Chapter 11

6.9K 183 6
                                    

Nakarinig sila Mandy ng yabag nang tila mga paa nang kabayo na papalapit kung saan nagpupulong ang mga magsasaka. Nag-angat ng tingin ang dalaga. She saw Dex riding on the black horse. Napakakisig nitong tingnan. He's just wearing a blue jeans at itim na sando. Enough to expose all his muscles. Napalunok si Mandy. Dex is really the epitome of what hot is all about. Kasunod nito si Lexie, sa ibaba nito ay may isang lalaki na umaaalalay sa kabayo. She's wearing a red hanging blouse and short shorts. Gaya ng lalaki, she's really oozing with so much appeal. Para siyang isa sa mga modelo ng isang sikat na brand ng alak, lalo ang kabayo na sinasakyan nito ay kulay puti. Bagay siyang maging modelo ng White Castle.

Andon na naman ang pakiramdam na tila pangliliit sa sarili na hindi mapigilang maramdaman ni Mandy. Paanong may ginawa ang Diyos na tila mga perpektong nilalang? Yun ang naisip nang dalaga. Dex and Lexie looks so perfect. Tila Greek God and Goddess na nabuhay. Nakita niyang inalalayan sa pagbaba ni Dex ang kasintahan, habang ang ibang mga magsasaka ay halos lumuwa ang mga mata sa kagandahan na kanilang nasisilayan.

"Good morning po sa inyong lahat!" bati ni Dex, inikot nito ang paningin na tila isa-isang binabati ang mga tao. Saglit na tumigil ang mga mata nito nang mapadako sa kanya. Napilitang ngumiti ang dalaga nang magtama ang kanilang mata. Isang tipid na ngiti at tango naman ang isinagot ng lalaki sa kanya.

Muling napalingon ang lahat ng makarinig naman sila ng tunog nang makina ng sasakyan. Isang 4x4 Toyota Land Cruiser 80 ang pumarada. Mula doon ay bumaba si Melvin. Di gaya ni Dex, the guy is in cotton white shirt and a khaki short. He is also wearing a black sneakers. Nakangiti itong lumapit kay Mandy.

"Good morning, everyone!" halos mawala ang mata nito sa pagkakangiti. Mataman itong pinagmasdan ng dalaga. Although he isn't as hot as Dex, hindi naman ito magpapatalo sa pagkagwapo. Melvin is also very good-looking, just the boy-next-door kind of handsome. His boyish smile is really contagious.

"Good morning, Bro! Good morning, Lexie!" bati nito ng mapansin ang dalawa na nakatayo sa di kalayuan. Isang tango ulit ang sinagot ni Dex. Parang ang kaninang magandang mood nito ay kagyat na nawala.

Si Lexie naman ay tila hindi komportable sa lugar, lalo pa nga't nakasuot ito ng wedge na sapatos; not so appropriate for a land na hindi naman ganon kapatag.

May isang batang babae na lumapit dito. Marahil ay dahil sobrang nagandahan sa dalaga, the little girl can't help but to touch her.

"Shocks! What are you doing? Let go of me!" halata sa mukha nito ang pagka-disgusto ng hawakan siya ng batang babae. Si Dex ay tila nagulat sa inasal ng kasintahan. He never seen this side of Lexie.

Dahil tila nagulat ang bata sa biglang pagtaas ng boses ng babae ay bigla itong umiyak. Para namang nataranta ang dalaga ng makita ang pag-iyak ng bata.

"Hey, why are you crying? Will you please stop? I'm not doing anything to you!" may inis na kalakip sa tinig nito na pilit pinapatahan ang bata. Ngunit tila lalo yata itong natakot dahil lalong lumakas ang pag-iyak ng bata.

Lumapit si Dex sa batang babae at sinubukan itong patahanin.

"Hush, baby! Don't cry na. Ibibili kita ng ice cream." pang-aalo ng binata dito. Parang nagustuhan naman nito ang narinig. Pahikbi itong tumigil paunti-unti sa pag-iyak.

"Ayaw ko tsayo. Bad ka pala. Di ka na pretty. Mas ganda pa sa'yo si Ate Mandy. Bleeeeh!!" dinilaan ng batang babae si Lexie at pagkatapos ay tumakbo papalapit kay Mandy. Nakarinig sila ng hagikgikan mula sa mga tao dahil sa ginawa ng bata. Si Mandy naman ay tila walang nagawa kundi kargahin ang bata. Hindi niya gustong isipin ni Lexie na kinukunsinti niya ang bata, pero hindi din niya magawang itaboy ang batang babae.

Never Knew I Needed (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon