Kabanata 32

2.9K 67 3
                                    

Thank you
Dedicated to Eunmi1827

Kasalukuyan silang nasa isang botique namimili ng damit ng may nagsalita sa likuran nila. Kapwa sila napalingon.

"Well, well, well look who's here." Nakakaloko pa itong ngumiti at pinasadahan ng tingin ang katabi niya. Hindi rin siya nakakigtas sa mapanuri nitong tingin. Tumaas ang kilay nito ng tingnan siya.

Pinagmasdan niya ito. She's wearing a floral dress na hanggang tuhod. Maputi ito kaya lutang na lutang ang ganda sa suot nito. She could say that she has an angelic face pero masasabi niyang sa ugali ay mukhang kabaliktaran ng mukha nito.

"Oh the bitch is here." Sagot ni Scarlette. Tinaasan nito ng kilay ang kaharap.

Tumawa ang babae. "Really? Oh I remember, sino nga yung patay na patay sa boyfriend ko dati kahit hindi naman siya gusto?" She grimaced.

Naningkit ang mga mata ng katabi niya pero maya-maya'y biglang ngumisi. "Oh, I remember too, you played with him right? So how did it go? Did you won the bet?" Kita niyang natigilan ang babae. Bigla itong namutla.

"Tsk, tsk, tsk. Cat got your tongue? You thought I wouldn't know?" Mapang-uyam pang sabi ni Scarlette.

Mahigpit siyang napahawak sa shoulder bag niya.

So ito ang Maureen? The ex-girlfriend?

Bigla siyang nakaramdam ng galit. Nanliit ang mga mata niya. Parang gusto niyang tadyakan ang pagmumukha nito sa ginawa sa nobyo niya.

Naningkit ang mga mata nito. "How dare you!" Akmang sasampalin nito si Scarlette pero mabilis niyang iniharang ang kanyang kamay.

Nanlilisik ang mga matang napabaling ang tingin nito sa kanya.

"Don't you dare hurt my friend." Matigas niyang sabi. Gulat namang napatingin si Scarlette sa kanya.

"And who the hell are you?" Asik nito.

"Ako lang naman ang girlfriend ng niloko mo." May diin niyang sabi na ikinlaki ng mga mata nito. Marahas niyang binitawan ang kamay nito. Napadaing pa ito sa ginawa niya.

"W-what did you just say?" Halos hindi makapaniwalang tanong nito. Hawak pa rin nito ang brasong nasaktan.

"I'm sorry but I hate repeating myself." Mataray niyang sabi. Tinaasan niya ito ng kilay.

Oh ha, ano ka ngayon? Akala mo ha!

"I forgot pala na ipakilala sa 'yo. She's Ayesha ang girlfriend ni Claude and soon to be his wife." Scarlette sarcastically grinned. Mapang-asar na tiningnan ang kaharap.

"Ayesha this is Maureen. The ex-girlfriend na isang manloloko." at binuntutan pa ni Scarlette ng mahinang tawa na ikinainis nung huli. Kita nila ang pamumula ng mukha nito.

"Oh my God, hindi ko akalain na ipinagpalit niya ako sa isang kagaya mo." maarteng sabi naman nito ng makabawi. Tiningnan siya mula ulo hanggang paa. "So plain and boring." She smirked. Pailing-iling pa ito.

Nagpuyos ang kalooban niya sa narinig. Ang kapal ng mukha. Manloloko na nga manlalait pa. She arched her eyebrows.

Plain and boring pala, huh.

"Well atleast hindi manloloko. May itsura ka nga nasa loob naman ang kulo mo." She tsked. Bahagya niyang inilapit ang mukha sa tenga nito. "I might be plain and boring but I wonder how he screamed my name for pleasure." Mahinang bulong niya dito pero alam niyang abot sa pandinig ni Scarlette na mataman lang na nakikinig. Hindi niya alam kung saan siya humugot ng ibayong lakas para masabi iyon sa kaharap.

Umatras ito. "Damn you! You... You'll gonna pay for this. Hindi ko hahayaang mapunta si Claude sa isang katulad mo. He is mine." Pagbabanta nito.

"I'm sorry but he is mine alone. Good luck na lang sa 'yo. Bitch." Madiing bigkas niya. Halos manigas ang panga niya sa pinipigil na galit. Gusto niyang pagsasampalin ito para matauhan.

"Did you just called me bitch?!" Hindi makapaniwalang sabi nito.

"Did you like it?" Mapang-asar niyang sabi.

"Fuck you! Pagsisisihan mo 'to. Nobody mess with me! Hindi ang isang kagaya mo! Mark my words!" Galit na galit na nagmartsa ito paalis.

"Oh God Ayesha you slained her. She walked out on you. Did you see her face? You just blew her. I like your fighting spirit girl. No scratch that-I love it!" Natutuwang sabi nito. Pumalakpak pa ito.

Napailing siya. "I don't know kung pano ko nagawa 'yun. Galit ako sa ginawa niya kay Claude. At hindi ko hahayaang sirain niya kami. Never." Madilim ang mukhang sabi niya. Hindi niya hahayaang mangyari yun.

No way!

"Dapat lang 'no. I think we should go baka bumalik pa 'yun. Baka mahawa tayo sa kapangitan ng ugali." Natawa siya sa sinabi nito.

Sumang-ayon naman agad siya.

Napagpasyahan nilang umalis ng mall at bumalik ng opisina. Hindi na pumasok si Scarlette ibinaba na lamang siya nito naturang building. Pinakiusapan niya na rin ito na huwag ng banggitin ang nangyari sa mall. Gusto pa nga nitong sabihin sa nobyo niya pero nakiusap siya at sa huli napapayag niya na rin ito. Ayaw niyang mag-aalala ito sa nangyari.

Hindi niya inaasahan na makikita ang ex-girlfriend ng nobyo. Seeing her parang nanliit siya sa sarili. Hindi niya akalaing maganda ito. Sabagay her boyfriend is a handsome guy kaya natural na maganda din ang igi-girlfriend nito. Eh siya ano ba ang panama niya sa pagmumukha ng ex-girlfriend nito? Bigla niya naalala ang banta nito sa kanya. May takot na bumalot sa puso niya.

What if maagaw nito sa kanya si Claude?

What if landiin nito?

Andaming what if's ang pumapasok sa isipan niya. A lot of negative thoughts keep running on her mind.

Dapat positive lang.

May tiwala siya sa kasintahan niya. Pero sa hilatsa ng ex nito ay wala siyang tiwala.

Don't let your guards down. Anang munting tinig sa isipan niya.

Tama. Dapat hindi ko hayaang makalapit ito sa kanya.

She shook her head. Overthinking na yata siya masyado. Malalim siyang napabuntong-hininga.

Maghahalo muna ang balat sa tinalupan bago niya maagaw sa 'kin si Claude! Sigaw ng isip niya.

Enjoy Reading.
Xoxo❤❤❤

My Lover in the Dark (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon