Kabanata 2

5.4K 146 6
                                    

Thank you
Dedicated to RinnaReed

Claude

"Good morning sir." Nakangiting bati sa kanya ng receptionist. Inabot nito ang susi ng kwarto niya sa resort.

"Thanks. "Tipid niyang sabi. At kinuha ang susi.

"Do you need anything sir?" Kagat-labing sabi neto sa kanya. Mapupunit na ata labi nito sa lapad ng ngiti sa kanya.

"No. And..." sadyang binitin niya ang huling sasabihin. "You're fired." Malamig niyang sabi dito bago tumalikod. Alam niya ang mga tipo nitong babae.

Naiwan itong nakaawang ang mga labi at gulat na gulat.

He has the right to fire her dahil pagmamay-ari niya ang Resort na 'to. He's here para sa Convention at para na rin makapagrelax. Hindi niya na isinama ang sekretarya niya. Masyado siyang napagod netong mga nakaraang araw dahil sa sunod-sunod na meetings sa mga kliyente.

Tinungo na niya ang room na inihanda para sa kanya. In an hour magsisimula na nang convention. Pagkapasok sa naturang kwarto ay tinungo niya ang terrace para makalanghap ng sariwang hangin. Tanaw na tanaw niya ang buong resort. Kitang-kita ang maasul-asul na karagatan, at mga matataas na puno ng niyog na nagsisilbing lilim ng mga guest. Nagpasadya din siya ng swimming pool para kung sakaling trip ng mga bisita na sa pool maligo ay may option sila.

Paradise. Anang isip niya.

Naagaw ang atensiyon niya ng marinig ang tunog ng telepono sa loob. Tawag iyon galing sa Reception.

"Hello." Nang maingat niya ang telepono.

"I'm sorry to disturb you sir pero may naghahanap po sa inyo dito sa lobby. Kasama niyo daw po siya. Nagpupumilit po kasi siya na kunin ang Room number niyo po. Ayaw naman po namin ibigay without your consent." Mahabang paliwanag nito sa kanya.

"Who?" Kunot-noong tanong niya. Wala siyang naalalang inimbitahan niya na pumunta sa resort.

"Miss Scarlette Del Valle daw po." Sagot nito.

Napatiimbagang siya sa pangalang narinig. Anak eto ng isa sa mga business partner ng Ama niya. She's been stalking her. Sunod ito ng sunod kung saan man siya pumunta. Hindi niya alam kung saan nito nalalaman ang mga schedules niya. Kahit anong pagpupumilit nito sa sarili niya ay wala siyang maramdaman dito ni katiting man. At ilang beses niya na rin pinamukha dito na ayaw niya dito at hanggang pagkakaibigan lamang ang ma-iioffer niya.

"Wait, don't tell anything. I'm coming." Pagkasabi ay binaba niya na agad ang telepono at lumabas ng kwarto.

"Hey Babe!" Bungat ni Scarlette sa kanya ng matanaw siya sa lobby. Lumapit agad ito at yayakap sana sa kanya ngunit mabilis niyang iniwas ang sarili niya.

"Don't. What are you doing here?" Magkasalubong ang kilay na tanong niya.

"Is that how you welcome your guest here?" Nakapameywang na sabi nito pero hindi mapuklit puklit ang ngiti sa labi.

"You can stay here if you want. Pero huwag mo akong iistorbohin." Malamig niyang tugon.

"Seriously? 'Cause I'm here for you." Lumapit ito sa kanya at ikinawit ang mga braso sa leeg niya.

"Let go." Seryosong sabi niya dito sabay palis ng mga braso nito.

"Lagi mo na lang ba akong ire-reject ha?!" Biglang nag-iba ang hitsura nito. Magkasalubong ang kilay na nakaharap sa kanya.

"Don't make a scene here." Nakatiim-bagang sabi niya. Naiirita na siya.

"What's wrong with me ba? Bakit ba hindi mo ako magustuhan? Pangit ba ako? Hindi ba ako sexy? May problema ba sa 'kin ha? Tell me?!" Mataas ang boses na sabi nito. Napatingin siya sa paligid. Nakita niyang pinagtitinginan na sila ng ibang guest.

Hinawakan niya ang kanang braso nito at dinala sa isang sulok dahil nakakaagaw na sila ng atensyon.

"Ouch." Daing nito. Napadiin ata ang paghawak niya dito.

"Look, kapag hindi ka tumigil I'm gonna call your dad right now and tell him that his beloved daughter is-"

"Fine!" Putol nito sa sasabihin niya. Alam niyang takot ito sa Daddy nito. Minsan na itong napagalitan sa kakakulit sa kanya at sunod ng sunod saan man siya pumunta. "I'm gonna stay here hanggat nandito ka. Hindi mo ako mapapaalis dito." Buong loob na sabi nito.

"Suit yourself." Walang gana niyang sabi. Tatalikod na sana siya ng magsalita pa ito.

"I swear, mapapasaakin ka rin! Itaga mo yan sa bato. Whatever it takes! You are mine,only mine." Seryosong sabi nito sabay ngisi sa kanya ng nakakaloko.

"Whatever." Napailing na lamang siya sabay talikod dito at naglakad pabalik sa kwarto niya.

Woman! Anang isip niya.

Sumasakit ang ulo niya sa babaeng ito. Hindi sa pagmamayabang pero maraming babae ang nagkakagusto sa kanya pero hindi niya binibigyang pansin. At isa na dun si Scarlette.

Ewan ba niya, kung tutuusin maganda naman si Scarlette. Sexy at mayaman. He just can't understand bakit hindi niya ito gusto. Maybe she's just not his type of woman.

Naipikit niya ang mga mata at nagpakawala ng buntong hininga.

NOTE: Please Vote and Comment.

Thank you 😘😘😘
Xoxo ❤❤❤

My Lover in the Dark (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon