Kinagabihan ay bisita din nila si Melvin sa mansiyon. Nang malaman nito na nandoon kanyang kaibigan at mamalagi doon nang ilang araw ay agad itong nagpabili ng malaking pizza, ilang bote ng maiinom at maraming pulutan.
Dahil nahihiya naman na tanggihan ito ng dalaga ay napagpasiyahan na lamang niyang magpaalam kay Nana Telma at Many Tonyo na agad namang pumayag. Minungkahi din ng mga ito na humingi din siya ng permiso kay Dex, na agad namang ginawa ng dalaga. Pinakiusapan niya si Mang Tonyo na kung maaari ay ito ang tumawag sa lalaki, simula kasi ng umalis si Lexie, lagi na ay tahimik ang lalaki. Kung hindi man ay lagi itong nasa loob na lamang ng kwarto.
Ngunit nagulat siya ng bumaba ito ng gabing iyon. Mandy held her breath as she see her once again face to face. Naka-gray lamang ito na tshirt at itim na short, pero bakit tingin ng dalaga napaka-gwapo pa din nito? Nang mapadako ang tingin niya kay Julie ay nakita niya ang nang-aasar na tingin nito sa kanya. Nilkihan niya ito ng mata. Natatawang nagbaba ito ng tingin!
"Hi, guys! What's the celebration all about?" nakangiti nitong tanong sa kanila.
"Wala naman, bro! I just thought to treat Mandy's friend here. Okay lang ba? Come join us!" maagap na sagot naman ni Melvin na inabutan pa ng isang bote ng beer ang lalaki. Inabot naman ito ni Dex, at tumabi ng upo sa kanya. She's now between the two guys, habang si Julie naman ay nasa kaliwa ni Melvin. Saglit na nagdikit ang mga braso ni Dex at Mandy, pakiramdam ng dalaga ay tila may kuryente na dumaloy sa kanyag balat sa pagkakadikit nilang iyon. Tila napapaso na pasimple niyang iniwas ang kanyang braso.
"Wait lang ha! May kukuhanin lang ako." agad na tumayo si Julie na tila ay may naalala. Pagkaraan ng ilang saglit ay dala na nito pabalik ang gitara ni Mandy.
"Mas maganda ang inuman pag meron nito, di ba?"
"Oo nga! You can play the guitar, Julie?" tanong ni Dex dito. Minsan na niyang nakita na hawak ni Mandy ang gitara na iyon, pero nang subukan niyang tanungin ang babae ay tila nainis lamang ito sa kanya. Maaring si Julie siguro talaga ang may-ari ng gitara na yun.
"Well, oo! Pero not as good as Mandy! Sa kanya 'to eh. She's our lead guitarist sa banda namin, lead vocalist ako, pero she could also be our vocals." pagbibida ni Julie sa kaibigan na agad namng yumuko na tila nahihiya.
"Wow!!! Ang cool!! How come di ko alam na marunong ka pala to play the guitar?" buong paghanga na usal ni Melvin kay Mandy. She grinned. Kahit kelan pahamak 'tong si Julie o.
"Uhmm, well, di mo naman kasi tinatanong eh!" nahihiya niyang sagot dito.
"Ngayon alam na namin, can you play for us? pleaseeeeee?" pinagdikit pa ng binata ang dalawang palad na tila nakikiusap. Kulang na lang ay patayin niya sa tingin ang kaibigan, na tila hindi naman apektado. Nakakaloko pa nitong inabot sa kanya ang gitara.
"Ano bang gusto mong tugtugin ko?" tanong niya sa binata habang ina-adjust niya ang capo ng kanyang gitara.
"Up to you! Kahit ano, we just want to hear you sings." nakangiting sagot sa kanya ni Melvin. Saglit na nag-isip ang dalaga.
"Sige, pero pwedeng lumipat muna ako doon sa tabi ni Julie? Medyo masikip dito eh!" she giggle. Ang totoo ay naiilang siya na nakapagitna ang dalawang lalaki sa kanya. Tumango si Melvin na inalalayan pa siya sa pagtayo. Nang makalipat na siya ay palihim niyang tinapunan nang tingin si Dex. Nakayuko ito, na tila kinakausap ang bote ng alak. Muling inayos ni Mandy ang capo ng kanyang gitara, alam na niya ang tutugtugin. She starts strumming her guitar.
"Maybe you'll soon forget about all
Or maybe you'll miss it like I do
One thing's for sure, I'm all knocked out
I spend too much time thinking of you...
BINABASA MO ANG
Never Knew I Needed (COMPLETED)
Short StoryPara makuha ni Dex ang malaking kayamanan na iniwan sa kanya ng kanyang abuelo, kailangan niyang makisama sa loob ng anim na buwan sa iisang bubong kay Mandy, isang estrangherang babae na minsang sumagip sa kanyang Lolo. And to top it all, kailangan...