Nagtatakang nag-angat ng tingin si Dex ng pumasok sa kanilang bakuran ang isang mamahaling van, kasunod nun ang dalawa pang sasakyan na tila escorts nang naunang sasakyan. Nakita niyang sinalubong ito agad nila Mang Tonyo at Nana Telma. Unang bumaba ang mga lalaking nakaputi, tila mga bodyguards. Pagkatapos ay bumaba ang isang matangkad na chinitong lalaki, umikot ito sa passenger seat at binuksan iyon. Saglit itong yumuko, at pagkatapos ay nakita na ng binata na karga nito si Mandy.
Saan galing ito ng ganon kaaga? He checked the time from his mobile, alas-nuebe pa lang ng umaga. Saglit na kinausap ng lalaki ang dalawang matandang caretaker at pagkatapos ay agad itong pinatuloy sa mansiyon. Sumunod siya sa mga ito ng ipasok ng lalaki sa loob nang kabahayan si Mandy. Inilipag nito ang dalaga sa couch, at pagkatapos ay kumuha ng isa pang upuan at maingat na pinatong dun ang mga hita ng babae na agad naman napangiwi.
"Ay, Melvin, iho, ito nga pala ang apo ni Don Dencio, si Dex." pagpapakilala sa kanya ni Nana Telma. Agad namang tumayo ang lalaki at inilahad sa kanya ang mga kamay.
"Dex, siya ang kaisa-isang anak ng Mayor dito sa ating lugar, si Melvin Punzalan." magalang na inabot ni Dex ang pakikipagkamay ng lalaki. Kaya naman pala marami itong kasama na tila mga bodyguards. Anak pala ng Mayor.
"Bro, I saw Mandy here talking to the farmers. Nakipagkilala ako sa kanya kasi bago lang yung mukha niya. But, natapilok siya eh, kaya ayun hirap siyang lumakad so I insisted na ihatid na lang siya pauwi." paliwanag sa kanya ng lalaki. Napansin ni Mandy na seryoso lamang si Dex na tumango-tango kay Melvin. Naisip ng dalaga marahil ay nag-alala din sa kanya ang lalaki kaya naman seryoso ito. Napangiti si Mandy sa naisip.
Mga ilang sandali ang lumipas ay tuluyan ng nagpaalam si Melvin. Hinatid ito ng dalawang matandang katiwala sa labas, habang si Dex naman ay tahimik pa din na nakasilip lamang sa bintana. Nang masiguradong tuluyan ng nakaalis ang lalaki ay bigla na lamang tumawa ng malakas ang lalaki Takang napatingin dito si Mandy.
"Paano kasi, mukha kang tanga kanina nug karga ka nung lalaking yun! hahahaha! Natapilok ka ba talaga o style mo lang yun para mapansin ka nun?" naningkit ang mga mata ni Mandy sa inis sa narinig. Nakalimutan niya ang namamagang paa at sinubukan niyang tumayo dahilan para umaringkingking siya sa sakit. Nakita niyang natigilan si Dex at tila dadaluhan siya para tulungan, ngunit napahinto ito ng titigan niya ng masama.
"Ang sama ng ugali mo! Anong kala mo sa akin, sabik sa atensiyon?"
"Aba! Anong malay ko ba? Eh di ka naman kasi masyadong maganda para mapansin, malay ko ba kung ginawa mo yun para mapansin ni Chinito?" pinipigilan ulit na matawa na sinabi ni Dex sa dalaga. He was expecting her to fight back a more tongue slashing words like she usually do, bagkus tumahimik lamang ang dalaga.
Dex saw her trying her best to stand up, pero kita din sa mukha nito ang sakit na nararamdaman. Paulit-ulit nitong pinilit tumayo, at nang tuluyan na itong makatayo ay nagpaika-ikang naglakad paakyat sa hagdanan. Tila nakaramdam naman ng awa dito ang binata. Agad siyang lumapit dito.
"Come here, I'll help you to c---"
"Bitawan mo ako! Leave me alone. Kaya ko 'to!" she screams, doon napansin ni Dex na umiiyak na pala ito. Parang gustong makonsiyensya ng lalaki sa kanyang mga nasabi. Gusto lang naman talaga niya itong asarin.
"Wag na matigas ang ulo mo. Let me hel---"
"I said, leave me alone! Di ko kailangan ang tulong mo. Wag mo kong hahawakan." she then again screams, at nagpatuloy sa pagpupumilit na umakyat.
"Ay, jaske 'tong batang 'to! Bakit ka naglalakad at namamaga na yang paa mo! Tonyo, tulungan mo nga ang batang ire." tarantang sabi ni Nana Telma nang maabutan siyang hirap na hirap sa pag-akyat sa hagdanan. Agad siyang dinaluhan ni Mang Tonyo para tulungan, kaya naman lalo siyang napahikbi. Ayaw niya yung pakiramdam na helpless. Sanay siya na hindi humihingi ng tulong simula pa nung 17 years old siya.
BINABASA MO ANG
Never Knew I Needed (COMPLETED)
Short StoryPara makuha ni Dex ang malaking kayamanan na iniwan sa kanya ng kanyang abuelo, kailangan niyang makisama sa loob ng anim na buwan sa iisang bubong kay Mandy, isang estrangherang babae na minsang sumagip sa kanyang Lolo. And to top it all, kailangan...