"Yes way!" Mayabang na sagot ni Luca habang nakangiti niya akong tinitigan.
"You're kidding, right?" I asked him but he only pouted his lips.
"Seriously?"
"Uh huh!"
Sinapo ko ang ulo ko, trying to remember everything last night pero wala talaga. Argg! I will no longer drink alcoholic beverages ever again!
Hindi pa rin ako makapaniwala sa ginawa ko kagabi. I don't believe him. He was just bluffing . I know it. Nagpatuloy lang siyang kumain na para bang wala lang sa kanya ito. Nakakahiya!
"No worries, Taz. Hindi naman kita pini-pressure. I know you were just drunk kaya mo nasabi yung kagabi. Although I can't deny the fact that I'm happy na sinabi mo yun but I totally understand." Giit niya.
Humalukipkip lang ako habang seryosong nakatingin sa kanya. I don't know what to say. Nakita kong seryoso rin siya sa mga sinasabi niya. Pero naguguluhan pa ako sa nararamdaman ko.
"Tapusin mo na yang pagkain mo para makaalis na tayo. I know you don't want to go to church late." Saad niya.
"Tapos na ako. Toothbrush lang at kunin ko lang ang bag ko." Sabi ko at nagmamadaling tumayo pero nagulat ako nang bigla lang niyang hinawakan ang kamay ko.
"Taz, kung hindi ka pa handang tanggapin ulit ako sa buhay mo, I totally understand. Handa akong maghintay kung kailan ka maging handa. I'm willing to prove to you that I love you. I really do and I regret everything I have done to you before, for hurting you. Sorry."
Hinawakan niya ng mahigpit ang dalawang kamay ko at hinalikan isa-isa. I just closed my eyes, trying to stop my tears from falling. Should I believe him?
The entire trip to his house was silent. Hindi na rin siya masyadong nagsasalita. Nang makarating sa bahay niya, na bahay namin noon, tahimik lang ako.
"Bihis lang ako ha. Sandali lang ako. You can watch tv while waiting." Bilin niya tapos umakyat na rin sa kwarto niya.
Tahimik ang buong bahay. Sinuyod ko ang buong sala, no hint of househelps around. Natatandaan ko minsan na lang pala pumunta dito sina Manang Aping, kung maglilinis lang ng bahay. I sighed. Kahit sandali lang naman ako nakatira dito pero kahit papano na miss ko rin ang bahay na to. This house reminds me of my old self. The innocent and naive Issa.
Narinig kong nagvibrate ang phone ni Luca sa center table. Naiwan niya pala yun dito. Naputol na ang tawag at may nag text. Wanna hang out?I missed you. Si Jessica ang nagtext sa kanya.
"I'm ready. Lets go!" Nilingon ko si Luca. He's now ready. He looks so handsome with his baby blue long sleeve polo and black pants. I only nodded and smiled at him. He ushered me out of the door. Nang makarating sa garahe, he opened the car door for me.
"Are you okay?" He asked habang pinaandar ang sasakyan.
"Yup. Okay lang ako." Sagot ko.
"You seem so quiet. May problema ba?" Si Luca. Hindi pa rin siya nakuntento sa sagot ko.
"I'm fine. Don't mind me. Medyo masama lang ang pakiramdam ko."
"Gusto mo ba hindi lang muna tayo tutuloy ngayon. Magpahinga ka na lang muna." He suggested.
"Hindi na, Luca. Isang oras lang naman. Kaya ayos lang. Uuwi lang agad ako pagkatapos ng mass. "
"Are you sure?" Tumango lang ako.
Pagkatapos ng mass, inihatid kaagad ako ni Luca sa mansyon. Gusto pa sana niyang sumama sa akin sa loob pero tinanggihan ko na. Gusto ko lang mapag-isa sa araw na yun.
