Chapter 10

6.9K 188 10
                                    

Hindi mapakali si Mandy sa pagkakaupo sa living room. Mula kasi sa kanyang kinauupuan ay dinig niya ang malulutong na halakhakan nila Dex at Lexie. Gusto niyang umakyat na lamang sa kanyang silid, ngunit baka makahalata ang mga ito sa kanyang pag-iwas at kung ano pa ang isipin ng mga ito.

Lalo siyang nataranta ng makitang pumasok na ang dalawa at papalapit sa kanya. Her heartbeat become ecstatic. Pakiramdam niya ay halos marinig na niya ang lakas ng pagtibok nito. Masuyong nakayakap si Lexie sa lalaki, while his arm is around her shoulder. Ang ganda nilang tingnan, they really look perfect together. Hindi maiwasan ni Mandy na makaramdam ng pangliliit. And she hates that feeling!

"Good evening, Mandy girl! How are you tonight?" malambing na bati sa kanya ng babae ng tuluyan nang makalapit ang mga ito sa gawi niya. Pinilit ng dalaga na ngumiti. Hindi kailangan makita ng mga ito ang kanyang pagkailang. Si Dex naman ay tinanguan lamang siya.

"O-okay lang naman ako! How about you? Are you enjoying your stay here?" she ask politely, flashing a smile.

"Oh, yes! I missed Dex so much. It's sad nga na I'll be here for a short time lang eh. But definitely, I'll be back soon. Ayokong mapalayo sa Babe ko nang matagal eh, alam mo na, delikado baka may umagaw." tinitigan ni Mandy ang babae, wala naman siyang nakikita na kahit ano sa maganda nitong mukha pero bakit pakiramdam niya, may diin ang mga sinabing iyon ni Lexie? O, baka naman nag-i-imagine lang siya.

"S-sino naman aagaw kay Dex? Mahal na mahal ka niyan. Sira ulo na lang niya pag pinagpalit ka pa. Saka masunget yan eh, suplado pa, kaya I'm sure wala naman masyadong magkakagusto diyan dito." biro niya pagkaraan ng ilang sandali. She wanted the atmosphere to be as relax as possible.

"Really? But Dex is never grumpy and snob. He's always warm, smiling, and bubbly." takang tanong nito na masuyo pang hinawakan ang mukha ng lalaki. Dex smirk.

"G-ganon ba? E-ewan ko diyan! Pero kung ganyan naman kaganda talaga ang kasama, there's no need to be grumpy. In that case, I understand him!" nakangiti pa din niyang usal. Bakit pakiramdam niyang kailangan niyang magpaliwanag?

"Oh, that's very sweet! Thank you, Mandy! You are very cute yourself, too. Di ba, babe?" baling nito kay Dex. Tila naman nagulat ito na nag-angat ng tingin na tila napilitan na sulyapan siya. Saglit na nagtama ang kanilang mga paningin. Ang binata ang unang nagbawi ng tingin.

"O-oo naman!" he stammered when he gave his reply. Pakiramdam ni Dex, hindi lamang cute ang appropriate na adjective para kay Mandy. She's also kind, smart, witty, and very beautiful. Ngunit sa huli ay pinigilan niyang sabihin ang mga iyon.

"Alam mo ba, Mandy, my babe is very sweet! He never fails to surprise me!" malambing na turan ulit ni Lexie, masuyong pa nitong nihilig ang ulo sa mga balikat ng kasintahan. Mandy smiles. Sobrang bagay talaga ang dalawa, yun ang naisip niya.

"But you are sweet too, baby! Remember when you surprised me with the dinner date?" tila nagliwanag ang mga mata ng babae ng marinig ang sinabi ni Dex.

"Of course, babe! You know how much I love you. But it's nothing on your surprise for me." pagbibida naman ni Lexie. Pakiramdam ni Mandy ay lalong kailangan na niyang umalis, 3 is a crowd. Mga ilang sandali pa ay nakaupo na lang siya doon at palipat-lipat ng tingin sa dalawa habang masaya itong nag-uusap at inaalala lahat ng kanilang mga memories.

Gusto na sanang umakyat na lamang ni Mandy, ngunit hindi niya alam kung paano magpapaalam. Dagdag pa na pakiramdam niya ay paulit-ulit na sinasaksak ang kanyang puso ng maliliit na perdible. Nasa ganon silang sitwasyon ng makarinig ng tila umaawit. Takang napatigil sa pagkwe-kwentuhan ang dalawa. Agad lumabas si Nana Selma, mga ilang sandali pa ay narinig nila ang tili nito.

Never Knew I Needed (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon