"Issa! Gising! Mali-late na tayo sa flight natin!" Nagising ako sa sigaw ni Dona galing sa labas ng kwarto. Inaantok pa ako kaya hinahayan ko lang siya doon. I closed my eyes to catch more sleep pero ang bruha nakapasok na pala sa room ko.
"Issa! Wake up!"
"I'm still sleepy Dona. Please kahit ilang minuto lang." I begged sabay takip ko ng unan sa aking mukha.
"No way Issa Tazanna De Andrada Monte Verde! Kailangan na nating maghanda para hindi tayo mali-late sa flight natin!"
"Shhh Donatella! Don't you dare mention that surname to me ever again!" Sagot ko sa makulit kong kaibigan at bumangon na imbis na matulog.
"Haha o di ba? Nawala 'yang antok mo!" Sabi pa niya habang tumatawa.
"Basta don't ever mention it again. Plus, it's not my surname. Matagal na kaming annulled and it was only a joke. I was never a Monte Verde before and I will never be. Period!"
"Okay, fine! Just be ready. As in now na. I'm excited to go home already." She gushed with her excitement.
"I know. I know." I replied with a boring tone. Inirapan ko lang siya.
It's been three years since I left home. After the accident, dad sent me here in the US for my follow up check ups. He was devastated when he found out that I had an accident. I was confined at the hospital for weeks. I was in a coma for three days that made him more anxious. Nang nalaman niya ang nangyari bago pa ang aksidente, he was furious. He even cut our ties to the Monte Verdes and sent me here to stay, for good.
It's been 3 years already since the accident and for the past 2 years, I spent my days studying. Si dad naman bumibisita lang din sa akin every month. Mabuti nalang sumama dito si Dona to also study business with me. Dad was happy nang nalaman niya na uuwi ako ngayon. He kept on asking me if okay na ba talaga ako at bakit hindi nalang muna ako mag-enjoy dito dahil kakatapos ko lang sa MBA course ko.
"Of course, dad! It's been years na kaya! I want to help you with our business. Para saan pa 'tong pinag-aaralan ko kung hindi ko naman magagamit sa negosyo." I remembered our conversation yesterday. I miss my dad, hindi naman pwedeng dito ako manirahan buong buhay ko. Paano si dad? Paano ang business namin sa Pinas? Kaya nga ako nag-aaral dito para pag-uwi ko tutulongan ko si Dad sa pagmamanage ng negosyo. After all, I'm his only child. Pwera nalang kung may iba pa siyang anak sa labas but I doubt that. Kasi simula ng namatay si mommy, aside from managing the hotel, hindi ko na napansin na may ibang inaatupag si dad.
"Issa, tapos ka na ba diyan?" Narinig kong sigaw ni Donna habang kumakatok sa pinto.
"Almost done!" Sigaw ko. Iwan ko ba sa kaibigan kong 'yun, ang hilig sumigaw, kami lang naman dalawa dito condo. Mabuti nalang pinagtiyagaan siya ng boyfriend niyang si Jeffrey. I smiled at the thought at lumabas na sa banyo.
I'm wearing a white one-shoulder blouse and paired it with a maong pants. I grabbed my brown leather boots with a 4-inches heels and also my brown trench coat. Nakaready na kasi sa baba ang lahat ng mga gamit namin kahapon pa lang kaya dumiretso na ako sa labas.
The flight took several hours kaya si Dona hindi mawala-wala ang excitement lalo pa ngayon na palabas na kami sa airport.
"Finally! I'm back, Philippines!" Sigaw niya nang palabas na kami sa NAIA.
"Parang hindi lumilipas ang oras ah" Dagdag niya. Umaga kasi kaming umalis sa states at pagdating namin dito sa pinas it's still 10 in the morning.
Sinusundo si Dona ngayon ng boyfriend niya. Nang makita niya si Jeffrey, sinalubong agad niya ito. They even french-kissed! At sa harapan ko pa!
"Ew! get a room!" Saway ko sa kanilang dalawa.