Narinig ni Dex ang yabag pababa. Hinanda na niya ang sarili para muling bwisitin ang babae, when he saw her walking down the huge staircase. Naka-pink itong walking shorts, puting round neck na tshirt, at white sneakers. Ang buhok nito ay bahagya pang basa, halatang galing sa paliligo.
"May itsura naman pala 'tong babae na 'to!" sabi ng binata sa sarili. She still can't be compare to his fiancee Lexie, yet this girl has her own brand of beauty. She's pretty on her own way, just on the cute side. Pinilit na alisin ni Dex ang mumunting fascination na naramdaman pagkakita sa dalaga. He is here to convince her to back out on their "wedding."
"Ineng, buti at narito ka na! Halika na't daluhan mo na kaming kumain." si Nana Telma na nilapag sa harapan ni Dex ang mabangong kanin. Nakita niyang imbis na tumabi sa kanya si Mandy ay umikot sa kabila. Dinala pa ng hangin ang amoy ng ginamit nitong shampoo at conditioner.
"Kumain ka ng kumain uy! Tingnan mo yang katawan mo o, mukha kang nagugutuman! Ilang taon ka na ba, 12 yrs. old?" narinig ni Mandy na pangbubuska sa kanya ni Dex. Nahagip din ng kanyang tingin ang paghigikgik ng matandang lalaki na nakatayo sa malapit sa pinto-- maari ito ang asawa ni Nana Telma.
"Nana Telma, pakisabi nga sa ibang tao diyan na 23 na ako! Saka masarap talaga 'tong mga pagkain na nakahain kung hindi lang dahil sa pagmumukha niya!" nakasimangot nitong baling kay Nana Telma kahit na ang pinatutungkulan ay si Dex.
"Uy, pikon yung Bata Batuta! hahahaha! Kumain ka ng kumina, tapos Nana Telma, ibili nyo yang alaga nyo ng Incremin, para magkalaman naman. Baka pagkamalang buto yan ng mga aso dito, biglang habulin sa labas!" sukat sa sinabi nito ay nanlaki ang mata ng babae.
"Hinahamon talaga ako neto ha?" inis na sabi ni Mandy sa sarili.
"Naku, Nana Telma, pakisabi din diyan sa isang alaga nyo, uminom siya ng vitamin C kasi alam nyo na pag medyo nagkaka-edad na, lapitin nang sakit!" she mischievously smiles. Yung klase ng ngisi na nakakabwisit.
"Are you calling me Matanda?" tila napipikon naman na hinarap siya ng binata. Taas kilay naman niyang sinalubong ang tingin nito.
"Bakit, tinatamaan ka ha, Tanda?"
"Hindi! Bakit ikaw, Bata? Saka wag ka ngang ngumingisi-ngisi diyan, kamukha mo si Stitch, mukha kang alien! Di ka cute." muling pangbubuska sa kanyang ni Dex. Sasagot pa sana siya ng pumagitna na sa kanila si Nana Telma.
"Kayo ngang dalawa ay magsitigil ka! Kumain na kayo at lumalamig na ang pagkain! Ikaw Dex, hindi ka dapat pumapatol sa babae..." sukat sa narinig ay agad itong dinilaan ni Mandy. Nakita naman iyon ng matandnag babae.
"Ikaw naman Amanda, hindi ganyan ang asta ng isang dalagang Pilipina." baling naman sa kanya ni Nana Telma. Para namang napapahiyang nagyuko ng ulo ang dalaga, ngunit hindi nakaligtas sa kanyang pandinig ang mahinang pagtawa ng lalaking kaasaran.
"Naku naman! Ano ba kasi 'tong pinasok ko? Anim na buwan ko pa pagtitiisan itong lalaking pinaglihi yata sa sama ng loob!" naiisip ni Mandy habang tahimik na kumakain.
"Malas ko naman! Eh kung mukhang model pa sana ang pinili ni Lolo, baka ma-enjoy ko pa 'tong anim na buwan. Kaso etong babaeng mukhang kulang sa incremin pa ang napili ni Lolo Dencio." iyon naman ang nasa isip ni Dex habang pasimpleng pinamamasadan ang babae na nasa kabilang dulo ng lamesa.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Gaano po ba kalaki ang lupain ng Lolo dito?" usisa ni Dex kay Mang Tonyo habang nagkakape sila sa may lanai. Napatingin sa kanya ang matandang lalaki.
BINABASA MO ANG
Never Knew I Needed (COMPLETED)
Short StoryPara makuha ni Dex ang malaking kayamanan na iniwan sa kanya ng kanyang abuelo, kailangan niyang makisama sa loob ng anim na buwan sa iisang bubong kay Mandy, isang estrangherang babae na minsang sumagip sa kanyang Lolo. And to top it all, kailangan...