Kinabukasan ay buong pagtataka na pinanuod ni Mandy ang pagkarga ni Tata Tonyo sa mga bagahe ni Lexie. Ang pagkakaalam niya ay may tatlong araw pang ilalagi ang babae sa mansyon, ngunit bakit tila aalis na ito? Nakita niyang lumabas ang dalaga mula sa kabahayan. Saglit niya ibinaba ang gunting na ginagamit sa paggupit ng ilang halamang ligaw sa mga orchids na nakatanim sa garden ng mansiyon.
And like the usual, she looks so divine. Napakaganda nito, wala yatang araw na hindi maganda ang babae. Parang di uso dito ang "chaka days". Nakita niyang nakatanaw lang mula sa bintana ng kanyang silid si Dex. Pakiramdam ni Mandy ay may tampuhan ang dalawa. Bagay na nakakapagtaka, hindi ba't magkasama pa silang bumisita kahapon sa sakahan?
Takang pinagmasdan niya ang babae nang makitang naglakad ito papalapit sa kanya. Nang tinapunan niya ng tingin ang gawi ni Dex, napansin din niya na tila ito ay nagtataka. Tinanggal niya ang gloves na nasa kamay na ginagamit niya sa pagga-gardening at pagkatapos ay ipinunas ang kamay sa laylayan ng suot ng kamiseta.
"Hello, Mandy! I just want to say good bye! Babalik na ako sa States tomorrow." tinanggal nito ang malaking salamin sa mata. Doon niya napansin na tila nangingitim ang ibaba ng mga mata ng babae. Mukhang hindi ito nakatulog ng maayos. Ngunit tila hindi naman iyon nakabawas sa kagandahan nito.
"Bakit ang aga naman? Alam na ba ni Dex?" she asked, smiling.
"Of course! Alam niya. Anyways, I just want to say that it's so nice to meet you. And for whatever reason, I wish you all the best." nakangiti din nitong turan sa kanya, at pagkatapos ay binigyan siya ng isang mahigpit na yakap. Kahit nagtataka ay gumanti na lamang ng akap si Mandy.
"Paano? I have to go! Baka mahuli ako sa flight ko pabalik sa Manila." akma na itong tatalikod nang tila may naalala, bumalik ito sa kanya at yumukod na tila may ibubulong.
"Take care of him!" she whispers, at pagkatapos ay tuluyan ng tumalikod at sumakay sa owner jeep ni Nana Tonyo. Kumaway pa ito sa dalaga na naiwan namang naguguluhan. Her last words echoed on Mandy's mind...
"Take care of him!!"....
Sino ang aalagaan niya? It couldn't be...... Awtomatiko niyang nilingon ang kinaroroonan ni Dex, ngunit wala na doon ang lalaki. She sighed! Marahil ay sobrang lungkot ng lalaki sa pagbalik ng fiancee sa America. Kahit hindi niya alam ang mga nangyari, may pakiramdam siya na mabigat ang loob ng lalaki sa paglisan na iyon ng babae. Nakadama siya ng awa para kay Dex.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Bisita ulit niya ng araw na iyon ang kaibigang si Julie. Biglaan itong tumawag sa kanya na umiiyak, at nagpaalam na kung pwede ay doon muna sa kanila ng mga ilang araw. Nais niya sanang ipagpaalam muna kay Dex, ngunit sa kalagayan ng kaibigan, tingin niya ay talagang problemado ito at hindi na makakapaghintay ng sagot ng binata. She can't turn her back on her, isa ito sa mga taong tumulong sa kanya simula pa noong naulila siya.
Mugto ang mata nito ng dumating. She immediately hug her, bagay na lalong nagpaiyak sa babae. In between her sobs, naikwento nito ang mga nangyari. Nag-away sila ng kinakasama. Something na hindi na bago para kay Mandy. Lagi namang nag-aaway ang mga ito, pero sigurado siya after some days, magbabati ulit ang dalawa. It's always like that.
"Hindi ka ba napapagod? I mean, laging ganyan! Away bati kayo. Don't you think it's kinda tiring?" tanong niya sa kaibigan pagkatapos nitong mag-kwento. Inabutan niya ito ng isang baso ng tubig, tingin niya kasi ay hindi na ito makahinga kakaiyak.
"Mahal ko kasi siya eh! Malalaman mo din yan pag nagmamahal ka na. Love isn't always a bed of roses." mahina nitong usal. Humalukipkip ang dalaga. Hindi talaga niya maintindihan ang linyang "mahal ko kasi eh".
BINABASA MO ANG
Never Knew I Needed (COMPLETED)
Short StoryPara makuha ni Dex ang malaking kayamanan na iniwan sa kanya ng kanyang abuelo, kailangan niyang makisama sa loob ng anim na buwan sa iisang bubong kay Mandy, isang estrangherang babae na minsang sumagip sa kanyang Lolo. And to top it all, kailangan...