted her chin at mataman siyang pinagmasdan. Iniwas naman niya ang mga mata. She couldn't looked at him straight in the eyes lalo pa at nakikita niyang nasasaktan ito. "I'll ask you again, nagsisisi ka ba sa nangyari?"

"No, it's just that we shouldn't be doing it. I mean it was a mistake." Nagdilim ang mukha nito. "K-kasi ginagawa lang 'yon ng magkasintahan. And we're not even lovers. Right?" She explained.

"Then I am your lover from now on." Nagliwanag ang mukha nito.

"Huh? That fast?" Gulat siya.

"Got a problem with that?" Tumaas ang kilay nito.

"Ni hindi ka pa nga nanliligaw sa akin!" Inirapan niya ito.

"I am your boyfriend now, at dahil boyfriend mo na ako kahit araw-araw pa kitang ligawan." He winked at her na ikinapula ng pisngi niya.

Shit! Kinilig siya sa sinabi nito.

"For real?" Hindi pa rin makapaniwalang sabi niya.

"Do you want me to give you another round?" Nakangising tanong nito.

"Sira!" Lalong nagkulay kamatis ang mukha niya sa nairinig. Tinampal niya ito sa braso.

"Come on!"

"Heh! Tigilan mo ako, gusto ko ng umuwi."

"Let me hug you for a while." Pagkuwan ay niyakap siya nito ng mahigpit. Bigla na namang bumilis ang tibok ng puso niya. But there a part of her felt guilty.

"I'm sorry." Bulalas niya ng humiwalay ito ng yakap sa kanya.

Kumunot ang noo nito. "About what?"

"Kasi hindi ikaw ang nakauna sa 'kin." Nakagat niya ng mariin ang labi niya. She could taste her blood. Isa-isang pumatak ang mga luha niya.

"It doesn't matter." Niyakap siya nito at inalo.

"It matters to me." Giit niya.

"Care to share?" Nag-iwas siya ng tingin. Gusto niyang sabihin ngunit tila may pumipigil sa kanya.

"Look, what happened in your past wouldn't change for what I feel for you right now. You're my girlfriend now and I love you. Do you understand?" He lifted her chin and their eyes met. Nanunuot sa kaibuturan niya ang titig nito. "If something's bothering in your mind you can tell it to me if you're ready." He planted a kiss on her forehead. She close her eyes and makenher realize something.

Ang suwerte ko naman sa boyfriend ko.

Inihatid siya nito sa bahay niya. Kinintalan siya nito ng isang matamis na halik sa labi bago siya lumabas ng kotse nito. Hindi na niya inayang pumasok at may dinner meeting pa ito.

"I'll call you later." Anito bago siya makababa.

"Ingat ka." Aniya at isinara ang pinto ng kotse. Inantay muna nito makapasok siya sa loob ng bahay ito tuluyang umalis.

Nakahawak siya sa dibdib nang maisara ang pinto. Napatili siya. Sinampal pa niya ang mukha dahil sa akalang nananaginip lamang siya kaso nasaktan siya sa ginawa niya sa sarili. Nangiti siya na para bang nanalo sa lotto.

Kinikilig siya.

Humakbang siya patungo sa sofa ng mapakunot ang noo niya dahil may kakaiba siyang naramdaman sa sarili. Napasinghap siya.

"Shit! Asan ang panty ko?!"

Happy  Reading.

Xoxo❤❤❤

My Lover in the Dark (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon