Chapter 15

7K 171 5
                                    

Hindi malaman ni Dex kung saan hahanapin si Mandy. Gumising siya na wala na ang dalaga sa silid nito at isang sulat na lamang ang natagpuan nila. According to her letter, tatawagan na lang nito si Atty. Salazar para sabihin na hindi niya papakasalan si Dex. At kung ano man ang makukuha niya sa kayamanan ng Don ay maari na lamang ibigay sa mga magsasaka sa asyenda, o di kaya ay ipagpatayo ng maliit na eskwelahan para sa mga batang anak ng magsasaka.

Gulong-gulo ang isip ni Dex. Wala siyang maintindihan sa mga nangyayari! Anong nangyari? Nung isang gabi ay ayos na naman sila ng dalaga? Sa katunayan ay balak na nga niya sanang magtapat ng kanyang pag-ibig para dito.

Kung saan-saan niya ito hinanap. Maging ang kaibigan nitong si Julie ay hindi alam kung saan nagtungo ang dalaga. Pakiramdam ni Dex ay malalagutan siya ng hininga sa pagkawala na yun ng babaeng minamahal. Maging ng araw na ipaalam ng abogado ng kanyang lolo na ang lahat nang kayamanan ng matanda ay sinasalin na sa kanya dahil na rin sa pagtupad nilang dalawa ni Mandy sa kasunduan na tumira sa loob ng iisang bubong sa loob ng anim na buwan. At kahit pa nga umatras ang babae ay mapapasakanya pa din ang mga kayamanan dahil si Mandy mismo ang umayaw.

He is a very wealthy man now. Sobrang yaman na kahit yata ka-apu-apohan niya ay hindi na maghihirap. Dapat ay masaya siya ngayon, pero bakit pakiramdam ng binata ay hungkag ang kanyang pakiramdam? Lahat ng kayamanan na nakapaligid sa kanya ay balewala kung wala lang din naman ang isang tao na tanging nagpapasaya sa kanya.

Umupa siya ng mga magagaling na investigator para hanapin ang dalaga. Pero tama yata ang kasabihan, mas mahirap hanapin ang mga taong ayaw magpahanap kaysa mga taong talagang nawawala.

Isang buwan ang lumipas ngunit wala pa ding balita ang binata tungkol kay Mandy. Pakiramdam ni Dex ay ilang taon na ang lumipas na hindi niya kasama ang babae. He really misses her!

Isang umaga ay nakatanggap siya ng tawag mula kay Julie.

"Dex!! Alam ko na kung nasaan siya." masigla nitong sigaw sa kabilang linya. Halata ang excitement sa tinig. Hindi napigilan ni Dex ang mapaluha.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Hindi maintindihan ni Mandy kung bakit siya pinapunta dito ngayong sabado ng manager ng isang acoustic bar kung saan siya kumakanta. Ang alam niya, special night pag Sabado kaya naman mga bigating banda ang tumutugtog doon pag ganitong mga araw, minsan pa nga ay may guest silang mga singer galing sa Maynila. Isa kasi yung medyo kilalang bar sa Laguna. Doon siya dinala ng kanyang mga paa ng makabalik siya sa Maynila galing sa Ilocos. Alam niyang hahanapin siya ni Dex, at kay Julie siya unang itatanong nito.

Kaya naman maging sa kaibigan ay hindi niya sinabi ang kanyang kinaroroonan. Not until 3 days ago! Tinawagan niya ito para mangamusta. Hindi niya sana balak sabihin kung nasaan siya, pero nang marinig niya ang pag-iyak nito na tila alalang-alala ay wala na siyang nagawa kundi sabihin ang kanyang lokasyon at i-assure dito na ayos ang kanyang kalagayan.

Di niya namamalayan na nasa tapat na pala siya ng bar. Gaya ng dati ay binati siya ng bouncer sa entrance. Pag pasok niya ay napansin niya na tila medyo mas mahina ang music sa loob di gaya nang nakasanayan.

"Ah! Baka mamaya pa ang tugtog!" yun na lang ang inisip niya, at dumiretso na sa opisina ng manager. Agad siyang sinalubong ng matandang lalaki na talagang naging napakabait sa kanya sa loob ng isang buwan. Sa katunayan ay pinatira siya ng libre nito sa isa sa mga pinapaupahan nitong apartment.

"Oh, iha! Nandiyan ka na pala. Pasensya ka na ha! Alam kong pahinga mo ngayon. Kaya nga lang may nag-request na ikaw ang kumanta tonight." nakangiting salubong sa kanya ng manager. Tipid siyang ngumiti. 

Never Knew I Needed (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon