Kabanata 17

3.4K 85 2
                                    

Thank You
Dedicated to yengbalazo


Paglabas ng restaurant ay pinagbuksan pa siya ng boss niya ng pinto ng naturang kotse nito. Nagpatiuna na lamang siya kahit na medyo naiilang siya sa ikinilos nito ngayon. He seem so different simula pa kanina.

She shooked her head. She can't figure out kung ano nasa isip ng boss niya ngayon.

Nagulat siya ng biglang dumukhang ito sa kinaroroonan niya. Dahilan para malanghap niya ang mabangong hininga nito. Isama mo pa ang nanunuot sa ilong na pabango nito.

Napalunok siya.

Shems! Ambango talaga ni sir. Eeeehh!

Is he going to kiss me?

Marahan siyang napapikit.

Wait! Omg! Hindi pa pala ako nagtooth brush.

Noooo! Sigaw ng utak niya.

Ilang segundo pa ang dumaan at walang naglanding sa labi nya. Awtomatikong naimulat niya ang mga mata.

"Seatbelt." Kita niya ang amusement sa mga mata nito.

Nag-init ang pisngi niya. Feeling niya nangangapal ang mukha niya sa mga oras na 'yon. Gusto niya maglaho bigla.

Iyan ang napapala ng pagiging assuming.

"Salamat." Tipid siyang ngumiti at umayos ng upo. Ipinaling niya ang paningin sa labas ng bintana. Hindi niya kayang salubungin ang tingin nito. Binuhay na nito ang makina ng kotse at nagdrive.

"Is he courting you? I mean the guy who invited you for lunch?" Basag nito sa nakakabinging katahimikang namayani sa kanila habang nasa byahe.

"Ah si brix..." Sambit niya.

"Brix, huh." Ulit nito.

"Yes... College pa lang kami nagpaparamdam na siya sa akin." Pagtatapat niya. Pinagsalikop niya ang mga palad. She felt nervous hindi niya alam kung bakit.

Biglang sumeryoso ang mukha nito. Kita niya ang paghigpit ng hawak nito sa manibela.

"D-does he have a chance? I mean do you like him?" Mahinang sambit nito.

Tumikhim siya tila kasi may bumabara sa lalamunan niya.

"We're friends."

"Friends..." Nagpatango-tangong sabi nito.

"Yeah, at hanggang doon lang kami." Biglang lumiwanag ang mukha nito pagkarinig sa sinabi niya. Mataman siya nitong tiningnan habang matamis na nakangiti.

God, why so handsome.

"Are you sure about that?" Paninigurado nito.

"Uhuh." Ngumiti siya.

"Do you like me?" Napalis ang ngiti niya sa naging tanong nito. Biglang namanhid ang pakiramdam niya. She wasn't ready for that questioned. Again, her heart erratically beating so fast.

Damn! Sino bang hindi magkakagusto dito?

"Hey, mahirap ba sagutin ang tanong ko?" He snapped.

"Hindi naman sa ganoon. It's just that-"

"I like you." Pagpuputol nito sa sasabihin nito. Her eyes widened sa sinabi nito.

"Paki-ulit?"

"Do I really need to repeat myself?" Nagsalubong ang kilay nito. Ipinark nito ang ang sasakyan. Hindi niya namalayan nasa parking lot na pala sila ng naturang building ng boss niya.

Tumango siya.

Matiim itong tumingin sa kanya. "I said I like you." Seryosong sabi nito.

Tila nagrambulan ang mga daga sa dibdib niya sa sinabi nito. Nagbubunyi ang mga bulate sa tiyan niya. Pati buhok niya ata mahihiwalay sa ait niya sa kilig. Imagine ang boss niya magkakagusto sa isang hamak na sekretarya lamang.

Imposible! Kontra ng munting tinig.

"S-seryoso?" She stuttered. Hindi talaga siya makapaniwala.

"Would you believe me if I kiss you?" Hinawakan siya nito sa ilalim ng baba niya.

"Ha?"

The next thing she knew he claimed her lips. It was a gentle kiss. Soft and sweet. Kakaibang kiliti ang hatid ng halik nito sa kanya. Napapikit siya thinking it's just a dream. Bigla siyang dumilat. Hindi siya nananaginip lamang. Kita niya sa mata ng binata ang pagkagiliw ng itinigil nito ang halik at pinagmasdan siya.

"Now, do you believe me?"

"Bakit ka ba nanghahalik? Hindi pa kita boyfriend." Nag-iinit ang pisngi niya.

"Then be my girlfriend." Nakangising sabi nito.

"Huh? Excuse me ano tingin mo sa akin easy to get?" Dinaan niya sa pagtataray ang hiyang nararamdaman niya.

"Ayaw mo ba sa 'kin?"

"Gusto..." Mahinang bulong niya.

"What?" Kunot-noong tanong nito.

"Ang sabi ko gusto kita! Gusto din kita!" Biglang tumaas ang boses niya.

"So tayo na?" May amusement sa mga mata nito.

"Hep, hep! Hindi porket gusto mo ako at gusto kita tayo na. Hindi ko nga alam baka pinagtitripan mo lang ako. Imagine ang guwapo kung boss magkakagusto sa akin? For sure madaming naghahabol sa 'yo." Napahalukipkip siya.

"You just said na gusto mo ako. Why can't we just make it official." Halos mag-isang guhit na ang kilay nito pero ang gwapo pa rin. Nakakainis!

"Ganyan ka ba talaga kabilis? Walang ligaw factor? Ganern? Aba ang suwerte niyo naman kung ganoon. For your information Mr. Mendez NBSB pa ako 'noh!" Palatak niya dito.

"NBSB?" Takang tanong nito.

"Yes as in NO boyfriend since birth. Kaya masuwerte ang lalaking magiging first boyfriend ko." Kita niya ang pag ngisi ng binata.

"Suwerte ko pala kung ganon." He said.

"And why?" Taas kilay niyang sabi.

" 'Cause I'll be the first one and probably your last one." Muli nitong sinakop ang nakaawang niyang labi.

Thank you guys ❤ ❤ ❤

My Lover in the Dark (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon