Chapter 16

7.8K 195 9
                                    

Mandy close her eyes. If this is a dream, ayaw na niyang matapos pa. Ngunit naramdaman niya ang pagbitiw ng mga labi ng binata. She open her eyes, there she saw his sexy grin. Namumulang nagyuko ng ulo ang dalaga. Nahuli ba siya nitong ini-enjoy ang halik nito?

Humarap ito sa marami at nagsalita;

"Hello, everyone! Salamat sa pagsama nyo sa akin dito ngayong gabi. Mandy, pasensya na sa voice ko ha, pero mas okay naman yun kaysa sa boses ni Melvin, di ba?" biro nito na tinuro pa ang kinauupuan ng lalaki. Melvin just do the thumbs up again and smiles.

"You guys are amazing. Searching for true love, sabi nila, isn't that easy. Some people even travel the whole world just to seek for true love. And not everyone would be lucky enough to find one. Sabi nila, maswerte iyong mga nakakahanap ng tunay na pag-ibig. But for me, I'm not lucky, I'm actually BLESSED!

Nung una kong nakilala si Mandy, she wasn't really my type. She was like a lost college girl inside my abuelo's office." Mandy pout as she heard Dex say those words. Bagay na ikinatawa ng lahat.

"There was something in her na nakakainis. Di ko ma-figure dati kung ano yun, pero lagi ko na lang natatagpuan ang sarili ko na gustong bwisitin siya. And I was never like that to anyone. I've always been cool and reserved and gentle, pero pag dating kay Mandy, bumabargas ang ugali ko, gaya nga ng sabi niya.

Ngayon na-realized ko bakit ganon ako sa kanya. Siguro kasi, I hate her guts! Kung sagot sagutin kasi ako nito, ganun ganun na lang. Na-realized ko, maybe because she wasn't good for my ego. Kasi siya lang yata ang kauna-unahang babae na walang pakelam sa itsura ko. Don't get me wrong ha, I'm not being boastful here, it's just that nasanay kasi ako na girls were going crazy over me. Pero iba si Mandy, hindi siya apektado sa charm ko. Siguro kaya naging defense mechanism ko na asarin siya.

Pumasok kami sa isang kasunduan na pakiramdam ko was the biggest and funniest joke of my life. Paano ako magkakagusto sa isang tulad niya? She wasn't my type! Paulit-ulit ko yung sinasabi sa sarili ko, but the more I convinced myself, the more I realized na hindi ko pala talaga alam kung ano ang type ko until I met her.

Nagpapasalamat ako ngayon sa kasunduan na yun, if not for it, I won't have any chance of meeting her. Sa loob ng anim na buwan na kasama ko siya, unti-unti ko siyang nakikilala. She made me realized na hindi ko pala talaga kayag i-plano ang buhay. That sometimes, fate will interfere and will make you see everything you thought you already got figured.

Never Knew I Needed (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon