Kabanata 27

3K 73 0
                                    

Thank you
Dedicated to samantha27alex

Mahigpit na nagyakap ang mag-ama nang marating nila ang kabilang side ng mansion kung saan may malawak na hardin at doon ang venue ng party.

"It's been a while son." Nakangiting usal ng ama nito at tinapik-tapik pa ang balikat.

"Yeah dad. I missed you both."

"And this is Ayesha, ang girlfriend ng anak natin." Singit ng ina nito na tila kinikilig pa.

"Oh, really? Then you must be the unlucky one." Anang ama nito na bumaling sa binata.

"Dad!" Lukot ang mukhang angil nito sa ama.

Tumawa lang ang ama nito. "I'm just kidding hija. Welcome to the family." He opened his arms to welcome her. Lumapit siya at tinanggap ang mga kamay nito at niyakap ang ama nito.

"Thank you po sir." Nawala lahat ang bigat na naramdaman niya kanina. Walang pagsidlan ang kaligayahang nadarama niya ngayon.

"It's tito Claus hija and tita Debborah." Sansala ng ama nito.

"Come on Claus. It should be Mom and Dad. Soon they'll be a family." Angil ng ina nito.

"Hmm, much better." Sang-ayon naman ng ama nito.

Hindi niya namalayan na may kumawala na palang luha sa kanyang mga mata. Tears of joy 'ika nga.

"Hey why are you crying?" Nag-aalalang tanong ng binata sa kanya. Pinalis nito ang luha niya.

Nag-aalalang napatingin ang mga magulang nito sa kanya. Lumapit ang ina nito. "Okay ka lang ba hija?" Nag-aalalang sabi ng ina nito.

"Do you want some water?" Segunda naman ng ama nito.

Umiling siya. "Okay lang po ako. I'm just so happy right now. Akala ko... Akala ko kasi hindi ako welcome dito." Pag-amin niya.

Lumambot lalo ang ekspresyon ng mukha ng ginang. "Now I know kung bakit ka minahal ng anak ko." Marahang sabi nito. Umakbay naman ang asawa nito sa ginang.

"Po?" Nagugulamihanang tanong niya.

"I'm just happy for both of you. Sana hindi mo saktan ang anak ko."

Bigla siyang natigilan. She swallowed hard. "Hindi po." Tipid niyang sagot. Gusto niyang palakpakan ang sarili dahil hindi siya pumiyok.

"Well then, enjoy the party. Hijo puwede ko ba mahiram ang magiging manugang ko? Ipapakilala ko lang siya sa mga kumare ko." Magiliw na sabi ng ginang.

"Sure mom." Napatingin siya sa kasintahan. Ngumiti ito sa kanya. Nag-aalangan nagpatangay siya sa ginang habang hawak-hawak ang kamay niya.

Claude

"So how did you met her?" Tanong ng ama niya sa kanya. Kumuha siya ng dalawang kopita sa dumaang waiter. Inabot niya ang isa sa ama.

"Well sa kompanya siya nagtatrabaho." Sumimsim siya ng alak sa basong hawak niya. "She's my secretary." Dugtong niya.

"Where is Mrs. Benitez?"

"She took a leave for two months. May importanteng daw siyang aasikasuhin. So I let Ayesha replaced her for her absence." Paliwanag niya.

"Oh I see. It's like you did it for a reason." His dad smirked.

He glared to his dad. Pero hindi siya nagsalita.

"Alam kong ikaw mismo ang pumili na siya ang pumalit kay Mrs. Benitez habang wala siya. Am I right?" Tumango siya bilang sagot. "Did you flirt with her kaya naging kayo? Or it's the other way around?" Panghuhuli ng dad niya.

"Dad! Do I really need to answer that?" Hindi makapaniwalang sabi niya.

Ngumisi ito sa kanya. Kahit kailan talaga hindi siya makapagkakaila sa dad niya. Damn.

"The first time I laid may eyes on her gusto ko na siya." He confessed. "Kaya ang saya ko nung naging kami." Ngumiti siya.

"You're inlove." Lumambot ang expression ng mukha ng ama niya. "I could see myself in you nang ma-inlove ako sa mommy mo."

"Inlove ka pa rin naman kay mom hanggang ngayon." Nakangising sabi niya.

"Ofcourse, ang mom mo lang ang mamahalin ko hanggang sa malagutan na ako ng hininga."

"You got it bad dad."

"Hey young man, gusto mo bang isumbong kita sa mommy mo?" Pananakot nito sa kanya.

"I'm on your side dad." Biglang bawi niya.

Napapailing na lamang ang ama niya sa kanya. Napatingin siya sa kinaroroonan ng nobya. Kasama nito ang mga kumare ng mommy niya at mga tita niya.

"She's an amazing woman." Turan ng ama niya sa dalaga. Sinundan pala nito ang tinitingnan niya. "Just like your mom."

"Yes indeed. And I don't know what to do if I lost her." Humigpit ang hawak niya sa kopita.

"You'll lose her kung hindi ka magpapakatotoo sa kanya. Sa isang relasyon there's no such thing as secret or lies. Dapat wala kayong tinatago sa isa't-isa 'cause if you do you'll end up hurting each other. Trust issues ay isa sa malaking papel sa relasyon. That's one of the reason kung bakit nagiging matatag ang bawat relasyon." Mahabang litanya ng daddy niya. "And I know you're hiding something from her." Seryoso ang mukha nito habang iniinom ang alak na hawak.

Bahagya siyang natigilan.

Am I that transparent to my dad? O sadyang kilala niya lang talaga ako?

Malalim siyang napabuntong-hininga. Then he started talking. Wala siyang inilihim sa dad niya. It's his dad after all. The only man he could trust maliban pa kay Gian na bestfriend niya.

"Oh Holy God. What have you done son?" Kita niya ang pagkabigla ng ama niya sa narinig sa kuwento niya.

"I'm sorry dad. It's not me what I mean is something's off with me that time. I don't know what to do. I don't know how to tell Ayesha she'll surely hate me. Worst part baka iwan niya and I don't want that to happen. Hindi ko alam kung kakayanin ko." He feels like someone's ripping off his heart into pieces.

"I know you son. Hindi mo kayang gawin 'yon kung nasa tamang katinuan ka. But you have to do something."

"What you do you mean?"

"You have to remember what happened that night before you met her at the resort. Maybe someone put something to your liquor." Suhestiyon ng ama niya sa kanya.

"Damn, bakit hindi ko naisip 'yon?" Tila nabuhayan siya ng dugo sa sinabi ng ama.

"By the time na alam mo na ang totoong nangyari then I encourage you to tell her as soon as possible. Hindi mo naman gugustuhin na sa iba pa niya malaman?"

He felt afraid of the thought na baka sa iba nga nito malaman. Kaya gagawin niya ang lahat para malaman kung ano ang nangyari sa kanya noong araw na 'yon.

He clenched his fist.

I'm not gonna lose her! Never!

Enjoy Reading.
Xoxo❤❤❤

My Lover in the Dark (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon