Kabanata 25

3.1K 67 2
                                    

Thank You
Dedicated to @GretchenMana

She was stilled seeing Claude came rushing to her when he entered in her hospital room. She could see his worried eyes darting on her.

"Baby, what happened?" Nag-aalalang sabi nito. Niyakap siya nito ng mahigpit at hinalikan ang tuktok ng ulo niya. She felt comfortable in his arms.

God! How can I confess to this guy without him getting hurt?

Parang piniga ang puso niya sa naiisip.

"Hey baby... You're not answering me."

"Okay lang ako. Don't worry about me." Aniya at nginitian ito.

Umupo ito sa upuang nasa tabi ng higaan niya.

"Are you sure about that? I think I need to talk to your doctor baka may problema sa 'yo." Hindi kumbinsidong sabi pa nito.

"Hey, hey, I'm fine. No need to worry, pagod lang daw ako sabi ng doktor. Kailangan ko lang daw magpahinga. Nakausap na niya ako kanina at andito rin si Lalaine habang ini-explain niya sa 'kin." Thank God hindi siya nautal magpaliwanag. She hates it. Hindi siya sanay na nagsisinungaling. Ayaw na ayaw niya sa sinungaling pero heto siya at nagsisinungaling sa kasintahan.

"Ahm, Yes sir. Kaya wala kayong dapat ipag-alala." Segunda naman ni Lalaine.

"Thanks Lalaine I owe you." Pasalamat nito sa kaibigan niya.

"Your welcome sir tsaka hindi ko naman pababayaan ang bestfriend ko." Tumingin ito sa kanya. "So pa'no sa labas muna ako bibili lang pagkain medyo ginutom ako magbantay sa isang 'to." Tukoy nito sa kanya. "Balik agad ako sir." Dugtong pa nito.

"Sige, thanks ulit."

Napatingin siya dito. Ayaw niya pa sanang umalis ito pero mabilis pa sa alas kuwatro na nakalabas ito ng silid.

"I'm glad kasama mo si Lalaine when you fainted. Pano kung wala siya? When she called me I hurriedly came here. I'm worried sick akala ko napano ka." Tila may humaplos sa puso niya sa pag-aalala nito sa kanya. Masuyo nitong hinaplos ang buhok niya.

"I'm sorry pinag-alala kita." Kagat-labi niyang sabi. Kinakain siya ng konsensiya niya. Hindi pa niya kayang sabihin dito ang kalagayan niya ngayon.

"Hush. Ikaw na rin nagsabi na there's nothing to worry about." Napatango siya. Kinintalan siya nito ng munting halik sa noo.

"You need to be ready sa makalawa my parents wants to throw a welcome party and I want you to meet them." Imporma nito sa kanya.

Natigilan siya. Pakiramdam niya ay nanlamig ang buong katawan niya sa sinabi nito sa kanya. Nervousness filled her. Mukhang ambilis naman yata at imi-meet niya na agad parents nito. Pakiramdam niya hindi pa siya ready. Though there something inside her na natutuwa at ipapakilala siya sa parents nito. Who wouldn't be happy? Isang CEO lang naman ang boyfriend niya na mahal siya.

"Ayaw mo ba na ipakilala kita sa kanila?" Untag nito sa kanya.

"G-gusto. It's just that masyado kasing mabilis." Sansala niya.

"I know you're worried. Don't worry I'm sure they'll like you." Paniniguro pa nito.

"Are you sure? Paano kung hindi? I mean simple lang akong babae. Wala akong yamang maipagmamalaki. Sino ba ako? Isang hamak na sektretarya mo lang ako sa kompanya niyo. Baka kung ano ang isipin nila." Nag-aalalang sabi niya. Hindi niya maiwasan isipin ang mga bagay na iyon lalo pa't ang layo mg agwat nila sa buhay ng kasintahan. For sure gugustuhin ng mga ito ang mga kalebel nila na mayayaman. Yung maipagmamalaki nila.

"Relax, hindi sila nangangain. Ako ang bahala sa 'yo. Hindi naman kita pababayaan, kasama mo ako sa party. Huwag kang mag-isip ng kung anu-ano hindi naman ganyan ang mga parents ko. They're not kind of people na namimili ng mga dapat pakikitunguhan at nanghuhusga dahil sa katayuan sa buhay. You're my girlfriend, so trust me, okay? Isipin mo na lang ngayon magpagaling ka." Ginagap nito ang kamay niya.

"Thank you. I'm sorry sa nasabi ko."

"No worries. 'Wag mo ng isipin 'yon."

Maya-maya'y nakarinig sila ng mahinang katok sa pinto. Bumukas iyon at ang nakangiting mukha ni Lalaine ang pumasok.

"I'm back. Sorry natagalan ako naghanap pa ako ng malapit na resto dito ubos na kasi mg pagkain sa canteen sa baba." Paliwanag nito.

"Thanks Lalaine.." Anang binata. Tumingin ito sa kanya. "I think we should bring Lalaine sa welcome party para may makasama ka na kakilala mo aside from me ofcourse." Nakangiting turan nito sa kanya.

"Welcome party?" Kunot-noong tanong ni Lalaine.

"Yeah, uuwi kasi ang parents ko. Ayesha will come with me para ipakilala siya sa parents ko." Paliwanag nito.

Malakas na napatili si Lalaine sa sinabi ng kasintahan niya dito. "Nekekekeleg nemen ser. Eng suwerte nemen ng bestfriend ke. " Maarteng sabi pa nito.

He chuckled. "That's why you're coming with us."

"Aba oo naman sir, minsan lang ako maimbatahan sa mga ganyang party kaya bawal tumanggi. Malay niyo diyan ko pa matagpuan ang forever ko." Tila nag-iimagine pang sabi nito.

"Maybe or maybe not."

"Sir ngayon pa lang binabalaan na kita. Huwag kang kumontra diyan baka mausog pa." Banta ng kaibigan niya na ikinatawa lang nila ng binata.

"Ako na bahala susuotin niyo." Anang binata.

"H-hindi naman na kailangan. Kami na bahala ni Lalaine sa susuotin namin." Nahihiyang sabi niya.

"I insist. No buts." May pinalidad sa tono na sabi nito.

"Ay ako bet ko 'yan sir. Kaya thank you in advance." Nakangising sabat ni Lalaine.

Pinanlakihan niya ito ng mata. Pero nagpeace sign lng ito sa kanya. She felt defeated.

"Sige na nga. " pagpayag niya.

"That's my baby." Nakangiting sabi nito.

"Naku, naku sir. Baka naman langgamin tayo dito. Papakin pa ako hindi ko pa nakikita ang forever ko." Palatak ni Lalaine.

"Silly."

"Baliw."

Magkasabay na sabi nila ng nobyo. Nagkatinginan sila at napatawa.

"See? Pati sasabihin niyo pareho lang. Tsk, kayo na talaga." Nakangusong pa si Lalaine.

"Because we are meant to be." Kumindat pa ang binata sa kanya pagkasabi niyon. Namula naman ang pisngi niya sa sinabi nito. Tila may nagrarambulang paru-paro sa tiyan sa sinabi nito. Kinikilig siya na ewan.

Napakagat-labi siya. Pigil ang ngiting nais kumawala sa labi niya.

"Ay grabe, hindi ko na carry 'to." Nagmartsa palabas ng silid niya ang kaibigan.

Ito ba ang lalaking gusto mong saktan, Ayesha? A little voice suddenly appear on her mind.

Ano nga ba ang dapat niyang gawin?

Enjoy Reading.
Sorry for the late Update.
Xoxo❤❤❤

My Lover in the Dark (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon