"So, sa Sunday pa babasahin ang last will and testament ni Lolo?" bagot na tanong ni Dex sa abogado ng abuelo. Hindi niya talaga gusto ang idea ng pag-uwi dito sa Pilipinas. Pero mapilit ang kanyang mama. Kung siya lang ang masusunod ay hindi na niya kailangan ang kayamanan ng lolo. May maganda siyang trabaho sa America, bukod sa isa din siyang kilalang modelo. He can live a comfortable life!
Pero gusto ng kanyang ina na makuha para pagyamanin pa ang mga ari-arian ng namayapang lolo. At sa kanya ito tanging ipinamana. Nag-iisang anak lang kasi ang kanyang mama, ngunit nagkaroon ng samaan ng loob ang kanyang Lolo Dencio at ang kanyang ina dahil sa pagsama ng kanyang mama sa kanyang papa na isang banyagang tiga-Brazil. Hindi iyon nagustuhan ng kanyang lolo, he disinherit her.
Oo nga at nagkausap na naman ang mag-ama lalo nang ipinanganak siya ng kanyang mama, ngunit tila hindi nagbago ang pasya ng kanyang Lolo Dencio. His old folks instead left all his fortune to him, his only legal grandson. Sa pagkakaalam niya, may anak ang abuelo sa ibang babae, na ngayon ay gusto din makihati sa kayamanang naiwan nito. That's why his mom wanted him to fight for their rights! Ayaw nitong mapunta ang pinaghirapan ng kanyang ama sa mga taong pinaniniwalaan nito na may ibang agenda.
"Oo, Iho! Dalawang araw na lang naman yun mula ngayon. Hinihintay pa natin ang pagdating ng isa pang tao na ni-require na iyong abuelo na nandito pag binasa ko ang kanyang huling habilin." paliwanag ng matandang abogado. His right eyebrow twitch sa narinig.
"Wait, isa pang tao? Eh as far as I know, sa akin lang iniwan ni Lolo Dencio lahat ng kanyang kayamanan, di ba?" parang mauubos na ang pasensya ni Dex sa mga nalalaman. Ibig sabihin ay mananatili pa siya dito ng ilan pang mga araw? Hindi maari yun, bukod sa may mga trabaho siyang naiwan sa America, hindi din niya kayang maiwan ng matagal ang kanyang Fiancee, si Lexie. Ahh, he misses her so much!
"Sa Linggo malalaman mo ang lahat, Iho! For now you can stay here sa Condo building na pagmamay-ari din ng iyong Lolo. I'll see you again on Sunday!" yun lang at tumayo na ang abogado. Walang nagawa si Darcy kundi ihatid na lamang ng tanaw ang matandang lalaki.
Nang tuluyang makaalis ang abogado, he started unpacking his things from his luggage. Konting damit lamang ang kanyang dinala dahil nga wala naman siyang planong magtagal. From his luggage, inilabas niya ang kanyang laptop. Naalala niyang kailangan niyang i-email ang kanyang mama at ang kanyang fiancee. He smiles nang maalala ang nobya!
Mahal na mahal niya si Lexie, kaya naman sa loob lamang ng 2 taon na pagiging mag-kasintahan ay niyaya niya agad itong magpakasal. He loves everything about her. She's very beautiful, fashionable, glamorous, sexy, intelligent, funny, sweet and very caring. Lahat na yata na hahanapin ng isang lalaki sa isang babae ay na kay Lexie na. Kaya naman maswerte siya na pumayag ang dalaga na pakasalan siya. Dex feels like he is the luckiest man alive when she said yes to his proposal! Nangingiting sinimulan ng binata na mag-type ng email para sa dalawang babaeng importante sa kanyang buhay.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Dumating ang araw ng Linggo ay muling kaharap ni Darcy ang abogado ng kanyang abuelo na si Atty. Salazar.
"Good afternoon, iho! Please take a sea, maaring parating na ang ating hinihintay!" nakangiti nitong turan sa kanya ng makita ang kanyang pagpasok sa dating opisina ng kanyang lolo sa condo building na pagmamay-ari din nito.
May ilang minuto pa lang nakakaupo ang binata ng makarinig sila ng mahihinang katok. Binalingan ng matandang abogado ang kanyang sekretarya upang buksan ang pinto, agad naman itong tumalima. Nang bumalik ito ay kasunod na nito ay isa pang babae. The girl is probably on her 20's. Naka kupas itong pantalon na maong, naka-abuhing t-shirt at itim na chuck taylor na sapatos. Her hair is in messy buns, halatang galing sa isang mahabang biyahe. She looks like a lost college girl in the corporate world.
Nagtama ang kanilang mga mata. Napansin ni Dex na medyo napanganga ang babae. He smirk, hindi na bago sa kanya ang mga ganong reaksyon. He always got that everyday of his life. Pero agad din itong tila natauhan at nagbawi ng paningin.
"Good morning, Iha! You're Amanda Rosales, if I'm not mistaken?" agad tumayo ang abogado at sinalubong ang babae na tila nawawala pa din. She look so puzzle and overwhelmed.
"O-opo! Yun po ang buo kong pangalan. Mandy na lang po, Sir!" inabot nito ang kamay ng abogado. They shook hands, at pagkatapos ay pinaupo na ito ng matandang lalaki sa tapat ni Dex. Yuko ang ulo nito na naupo sa kanyang tapat. She really look like a lost puppy, gustong matawa ng lalaki sa ichura ng babae.
"Okay, magsisimula na tayo dahil nandito na kayong dalawa...." binuksan ng abogado ang kanyang attache case at inutusan ang sekretarya na ibigay sa dalawa ang mga papel.
"Lahat ng ari-arian ni Don Dencio Larazabal ay kanyang iniiwan sa kanyang nag-iisang legal na apo, si Dixon Kristopher Larazabal Mercado. Ang kanyang masyon sa Forbes Park, ang kanyang hacienda sampu ng kanyang mga lupain sa ibat-ibang panig ng Pilipinas, ang kanyang anim na condo building, maging ang kanyang mga negosyo, savings sa mga bangko dito at sa abroad ay iniiiwan niya sa kanyang kaisa-isa at tanging tapagmana na si Dex...."
Gustong malula ng binata sa laki ng kayamanan na iniwan sa kanya ng kanyang abuelo. Alam niyang mayaman ang kanyang Lolo Dencio, ngunit hindi niya inakala na ganito pala ito kayaman. Pwede na siyang hindi magtrabaho buong buhay niya dahil sa mga makukuha, and best of all, he could give Lexie the best wedding, pangarap kasi iyon ng fiancee, the grandest wedding.
"...ngunit, mga kondisyong ang iyong lolo bago mo makuha ang kanyang mga naiwan na kayamanan. Una, hindi mo papalitan ang mga empleyado na matagal ng naninilbihan sa iyong lolo. Pangalawa, ipagpapatuloy mo ang mga scholarship at charities na nasimulan na din ni Don Dencio. At, ang pangatlo at ang pinakamahalaga ay may kinalaman kay Mandy..." the lawyer paused. Nakangiti nitong tiningnan ang babae na takang nag-angat ng tingin. Maging si Dex ay maang na nabaling sa babae ang pansin. Ito ba ang anak nang kanyang lolo sa labas? She couldn't be! She's younger than him. Ang pagkakaalam niya ay matandan lamang ng ilang taon ang kanyang mama sa anak sa labas ng kanyang lolo. Marahil ay apo sa labas?
"Eh teka po! Bakit po ba ako talaga nasali dito? Hindi ko naman po kayo kilala! Hindi ko din po kilala yung sinasabi nyong Don Dencio...." tila may halong inis na tanong ni Mandy sa abogado. Bakit hindi? May duty pa siya ngayon sa fastfood na kanyang pinagsa-sidelinenan. Ngunit pinilit siyang isama ng ilang mga lalaki na inutusan daw ng matandang abogado na 'to.
"Iha, si Don Dencio ay ang matandang binigyan mo ng tubig at sandwich nang minsang itong mahilo at kamuntikan ng mahimatay sa tapat ng iyong pinagta-trabuhan na restaurant. Yung matanda na tinulungan mo at naging dahilan nang pagkakaalis mo doon sa restaurant na iyon, siya yun!" the lawyer explained to her with so much fondness in his eyes. Sa katunayan, napansin nga ni Dex na tila kumulimlim ang mga mata ng abogado na tila iiyak.
Si Mandy naman ay tila natuka sa narinig. Yung matandang yun? Sinabihan pa naman niya yun ng matigas ang ulo at wag pakalat-kalat dahil may edad na. Isa pa lang mayamang tao yun. Naging kaibigan niya ang matandang lalaki, sa katunayan at lagi siyang dinadalaw nito sa fastfood na nalipatan. Tuwina ay lagi niya itong nilalabasan ng meryenda. Don pala si Lolo Deng.
"Anyway, ito ang gustong mangyari na iyong lolo, Dex! Gusto niyang isali mo sa scholarship ng inyong foundation si Mandy. Pagkatapos ay gusto niyang bigyan mo ito ng trabaho pagka-graduate ng college...."
Napamaang ang dalaga sa narinig. Parang bigla niyang gusto maiyak. Hindi nga ba't lagi niya iyon sinasabi sa matandang lalaki, na gusto niyang makapagtapos ng kolehiyo?
"That's easy! I can do that, yun lang ba." singit ni Dex sa pagbabasa ng abogado. Ngumiti ito at umiling.
"May isa pang bilin ang iyong abuelo na siyang pinakamahalaga. Ikaw at si Mandy ay kailangang magpakasal...." pagpapatuloy ng abogado. Awtomatikong napatayo si Dex mula sa kinauupuan gayun din si Mandy.
"What the...?" malakas ang tinig na nasabi ng binata.
BINABASA MO ANG
Never Knew I Needed (COMPLETED)
Short StoryPara makuha ni Dex ang malaking kayamanan na iniwan sa kanya ng kanyang abuelo, kailangan niyang makisama sa loob ng anim na buwan sa iisang bubong kay Mandy, isang estrangherang babae na minsang sumagip sa kanyang Lolo. And to top it all, kailangan...