"G-good morning po, S-sir!" bati kay Dex ng isang babae na nabungaran niya sa kanilang living room. Gusto niyang matawa sa nakitang reaksyong nito nang makita siya. Nakaawang pa ng kaunti ang mga bibig nito.
"Morning!" he politely greet her back. Lumabas si Nana Telma na may dala ng tray na may lamang juice at sandwich, inilapag nito sa harap ng babae na yuko pa din ang ulo na halatang nai-intimidate sa kanyang presensiya,
"Dex, iho, siya si Julie, kaibigan ni Mandy. Galing siya sa Manila, hinatid niya dito yung ibang gamit ni Mandy." agad na paliwanag sa kanya ng matandang babae.
"Ganon ba? Eh nasaan po si Mandy? Bakit hindi nyo pa po siya tawagin, Nana?" masuyong niyang tanong sa katiwala.
"Maagang umalis! Hanggang ngayon wala pa eh. Paano? Babalik muna ako sa kusina at tatapusin ko na muna ang niluluto ko. Ikaw na muna bahala sa kanya ha, iho!" yun lang at agad na itong bumalik sa kusina. Naiwan silang dalawa nang kaibigan ni Mandy. Mataman niya itong pinagmasdan na yuko pa din ang ulo. Talagang sobra itong apektado sa kanyang presensiya, unlike Mandy na marahil nga ay may pagkahiyain paminsan-minsan but she is sure of her place on earth.
"Hello, Julie, right?" basag niya sa katahimikan. Naupo siya sa tapat nito. Nag-angat naman ng tingin at babae ngunit tila nahihiya pa rin sa kanya. Marahan itong tumango.
"Hey, nahihiya ka ba sa akin?" amused niyang baling dito ng hindi man lamang ito nagsalita.
"E-e opo! Di ba, modelo kayo?" she stammered.
"Ohh alam mo? Buti pa ikaw kilala mo ako. Yung kaibigan mo, hindi ako kilala eh!" nangngiti niyang usal ng maalala ang ayos ng babae kagabi.
"Heheh! Si Mandy nga yun. Ganon po talaga yun, Sir. Deadma sa mga lalaki. Hindi din mahilig sa showbiz." unti-unti ay tila nare-relaxed na din nitong sinabi sa kanya. The girl caught fully caught his attention, marahil ay marami itong alam tungkol kay Mandy.
"Ganon ba? Masunget nga yun! Totoo bang hindi pa siya nagkaka-boyfriend?" he asked Julie.
"Ah, opo! Naniniwala kasi yun sa destiny. Dapat daw love will find her, and not the other way around. Ewan ko ba dun, may balak yatang sumunod kay Mother Teresa, Sir!" nakangiti nitong kwento sa kanya.
"Dex na lang, please! Alam mo ba bakit niya pinagupitan yung buhok niya? Nabanggit niya kasi na mahaba daw yung hair niya, yet she decided to cut it." curious niyang tanong sa babae. Hanggang sa pagtulog niya kagabi, iniisip pa din niya ang maaring dahilan bakit nito pinagupit ang ganong kahabang buo, maliban na lang kung nagmo-move on ito. Ganon kasi ang mga kilala niyang babae, they will cut their hair when they are about to have a major change in their lives.
BINABASA MO ANG
Never Knew I Needed (COMPLETED)
Short StoryPara makuha ni Dex ang malaking kayamanan na iniwan sa kanya ng kanyang abuelo, kailangan niyang makisama sa loob ng anim na buwan sa iisang bubong kay Mandy, isang estrangherang babae na minsang sumagip sa kanyang Lolo. And to top it all, kailangan...