"I said let go of her hand!" Utos ng pamilyar na boses sa likuran ko sa lalaking humarang sa akin.
"Sino ka, ha? Girlfriend mo ba to?" Hindi pa rin niya binitiwan ang mga kamay ko. Sinubukan kong makawala pero hinigpitan pa niya ito ng pagkakahawak.
"She's my wife! So stay away from her or I'll beat the shit out of you!"
Wife? I'm not anyone's wife! Doon ko pa na napagtanto kung kaninong boses yun. He's just lying para mapaniwala niya ang lalaking nakahawak sa akin at niluwagan naman ng tao ang kamay ko kaya nagkaroon ako ng chance na bawiin ito.
"Tsk. Tsk. Tsk. Pasinsya na, pare. Huwag mo kasing hayaan mag-isa." Umiiling na sabi ng lalaki at saka umalis.
After three years, ngayon ko pa lang siya ulit nakita. Parang nagpigil lang ng galit si Luca, base na rin sa mukha niya. He matured a lot at lalong nadipina ang ilong at panga. Pang model pa rin ang katawan, halatang palaging nag gi-gym. Overall gwapo pa rin ang gago but I know better. You know better, Issa.
Seryoso siyang nakatitig sa akin habang unti-unting lumalapit. Gusto kong tumakbo pero ang traydor kong mga paa ay parang ayaw gumalaw.
I swallowed hard the moment he's already near me. My hands become sweaty and my heart beats faster. Gusto ko siyang sumbatan dahil sa mga nangyari noon pero naisip kong ako naman talaga ang may mali noon. I expected too much the reason why I was badly hurt before. Kasalanan ko noon na nagpaka tanga ako at umasa na sana kalaunan matutunan niya akong mahalin.
I stood still trying to regain my composure. I don't want him to notice that he still has this effect on me.
"T-thank you. I-i need to go." Finally, nasabi ko rin at patakbo akong lumabas sa bar. Kinuha ko ang cellphone ko para tawagan ang driver but I saw him following me.
"Tazanna!" Narinig kong tawag niya sa akin.
Nagmamadali akong naglakad pero naabotan pa rin niya ako at hinila ang kamay ko.
"Ano ba?" Sigaw ko sa kanya sabay bawi sa kamay ko.
"Look! I'm sorry, Taz. I really do. Can we talk?" Napapaos niyang sabi.
"Please.. even just for a few minutes." He added.
"If we are going to talk about what happened in the past, then okay na yun. It was all my fault. Not yours."
Hindi siya nakapagsalita. Nakatingin lang siya sa akin with his weary eyes. Nakita kong paparating na ang sasakyan namin kaya umalis na ako at iniwan siya doon.
Dalawang linggo na ang lumipas simula ng nakabalik ako dito sa Pinas at dalawang linggo na rin simula nung nangyari. Hindi na rin kami pumunta sa bar na yun. Si Dona naman ay sumama kay Jeffrey sa China to attend some business meetings. Hindi na rin ako palaging lumalabas gaya ng usual naming ginagawa noon sa states. Baka kasi makikita ko na naman si Luca sa mga bar na pupuntahan namin. Oo, iniiwasan kong makita siya ulit. Ayoko kasing maalala ang mga katangahan ko noon. Tinuonan ko nalang ng pansin ang negosyo.
Nandito ako ngayon sa opisina at pinag- aralan ko ang mga pasikot-sikot ng negosyo at kung paano ito patakbuhin ng maayos. Si dad naman ay nasa Germany para sa business meetings at nagbabakasyon na rin. Simula kasi noong nasa states ako hindi na rin siya nagkaroon ng chance mag-unwind. Gusto kong mag-enjoy siya hindi yung puro nalang trabaho ang inaatubag. Nasa early 50s pa si dad kaya maari pa siyang mag-asawa muli. I remembered our conversation last week.
"Magbakasyon ka muna, dad. Ako lang muna ang bahala dito sa opisina."