"Are you okay, Mandy?" nagulat ang dalaga sa biglang tanong sa kanya na yun ni Melvin.
"O-oo naman! Bakit mo naman natanong yan?" medyo nautal niyang sagot.
"Wala naman! Kanina pa kasi napansin na parang malalim ang iniisip mo. Hindi ka ba nag-e-enjoy sa party?" tumabi sa kanya ng upo ang binata. Nasa isang sulok sila na nakaupo habang ang mga magsasaka at pamilya ng mga ito ay nagkakasiyahan sa pagsasayaw at pagkanta paligid nang isang tila malaking bonfire na nagsisilbing liwanag sa madilim na gabing iyon.
"Of course not! Nag-e-enjoy naman ako noh!" nakangiti niyang tanggi dito. Narinig niyang nag-buntong hininga ang lalaki.
"Hmm, d-dahil ba kay Dex? Dahil ba dumating ang fiancee niya?" agad napatingin si Mandy sa binaya ng marinig ang sinabi nito. Naguguluhan niya itong tiningnan, hindi niya alam kung paano nito naisip na baka si Dex ang kanyang iniisip. Pero teka, si Dex nga ba? pilit na itinatanggi iyon ng dalaga sa kanyang isip.
"A-ano ka ba? B-bakit ko naman iisipin si Dex at Lexie?" she fake a laugh.
"Well, napansin ko lang kasi na for 2 months that you've been here, parang biglang nag-iiba ang trato sa'yo ni Dex. Iba na din ang mga tingin niya sa'yo."
"A-ano ka ba? You are imagining things, Melvin! Baka naman namamalikmata ka lang." gusto niya sanang paniwalaan ang obserbasyon ng binata. Totoo na tila bumait na sa kanya si Dex, pero ang pag-iiba ng mga tingin nito sa kanya? Tila napakahirap iyon paniwalaan. Lalo kung ikukumpara siya kay Lexie, ni hindi pa nga yata siya aabot sa kalingkingan ng babae.
"Lalaki din ako, Mandy! Kaya alam ko ang mga tingin na yun." paliwanag sa kanya muli ng lalaki. Umiling-iling si Mandy. Hindi talaga posible ang sinasabi nito.
"Hahahaha! Ano bang tinitira mo, Melvin? Tigilan mo na nga yang kaka-katol mo, you're hallucinating!" she giggle, bagay na nagpatawa din kay Melvin. Nang tumigil sila sa pagtawa ay saglit na tumikhim si Mandy, at seryosong nagsalita.
"Saka alam mo, it can't be possible. Like cmon, look at me. Tapos di ba nakita mo yung fiancee niya? Ano bang laban ko sa isang Diyosa na bumaba sa lupa? I bet Dex's eyes are only for her, and no one else." mapakla niyang sabi. Di niya gusto ang mumunting awa na nararamdaman para sa sarili. She hates it!
"Well, Dex's fiancee is a beauty, that's for sure! Pero ikaw, napakaganda mo, Mandy. And I'm not even saying this just to flatter you, I'm saying this because yun ang nakikita ko. Your kind of beauty is one of a kind. You remind me of a flower blossoming in a month of May." nakangiti na naman nitong sabi sa kanya, nawala na naman ang mga mata nito.
"Why, thank you! But you know, I really suggest that you should get your eyes check!" sukat sa sinabi niya ay kiniliti-kiliti siya ng lalaki, kaya naman halos magkikisay si Mandy dahil talagang napakalakas ng kanyang kiliti. They started attracting attentions from other people in that party. Ang lahat ay nagkakaisa na bagay ang dalawa.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Mukhang nag-enjoy ka kagabi ha?" medyo inaantok pa na tinapunan ng tingin ni Mandy si Dex na nakaupo sa loob ng kusina. Nagkakape na din ito, habang si Nana Telma naman ay abala sa pagluluto. Tuloy tuloy siyang naglakad upang gumawa ng sariling kape.
"Balita ko, sobrang sweet nyo daw ni Melvin ha!" narinig niyang muling sabi ng binata. Hindi niya gusto ang nahihimigang sarcasm sa tinig nito, but she chose to just ignore it. Naupo siya sa tapat nito, habang hinahalo-halo ang kape.
BINABASA MO ANG
Never Knew I Needed (COMPLETED)
Short StoryPara makuha ni Dex ang malaking kayamanan na iniwan sa kanya ng kanyang abuelo, kailangan niyang makisama sa loob ng anim na buwan sa iisang bubong kay Mandy, isang estrangherang babae na minsang sumagip sa kanyang Lolo. And to top it all, kailangan...