Kabanata 37

2.8K 78 1
                                    

Thank you
Dedicated to ArlynTabamo2


"Ikaw ba? Ikaw ba 'yung lalaking 'yon sa resort?!" Mataas ang boses na tanong niya. Biglang namuo ang galit sa puso niya. Tumayo siya at galit na nilapitan ito.

"Baby let me explain please." Pagsusumamo nito.

Malakas niya itong sinampal. "Explain what? Ang panloloko mo sa 'kin? Kung paano mo ako niloko?" Nagtaas-baba ang dibdib niya sa galit.

"No, hindi kita niloko... Please hear me out baby." Akmang lalapit ito sa kanya ng sumenyas siya.

"Stop right there. Don't come near me." Nanginginig ang boses na sabi niya.

Hindi naman ito kumilos. Matiim na nakatingin sa kanya.

"I'm sorry..."

"You knew it all along." Mahinang sabi niya.

Hindi ito sumagot. "Sa umpisa pa lang alam mo na. Pero wala kang sinabi. Bakit hindi mo sinabi?!" mataas ang boses na sabi niya. Pinagbabayo niya ang dibdib nito wala siyang pakialam kung masaktan ito basta ang alam niy galit siya dito.

"Niloko mo ko, you lied to me. Siguro aksidente ang pagkikita natin sa resort pero yung pagiging sekretarya ko sa kompanya mo I think may kinalaman ka doon. Tama na ba ako o nag-aassume lang ako?" mapakla niyang sabi. Kusang pumapatak ang mga luha niya. Hindi maampat-ampat.

"I'm really sorry kung hindi ko naamin agad sa 'yo. Natakot ako, baka kamuhian mo ako at iwan. Hindi ko kakayanin 'yon. I love you so damn much at ayokong mawala ka." Sinserong sabi nito. Kung sa ibang pagkakataon nito sinabi baka kinilig na siya pero sa oras na iyon wala siyang maramdamang awa. Galit siya sa isiping niloko na siya nagmukha pa siyang tanga!

"Sorry? Sa simpleng sorry tingin mo mawawala ang galit ko sa 'yo? Well thank you ha? Kasi I feel stupid right now. Pinagmukha mo akong tanga! Ano masaya kana?! Masaya ka? Congrats ha? 'Tang ina. Nakakagago lang. Nagtiwala ako sa 'yo..." Nanghihinang sabi niya at muling napahagulgol. Napadausdos siya ng upo. Pakiramdam niya naubos ang lakas niya.

Marahan itong umupo sa tabi niya. Naglagay ito ng pagitan sa gitna nila. "I didn't mean to do it. Pero hindi ako nagsisi sa nangyari sa atin. I swear, I was the happiest man on earth nung malaman kong ikaw 'yon. That night I didn't know it was you. So I checked everything para malaman kung sino ang babaeng nakasama ko sa madilim na dalampasigan and I discovered it was you. Then I remember, bago mangyari ang gabing iyon ikaw ang bababeng nakabungguan ko sa hallway. I was stunned that moment while staring to your lovely face that was the first time na nagkaganoon ako sa babae. Hindi kana nawala sa isip ko. And of course first time ko din na masampal ng isang babae." mahina itong tumawa siya naman ay nanatiling tahimik. Nakikinig sa bawat sasabihin nito.

"Before what happened that night I was drinking at the bar. Scarlette came, nakipag-toast sa akin not to noticed she put something to my liqour. She drugged me. She was planning something on me but she failed and I thank you for that." nilingon siya nito. Nagtama ang paningin nila. Nauna siyang nagbaba ng paningin. Naalala na ang sinabi nitong na-drugged ito dahil nabanggit ito ni Scarlette sa kanya. Nakaramdam siya ng simpatya sa binata sa nangyari dito nung time na iyon pero hindi niya ipinahalata. Nakikita niya kasing biktima lang din ito sa nangyari.

Yeah pero he still lied to me. Anang bahagi ng utak niya.

"I saw you at the bar, I followed you kaya natakasan ko si Scarlette. Pero bigla ka nawala. I went outside to find you pero wala ka talaga. Suddenly nag-iba ang pakiramdam ko, maybe epekto ng hinalo ni Scarlette sa alak ko. Iba ang pakiramdam ko noon. Pakiramdam ko I was about to explode sa init na nararamdaman ko." he paused for a while. "May nakita akong naglalakad palayo papunta sa dalampisagan. Sinundan ko iyon sa isiping ikaw yun. It was dark and I bumped into someone. And it was you the next thing ay halos hindi ko na maalala. Masyado ng nasakop ng droga mag utak ko. Hanggang sa magising ako kasama ka. Doon nag-sink in lahat ng nangyari. God, I know hindi ko kayang gawin 'yon sa kahit sinuman kung nasa tamang katinuan ako." Mapait itong ngumiti.

"And I'm sorry for that. Sa mga oras ngayon alam kung sagad sa buto ang galit mo sa akin. I can't blame you for that. I deserve it. I know mali ang ginawa ko. Naglihim ako, hindi ko sinabi agad sa 'yo. Natakot lang talaga ako. I deserve to be curse by you. Kahit saktan mo ako pagsampal-sampalin mo ako tatanggapin ko. Just don't leave me, I'll do everything para mapatawad mo ako." pumiyok ang boses nito. " Mahal na mahal kita." Bahagyang umalog ang balikat nito. Umiiyak ito. Her baby is crying. Masakit ang ginawa nito pero bakit mas masakit makitang umiiyak ito at nasasaktan din.

Gusto niyang aluin at yakapin ito pero pinigilan niya ang sarili. "I can't afford to lose you, what I've done was unforgivable pero hindi ako magsasawang ihingi ng tawad iyon. Please baby, forgive me." Akmang hahawakan siya nito sa kamay pero pumiksi siya.

Kita niya ang sakit na bumalatay sa mukha nito. Somehow she felt guilty sa inakto but still naisip niya may karapatan din naman siyang magalit. Kahit pa nag-explain na ito sa kanya. As of now galit siya dito.

Kung nasasaktan ito mas nasasaktan siya. Gusto niya munang mapag-isa. Magpakalayo-layo mula dito. Gusto niyang mag-isip kung ano nga ba ang dapat niyang gawin.

Oo nga't biktima lang din ito sa kagagawan ni Scarlette but the fact na naglihim ito sa kanya iyon ang ikinakagalit niya. She is his girlfriend for goodness sake!

Tinuyo niya ang mga luha niya. Tumayo siya at inayos ang sarili. Kailangan niyang umalis.

Naalarma ito ng tumayo siya. "W-where are you going?" Nababahalang tanong nito. Bigla itong napatayo.

"Huwag mo akong susundan. I want to be alone." matigas niyang sabi.

"But baby-"

"Enough." itinaas niya ang dalawang kamay para patigilin ito. "Please hayaan mo muna ako, sana respetuhin mo ang desisyon ko."

"O-okay." anito kahit alam niyang hindi ito sang-ayon.

Nakalabas na siya ng pinto nang may maalala siya. Pumihit siya pabalik. Tila naman nakakita ng pag-asa ang binata sa pagbalik niyang iyon. Matiim itong. Nakatingin sa kanya.

"May nakalimutan lang ako." Dinampot niya ang brassiere niya at muling tumalikod.

Bagsak ang balikat na sinundan siya nito ng tingin.

Maulap na hapon.
Enjoy.
Xoxo❤❤❤

My Lover in the Dark (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon