Chapter 3

19 2 0
                                    

"I'm Issa Tazanna De Andrada", I replied while extending my hand to him for a handshake. Hindi pa rin mawala ang ngiti sa aking mga labi.

"Friends?" Si Luca with a friendly smile.

"Sure. Friends". I noded.

Okay na yun kahit friends lang. Di ba, doon rin naman nagsisimula ang lahat, sa friendship. But deep inside, I can't deny the fact that I'm still hoping that someday this marriage will work. Every woman wishes for their marriage to become successful, at isa na ako doon, even if this is just for convenience at wala kaming feelings sa isa't- isa.  Wait. Wala nga ba? No. Wala talaga. Nasaktan lang ako before because I felt betrayed. Yun lang yun.

After the incident in the kitchen, pumasok na siya sa opisina kahit anong pilit ko na magpahinga lang muna. Marami daw kasi siyang kailangang asikasuhin. Doon ko rin nasabi na workaholic siya kasi kakagaling niya lang sa lagnat. Naiwan lang ako dito sa bahay at nababagot. Tatawagan ko nalang mamaya si dad para ipaalam sa kanya na papasok na ulit ako bukas sa opisina. Hindi pwedeng nakatunganga lang ako dito while my father has an empire to run at his age. Pero saktong pag dial ko sa number ni dad ay merong tumawag.

"Hello". Sagot ko. Hindi kasi nakaregister ang pangalan sa phone ko.

"Hi, this is Tina, Mr. Monte Verde's secretary. Is this Mrs. Isssa Monte Verde?" A woman with a friendly voice. This is the first time na may tumawag sa akin na Mrs. Monte Verde. Hindi pa kasi ako sanay.

"Ma'am?" The secretary.

"Yes. This is she speaking".

"Alright Ma'am, inutos kasi ni sir LM  sakin na sabihan  ka na maghanda para daw sa dinner date niyo tonight. Ititext ko nalang po sa inyo ang address".

"A di-nner date?" Nauutal kong tanong.

"Yes po, Mrs. Monte Verde. Dinner date". She clarified.

"Alright. Thank you, Tina". 

"Your welcome, Ma'am. Bye"

Pagkababa ko sa phone ko hindi ko mapigilan ang excitement na nadarama. Bakit kaya siya nagyayang magdinner? Oh wait! dinner date?  Baka nagkamali lang siguro ng dinig ang secretary niya. Plus friends don't date. Simpleng dinner lang to maybe to celebrate our friendship. Tama. Friendly date lang to. Yan, itaga mo yan sa kukoti mo, Issa. Huwag masyado mag expect.

Ano kayang susuotin ko? Naghahalungkat na ako dito sa closet ng masuot sa dinner namin mamaya. Sa daming dress ko,  pero wala pa rin akong mapili. Yung iba nga hindi pa nasusuot at may tag pa. My favorite pastime kasi is shopping together with my bestfriend, Dona. Sayang at nagbabakasyon pa siya ngayon, wala akong kasamang mamili ng susuotin ko. Anyway, magpahinga na lang muna ako baka mamaya makapag decide na ako ng susuotin. Matutulog sana ako ng may kumatok sa pinto.

"Ma'am Issa, galing daw po yan kay sir Luca. Inihatid dito ni Kardeng." Sabay abot niya sa akin ng malaking box. Tatanungin ko na sana siya kung sino si Kardeng pero baka ang driver yun ni Luca.

"Thank you, Manang." I closed the door. I opened the box and found a note inside together with a beautiful dress. Please wear this tonight. Walang name nakalagay pero alam ko kay Luca galing yun. It was a sexy wine red-color bodycon dress, lightweight stretch knit falls from skinny straps into a V-neck and a sexy wrap skirt with a figure flaunting fit. How thoughtful of him to buy me this lovely dress. Naisip ko. At last, hindi na rin ako mamumublima kung anong susuotin ko mamaya.

It's passed five in the afternoon when I decided to prepare for our dinner tonight. Seven o'clock raw kasi ang dinner namin based sa text ng secretarya niya together with the address. I'm wearing the dress he gave me and luckily it fits perfectly. Paano niya nalaman ang size ko? Maybe he's actually checking on me? I blushed at the thought. Baka nagkataon lang.

I paired the dress with a black stiletto. I also put a light make up to complete the look. For the last time, I looked myself in the mirror at ng makontento sa hitsura ko, I got my purse and keys in the drawer at lumabas na. Mabuti na ng maaga kaysa ma traffic pa ako sa daan. 

I was about to open the door pero naunahan na ako ni Luca sa pagbukas nito mula sa labas. I swallowed hard to see his perfectly handsome face. Nagkakatinginan kami but binawi ko agad yun.  He's wearing a white formal shirt inside partnered with a black dinner jacket and a bow tie with the same color as my dress. He looks really handsome. Ang sarap niyang tingnan. Ang fresh, di mo mahahalata na galing pa sa trabaho. 

"H-hi!" I greeted, hindi pa rin mawala ang titig niya sa akin. Hindi ko mapigilang maconscious pero hindi ko ipinahalata.

"Hey! Are you ready?" He asked. Tumango lang ako at nagsmile. Bakit ba kasi tuwing kasama ko siya nininerbyos ako. Iba kasi ang awra na dala niya. Parang mauubusan ako ng salita dahil panay ang kaba na nadarama. It's not that I'm very talkative  anyway.

"Lets go then". Sabay hawak niya sa baywang ko. A blush seared through my face and for a minute I thought my face was on fire with his gestures. OMG! Issa! Calm down!

He opened the door on the passenger side. I slid in. I expected him to sit in the driver's seat pero may kinuha pa siya sa likuran. There I saw a huge bouquet of tulips. Is that for me? Paano niya nalaman na favorite ko to? Baka nagkataon lang din?

"This is for you". Parang nahihiya pa niyang sabi sabay abot sa akin ng mga bulaklak.

Kanina parang sinilaban lang ang mukha ko, pero ngayon para na talaga akong matutunaw. He is so unpredictable. My heart is beating faster than normal to the extent that it's almost deafening. A shock expression is very visible on my face now, I know it. Parang hindi ako makapaniwala na he's capable of showing these kind of gestures. Parang kahapon lang napaka cold niya sa akin.

"Don't you like it?" He asked with a sad expression showing across his handsome face.

"Uhm. N-no. No. I like it. I really do. Thank you". Sabi ko sabay singo ko sa mga bulaklak. Hindi siya sumagot. Tumango lang siya sa akin na parang hindi convinced sa sinasabi ko at patuloy na nagmamaneho.

After a few minutes, hindi pa rin siya nagsasalita. Ano kayang iniisip niya. Parang ang seryoso niya at may malalim na iniisip.

Ang awkward  naman nito. Bakit ba pagdating sa kanya parang palagi akong nauubusan ng salita. 

"Luca?" I asked. Para mapatay ang nakakabinging katahimikan.

"Hmmm?"

"This is my favorite. I mean, the Tulips", Dagdag ko. Hindi kasi mawala sa isipan ko kung paano niya nalaman na paboritong bulaklak ko ang tulips. Maybe he's doing some research about me?Asa ka pa Issa. Baka masasaktan ka lang.

Ngumisi lang siya, nawala na ang nakasimangot na mukha. Tinitigan lang niya ako ng maigi at parang binabasa kung anong nasa utak ko. Hindi ko namalayang nandito na pala kami sa isang high end restaurant kung saan kami kakain.

He pulled my hand and whispers, " I just know it. I have my source, baby."















Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon