Kabanata 20

3.3K 73 3
                                    

Thank you
Dedicated to jhetseneres

Claude

Mahigit isang oras lang itinagal ng dinner meeting niya. As usual he closed the deal smoothly. Sumagi sa isip niya ang dalaga at napangiti siya sa naalala. Ang nangyari sa kanila kanina sa office niya. It was wonderful at hindi maalis-alis sa isip niya. Napapikit siya at bigla ding napamulat ng tumunog ang cellphone niya.

Bahagya siyang nagulat nang makitang si Gian ang tumatawag. He can't remember kailan sila huling nagkita at nag-usap nito. A month or less. Naging busy siya masyado. Napapailing na sinagot niya ang tawag nito.

"Hey man," bungad niya.

"Man, it's been a while."

"Yeah, What's up?"

"I'm fine, are you busy?" Anito.

"I just closed a deal a while ago."

"Whoa! Great, let's celebrate then."

"Thanks. Saan naman? Sa condo mo or mine?"

"Fuck, you sound like choosing which place to have sex." Gian chuckled.

"Fuck you!" Lalo pa itong tumawa.

"Easy man, pikon ka na naman."

"Club Matrix then." Aniya at napailing-iling at pinatay ang linya.

Nagfist bump silang dalawa ng makita sa naturang club kung saan naging tambayan na nila simula pa noon.

"What keeps you busy Santiago?" Aniya sa matalik na kaibigan.

"Nothing, nagsoul searching ako."

"What did you just say?!" Hindi makapaniwalang tanong niya.

"Soul searching." Ulit pa nito.

"What happened to you? Wait, ikaw ba talaga 'yan? Gian Santiago?" Aniya na hinawakan pa ang dalawang balikat nito.

"Fuck you Mendez! It's me, ano bang pinagsasasabi mo?" Inalis nito ang dalawang kamay niya.

"Damn man, I just can't believe it coming from you. Soul searching? The fuck? Kailan pa nauso 'yan sa 'yo?" Ininom niya ang basong naglalaman ng alak.

Kita niya ang pagbuntong-hininga nito at bahagyang pagtahimik. Ininom din nito ang inorder na alak.

Right there and then he knows na may problema ang kaibigan niya. Matagal na niya itong kaibigan kaya alam niya kung may problema ito o wala.

"Come on man, spill it out."

"There's a woman I've been loving for so long... " umpisa nito.

Nanlaki ang mga mata niya. "Does she know about it?" He asked.

Tumango ito. "But she doesn't feel the same way." Mapakla itong tumawa at muling lumagok.

"Eh 'di ligawan mo siya hanggang mapasagot mo siya." Payo niya.

"Kahit ligawan ko pa siya hindi pa rin niya ako mamahalin. Because she loves somebody else and it hurts like hell. That guy doesn't love her-"

" 'Yon naman pala eh. Then go for her." He cut him off.

"Sana ganoon kadali. Ilang taon din naman akong nagbabakasali na magugustuhan niya kaso kahit anong gawin ko hinding-hindi niya ako magugustuhan. Hinding-hindi niya ako mamahalin. Damn, ansakit pala ng ganito. Loving someone who couldn't love you back 'cause she's inlove with someone else." Muli itong uminom.

"She'a a fool para balewalain ang isang katulad mo." Sansala niya.

Tiningnan siya nito. "So you're a fool? Kasi ganoon din ang situation niyo ni Scarlette, right?"

"No, iba naman ang sitwasyon namin ni Scarlette. At tsaka bakit napasok siya sa usapan?" Kunot-noong tanong niya.

"We both know na may gusto siya sa 'yo. Matagal na. Mahal ka niya kaya nga kahit ipagtabuyan mo siya ng ilang beses ay kinukulit ka pa rin niya. How many times that you rejected her pero ano pinipilit pa rin niya ang sarili niya sa 'yo." Mapait itong ngumiti. "Just like me pinipilit ang sarili sa taong ayaw sa akin."

Saglit siyang natahimik. "Scarlette is an amazing woman. Hanga ako sa pagiging honest niya sa feelings niya sa akin. But no matter how hard I tried to convince myself na baka sakaling matugunan ko ang nararamdaman niya I just can't see myself being with her. Wala akong pagmamahal na maramdaman. If you think I'm a fool, so be it but I don't want to fool myself too. Hindi natin pwedeng turuan ang puso kung sino ang mamahalin natin. Kung mahal mo talaga siya it's either you fight for her or let her go. Kasi ikaw lang din ang masasaktan kung kahit anong gawin mo hindi ka pa rin mamahalin." Mahabang litanya niya.

"Where's is it coming from?" Napapantastikuhang tanong nito sa kanya na para bang hindi makapaniwala.

"Well, I'm in relationship right now." Ngiti-ngiting amin niya sa matalik na kaibigan.

"You're what?!"

"You heard me right. I have a girlfriend now."

"Who's the unlucky woman Mendez?"

"Damn you, Santiago." Nagbibirong inambaan niya ito ng suntok na ikinatawa lang nito.

"Is that for real?" Hindi pa rin naniniwalang tanong nito.

"Yeah, I met her last month and it happened her to be my secretary and now she's my girlfriend." Napangiti siya ng maimagine ang maamong mukha ng dalaga.

"You got it bad man. Mukhang tinamaan ka na sa sekretarya mo." He chuckled.

Nagsisimula pa lamang ang relasyon nila ng dalaga at masaya siya na sila na. Though may mga bagay pa siyang inililihim dito hiling niya na sana ay maipagtapat sa dalaga ng hindi ito masasaktan or magagalit sa kanya. Maybe sa tamang panahon he might be able to confess everything to her..

"Whoa! I think someone in the past is coming back now." Sinundan niya ng tingin ang direksyong tinitingnan nito. Isang pamilyar na bulto ng babae ang papalapit sa kinaroroonan nila. She was smiling at him. Natigilan siya ng mapagsino ito.

"Maureen..." Anas niya.

Sorry for the late update.
Thanks for reading.
Xoxo ❤❤❤

My Lover in the Dark (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon