Chapter 2

9.2K 211 12
                                    

"P-papakasal ako sa kanya?" gulat na gulat na usal ni Mandy.

"E-excuse me? Parang ikaw pa ang lugi ha!" patuya namang usal ni Dex sa babae nang marinig ang tila pagtanggi sa tinig nito. Nakita niyang tinaasan siya nito ng kilay. Kanina lamang ay tila hindi ito makabasag ng pinggan, ngayon ay tila ito tigre kung makatingin sa kanya.

"Okay, calm down you two! Patapusin nyo muna ako, ok? Dex, kailangan mong pakasalan si Mandy pagkatapos ng isang taon, maliban na lamang kung si Mandy mismo ang aayaw..." tiningnan nito ang babae.

"Yun naman pala eh! O, sabihin mo ayaw mong magpakasala..." utos niya sa dalaga. Muli siyang nitong inirapan ng napaka talim.

"Hmm, pwede! Pero bago iyan, kailangan nyo munang tumira sa mansyon ng iyong abuelo sa Ilocos, Dex. Titira kayong dalawa doon ni Mandy sa loob ng anim na buwan. Pagkatapos noon ay doon magpapasiya si Mandy kung nanaisin ba nitong ituloy ang pagpapakasal sa'yo, Dex!" nakangiting paliwanag sa kanila ng abogado.

"Aba't si Mandy pa talaga ang dapat mag-isip ha? Tila sigurado ang kanyang lolo na papakasalan niya ang babaeng ito? This is so unbelievable!" nasabi ni Dex sa isip. Di niya alam kung ano ano ang mga nangyari sa abuelo sa mga huling sandali ng buhay nito, pero sa tingin niya, he wasn't on his rightest mind when he wrote his last will and testament.

"Are you even serious? Tell me you're kidding, Attorney?" hindi malaman ng binata kung matatawa o maiinis sa mga nalaman.

"Apparently, I'm not kidding, and your Lolo seems serious!"

"Oh wow! Di ko akalain na Lolo Dencio has this out of this world sense of humor." natapik na lamang niya ang kanyang ulo in disbelief.

"T-teka lang po! Paano kung di ako pumayag?" napatingin si Dex kay Mandy ng bigla itong magsalita.

"Well then, hindi makukuha ni Dex ang kanyang mana. Mapupunta ito sa charity. Di ka mapupunta sa scholarship ng foundation ng Don, at higit sa lahat, maraming mawawalan ng trabaho-- thousands of people." muling paliwanag ng abogado sa dalaga.

Natigilan ang dalaga. Kung yung scholarship lang, kaya niyang tanggihan ang offer. Pero ang isiping maraming taong mawawalan ng trabaho? Parang di naman yata yun kaya ng kanyag konsensiya. Nag-isip si Mandy.

"Kung ang iniisip mo ay ang kikitain mo, iha, sinigurado ng Don na may matatanggap kang karampatang bayad sa loob ng anim na buwan--- umatras ka man o tumuloy sa kasal ninyo ni Dex." narinig niyang sinabi ng abogado marahil ng mapansin ang kanyang pananahimik.

"So, ano? Kailangan ko na ang inyong sagot!" Attorney Salazar smiles. He have a feeling wherever Dencio is, he is also smiling ear to ear.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Hingal kabayo na si Mandy nang marating ang harapan ng mansyon ng Hacienda Larazabal. Tunay na napakalaki ng lupain ng Don, pakiramdam ng dalaga ay isang Linggo na siyang naglalakad sa haba ng kanyang nilakad. Akma siyang kakatok sa malaking bakal na gate ng narinig niyang unti-unti itong bumubukas. Isang matandang babae ang nakangiting sumalubong sa kanya!

"naimbag nga bigat, ineng!?" maamo ang mukha ng matandang babae, kaya kahit hindi naintindihan ang sinabi nito ay ngumiti din dito si Mandy.

"Hindi ka tiga-dito, ineng?" tanong sa kanya ng matandang babae ng mapansing hindi niya naintindihan ang ginawa nitong pagbati.

"Ay, opo! Ako po si Mandy. Pinapunta po ako dito ni Attorney Salazar." Agad siya lumapit sa matanda at nagmano. Bagay na ikinangiti ng matandang babae.

Never Knew I Needed (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon