Ingay sa ibaba ang gumising kay Mandy. She checked the time, it's 7 am. Nagtatakang bumangon ang dalaga.
"Ano kayang nangyayari dun?" she immediately washed her face and brushed her teeth, pagkatapos ay agad na bumaba. She's combing her hair with her hands, at mabilisang ipinusod ang mga buhok nang mabungaran niya si Dex, kissing a very beautiful woman. Natulala ang dalaga sa kinatatayuan. Alam niya kailangan niyang umatras, yet natatakot siyang makagawa ng ingay at sigurado siyang mapapansin siya ng dalawa. Akma siyang tatalikod when Dex noticed her.
"M-mandy! G-gising ka na pala!" agad itong bumitiw mula sa pagkakayakap ng babae, at mabilis siyang nilapitan. Hindi malaman ng dalaga kung ano gagawin. Saglit siyang pumikit ng mariin bago muling humarap. Nakita niyang papalapit sa kanya si Dex, kasunod nito ang napakagandang babae.
Mataman itong pinagmasdan ni Mandy. Her hair has this sexy wave, with an ash brown color. Ang ganda ng mukha nito, parang Diyosa na bumaba sa lupa. Her skin reminds her of milk and honey. Ang puti, mahihiya ang gatas sa puti. Tila gustong mahiya ni Mandy sa kanyang itsura. Why, she's wearing her overused jammies, di pa nga siya nagsuklay eh, while the woman in front of her, she speaks class. She's wearing a simple romper, yet she look so expensive from head to toe. Plakado ang make-up, mahihiya ang ibang artista sa ganda ng babae. She's also very sexy, and napakabango nito. Ngumiti ito sa kanya ng tuluyan nang makalapit ang mga ito. She awkwardly smiles.
"M-mandy, I want you to m-meet Lexie, m-my fiancee." he stammered. Hindi alam ng binata kung bakit pakiramdam niya ay kailangan niyang magpaliwanag sa babae.
"Aahhh!" yun lang ang tanging kumawala sa bibig ni Mandy sa narinig. Ni hindi niya alam kung ano ang dapat sabihin, ang awkward sobra. Lumapit sa kanya si Lexie, and offer her cheeks. Mandy obliged to do the cheeks to cheeks out of courtesy.
"Ikaw pala si Mandy! It's so nice to have finally meet you." nakangiti nitong baling sa kanya.
"Juice colored!! Pati speaking voice ni Lexie, ang ganda." yun ang nasa isip ng dalaga. Pakiramdam niya, walang mali sa babae. "Hindi pala totoo ang Nobody's perfect, kasi si Lexie ang perfect!" muling bulong niya sa isip.
Habang si Dex naman ay nagpalipat-lipat ng tingin sa dalawang babae. Hindi niya maintindihan why he is feeling guilty, gayong wala naman siyang ginagawang masama sa fiancee. He never cheated on her. Pero bakit pakiramdam niya, there is something he did na sobrang nakaka-guilty.
"N-nice to meet you too, Lexie! Hmm, s-sige! Maiwan ko na muna kayo ni Dex. B-baka madami pa kayong pag-uusapan." Mandy tries her best to flash a smile, at pagkatapos ay agad agad na umakyat pabalik sa itaas ng kanyang kwarto.
Pinakiramdaman ng dalaga ang sarili. Bakit tila may lungkot siyang nararamdaman ng tuluyan niyang makilala ang fiancee ni Dex? Hindi ba't dapat wala naman siyang pakialam dahil dati pa man ay talaga nang may kasintahan ito? Nanghihinang naupo si Mandy sa gilid ng kanyang kama.
Bagay na bagay si Lexie at Dex. Para silang mga real life Greek God and Goddes. Mapaklang ngumiti ang dalaga. Naisip niya ang sinabi niya sa kaibigang si Julie, na ang mga Greek God ay para mga sa Geek Goddess. Pakiramdam ni Mandy ay may mumunting kamay na pumipisil sa kanyang puso, dahil nakakaramdam din siya ng mga mumunting sakit. Nasa ganon siyang pag-iisip ng biglang tumunog ang kanyang cellphone. Numero lamang ang lumabas, kaya naman taka niya itong sinagot.
BINABASA MO ANG
Never Knew I Needed (COMPLETED)
Short StoryPara makuha ni Dex ang malaking kayamanan na iniwan sa kanya ng kanyang abuelo, kailangan niyang makisama sa loob ng anim na buwan sa iisang bubong kay Mandy, isang estrangherang babae na minsang sumagip sa kanyang Lolo. And to top it all, kailangan...