Chapter 6

7.1K 195 6
                                    

He never thought Mandy could be this beautiful. Ilang beses kinurapkurap ng binata ang kanyang mga mata just to make sure na ang dalaga ang kanyang nakikita. She's wearing an off white tube ball gown. Her hair is in messy yet stylish buns. May mga soft curl na ibinagsak sa harapan nito which soften her looks. Ngayon lang napansin ni Dex na napakaliit pala ng mukha ng babae; heart-shape, at ngayong naayusan ito, he notice her uncanny resemblance to the Hollywood singer Selena Gomez. Papasa itong nakakabatang kapatid ng mang-aawit.

Carry put a light make, just enough to bring out her natural beauty. Malayong-malayo ito sa babaeng unang nakita niya na pumasok sa opisina ng kanyang abuelo noong binasa ni Atty. Salazar ang last will and testament. And best of all, she still has that awkward, shy, smile. Tuwing ngumingiti ito, umaabot sa mata, something that you can't help but smiles, too.

"God, you're so beautiful!" napatigil si Dex sa tangkang paglapit sa dalaga ng marinig niya ang tinig na iyong ni Melvin. Nagtataka ang binata kung paanong dumating ang lalaki na hindi man lamang niya namamalayan? Ganon ba siya napatunganga sa babae, and he unintenionally had ignored whatever happening around him?

Nakita niyang sinalubong ng lalaki si Mandy. Nang inabot ng dalaga ang kamay ni Melvin, there is a sudden strange feeling that came rushing in, isang pakiramdam na hindi mabigyan ng pangalan ni Dex. It is as if he wish he is the one holding her hands. He shook his head! Ano ba 'tong naiisip niya?

Nang matapat ang dalaga sa kanya, saglit itong huminto at walang ano ano ay yinakap siya ng mahigpit. Nagulat si Dex sa ginawa ng babae, but he loves the feeling. May masarap at magaan na pakiramdam siyang naramdaman. As if his soul recognized that hug.

"Thank you, Tanda! If not for you and Carry, di ko na alam ang gagawin ko." sinabi nito pagkatapos bumitaw mula sa pagkakayakap sa kanya. He smiles.

"Wala yun! Sige na, baka ma-late na kayo!" he cleared his throat, kung hindi ay pakiramdam niya ay walang lalabas na salita sa kanyang bibig. Binalingan niya si Melvin.

"Bro, ingatan mo ha!" tinapik siya ng binata at pagkatapos ay nauna nang lumabas habang alalay sa kabilang kamay si Mandy. Ngunit bago pa makalabas ang mga ito ay muling tinawag ni Dex si Mandy.

"B-bata!"

Tumigil si Mandy saglit at nilingon ang lalaki.

"Y-you look beautiful tonight!" sincere niyang pahayag sa dalaga. He saw her giggle.

"Mukha mo! Ako na naman pagti-tripan mo! Sige na, I have to go. Thank yooouuuu!" natatawa pa din nitong usal at nag-flying kiss pa sa kanya. Naiwan si Dex na natitigilan.

"Ikaw kasi Iho e, lagi mo inaasar kaya ngayon di na naniniwala kahit totoo na ang iyong mga papuri!" walang ano ano ay narinig niyang usal ni Mang Tonyo. Napalingon dito si Dex. Nakita niya na nagtatawanan ang mag-asawa, ksama pa si Carry-- like they are making fun of him. Walang nagawa ang binata kundi mailing na lamang.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Pasado alas-onse na nang gabi ay hindi pa din makatulog si Dex. Mag-isa lamang siya ngayon sa bahay dahil nagpaalam sila Mang Tonyo at Nana Telma na panonooring ang sagala at iba pang programa sa plaza. Si Carry naman ay kanina pa umuwi. Niyaya naman siya ng dalawang matanda, pero magalang siyang tumanggi.

Bagay na gusto niyang pagsisihan ngayon. Sana pala ay sumama na lamang siya, disin sana ay hindi niya feeling restless ngayon kakahintay sa mga kasama. Sampung minuto bago mag-alas dose ay narinig na niya ang pagdating ng mga sasakyan. Sumilip siya sa kanyang bintana, nakita niya ang van ni Melvin, kasunod non ay tatlo pang mga sasakyan. Mula sa van ay bumaba ang lalaki, pinagbuksan si Mandy. Dahil sa may service naman na owner ang asyenda, doon bumaba sila Nana Telma at Mang Tonyo.

Never Knew I Needed (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon