Chapter 14

7K 176 9
                                    

Matuling lumipas ang mga araw. Si Melvin ay patuloy pa din sa matiyagang panliligaw kay Mandy. Habang si Dex ay patuloy pa din ang aso't pusang relasyon sa dalaga. Hanggang sa isang buwan na lamang ang natitira sa anim na buwang nakasaad sa last will and testament ng kanyang lolo. Pakiramdam ni Dex ay gusto niyang itigial ang oras, gusto pa niyang makasama nang mas matagal si Mandy, bagay na hindi niya maamin sa dalaga. 

Kaya naman halos sumabog ang kanyang dibdib ng maabutan niyang karga ni Melvin ang babae na tila bagong kasal, habang ang mga tauhan naman sa kanilang sakahan ay tila aliw na aliw na pinapanood ang dalawa.

Mabilis na bumaba ang binata mula sa kabayong sinasakyan. Sa ilang hakbang ay narating nito ang kinaroroonan ng dalawa. Marahas niyang hinila ang braso ng babae na halata ang pagkagulat.

"A-no ba? Bitawan mo ako, nasasaktan ako!" pilit na binabawi ni Mandy ang kanyang braso sa mahigpit na pagkakawak sa kanya ni Dex. Si Melvin naman na tila ngayon pa lang natauhan sa sobrang pagkabigla ay agad na sinubukang pigilan ang lalaki.

"Bro, nasasaktan si Mandy eh!" hinawakan nito ang kabilang braso ng babae, kaya naman mukha silang nag-aagawan kay Mandy. Tinitigan ni Dex ang braso na hawak ni Melvin. 

"Let go of her!" mariin niyang pagbabanta sa lalaki. 

"Why would I? Wala kang karapatan na utusan ako." sigaw ni Melvin kay Dex, nakipagsukatan din ito ng tingin sa lalaki. Habang si Mandy naman ay tila hindi maintindihan kung ano ang nangyayari. Kanina lang ay pinipilit siyang kumain ni Melvin, nang tumanggi siya ay bigla siyang binuhat ng binata papalapit sa hapag kung saan pinahanda nito sa ilang mga tauhan ang kanilang tanghalian. Kaya naman nagtataka siya sa galit na pinapakita ni Dex. 

"D-dex! Ano ba kasing problema mo?" maya maya ay tila nahanap na din niya ang kanyang sariling dila. Naramdaman niya ang paghila nito sa kanyang kaliwang braso, na sinundan naman ng paghila din ni Melvin sa kanyang kanang braso naman. Pakiramdam nang dalaga ay hihiwalay ang kanyang mga braso sa katawan. 

"Ikaw ang problema ko! Bakit ka nakikipaglandian diyan?" mariin na sinabi sa kanya ng lalaki. 

"Ha? Sino bang nakikipaglandian?" di niya maintindihan ang sinasabi nito. 

"Oo nga! At saka, ano naman kung naglalandian kami? Anong karapatan mong magalit, bro?" singit ni Melvin sa kanilang pag-uusap. Marahas siyang hinila ni Dex pagkaraan, dahilan upang mabitawan si Melvin ang pagkakawak nito sa kanyang kabilang braso. Akma nitong hahatakin ulit ang kanang braso nang bantaan ito ng malakas na tinig ni Dex. 

"Don't touch my fiancee!" tila kulog na dumagundong ang tinig nito. Awtomatikong napatingin si Mandy sa lalaki. Ano ang sinasabi nito? Si Melvin naman ay nagpalipat-lipat ng tingin sa kanilang dalawa, tila biglang naguluhan sa mga nangyayari. 

"Fiancee? Ano ito, Mandy? What's the meaning of this?" tanong nito sa dalaga na bakas ang sakit sa mukha. 

"I-i don't know! Ano bang sinasabi mo, Dex?" binalingan niya ang lalaki. 

"You want me to remind you, Mandy? You are here because we will marry after a year. Nakalimutan mo na ba?" he smirk. Nakita niya ang pagkakagulat na bumalatay sa mukha ni Mandy.

"Not unless umatras ako! N-nakalimutan mo na ba yun?" maya maya ay usal ng dalaga. Ngunit walang ano-ano ay bigla siyang pinasan ng binata, at isinakay sa ibabaw ng kabayo, pagkatapos ay mabilis din na sumakay ito.

"Tama ka! Pero hanggang di ka pa umaatras, you are mine!" yun lang at mabilis na nitong pinaandar ang kabayo pauwi sa mansiyon. Naiwan naman na natitigilan at wala nang magawa si Melvin.

Never Knew I Needed (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon