Chapter 5

7K 192 0
                                    

Galing si Dex sa pagja-jogging nang umagang ng mabungaran niya ang mga nakaparadang sasakyan sa loob ng kanilang mansiyon. He saw Melvin's expensive van. Takang pumasok ang binata sa loob ng kabahayan.

"Dex, iho, may gusto sana sa'yong ipagpaalam si Melvin." agad na salubong sa kanya ni Nana Telma. Nabaling ang tingin niya sa lalaki na agad na tumayo at nakipagkamay sa kanya. Magalang naman niyang tinanggap ang pakikipagkamay nito.

"Bro, kukuhanin ko sana na partner si Mandy sa sagala 4 days from now." sabi nito sa kanya pagkaraan ng ilang sandali. Dex look at the guy to check if he is even serious, then look at Mandy na nakaupo sa isang tabi. He saw her blushed! Sukat doon ay hindi napigilan ng binata na mapatawa.

"Is there any problem, bro?" nagtatakang tanong sa kanya ni Melvin. Si Mandy naman ay agad siyang tinapunan ng matalim na tingin as if reading what he is thinking. Di niya mapigilan ang pagtawa, pakiramdam niya ay ito na ang pinaka-nakakatawang joke na narinig niya sa buong buhay niya. Si Mandy, kukuhanin sa sagala? This guy must be out his mind.

"S-sorry, bro! i just can't help it. S-sigurado ka ba? Kukuhanin mo 'tong si Bata?" pinipigilan niyang matawa ulit. Mataman niyang pinagmasdan ang babae, how could he even thought of her to be his partner on a prestigious festival? Iba rin trip netong chinito na 'to ha!

"I'm serious, Bro! I know that she will be the most beautiful queen that night." Melvin even look at Mandy with so much fondess on his eyes. Di naman yun nakaligtas sa panigin ni Dex. Naiiling siya, iba din talaga trip nito, di naman siguro 'to nag-a-adek no?

"Well, ayus lang sa akin! She's all yours. Just don't blame me after ha!" he can't help chuckling. Di talaga niya maisip paanong ito ang magiging pinakamaganda sa gabing yun! I Dex think, they will be needing some miracle to do that. Nang mapatingin siya kay Mandy, ay ubod ng talim siyang inirapan nito. Parang naman natauhan ang binata, nakipagbati na nga pala siya dito, at sinabi niyang friends na sila.

"Thank you, bro! Anyways, we have to go! Mandy, see you ha!" lumapit ito sa dalaga, and look at her again with so much tenderness on his eyes. Tumango lamang ang dalaga, at pagkatapos ay hinatid na ito ni Nana Telma sa labas.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Sa umaga ng araw ng sagala, hindi mapakali si Mandy. Hinatid kahapon ng mga tauhan ni Melvin ang gown na kanyang susuoting para mamayang gabi, he even included some pieces of jewelries. She remind herself to return those pieces, she's sure those cost a fortune.

Ngayon ay tila hihimatayin ang dalaga sa kaba. It would be her first time to do this thing, kaya naman tila tinatambol ang kanyang dibdib sa kaba. Isa pang pino-problema niya, hindi siya marunong mag-make up. Hindi rin niya kayang ayusin ang sariling buhok. She's a pants, shirts, and sneakers kind of girl. Doon siya mas komportable! Wala pa siyang sapatos na para sa gown.

"Ano ba kasi 'tong napasukan ko?" hindi malaman ng dalaga ang gagawin. Oo nga't mamaya pang ala-sais ng gabi ang simula ng sagala, ngunit kailangan na niyang magsimulang mag-ayos. And she really suck on that department. Naisip niya bigla si Nana Telma. Baka may maitulong ito sa kanya.

Naabutan niyang abala ito sa kusina. Alumpihit siyang lumapit sa matanda. Di niya sigurado kung may maitutulong ito sa kanya, but there's no harm in trying.

"Aahh, Nana Telma, hmmm" di niya alam kung paano sisimulang ang sasabihin. Baka pagtawanan siya ng matanda pag nalaman ang kanyang problema.

"Oh, ineng! Dapat ay naghahanda ka na o di kaya nagpapahinga para magandang-maganda ka mamayang gabi." sabi nito habang patuloy pa din sa paghalo ng kanyang niluluto.

Never Knew I Needed (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon