Pagkatapos naming kumain nagpapahangin lang muna kami saglit. The restaurant is located at the top of the city the reason why the lights from different buildings are very visible from here. The foods taste good as well. The dinner was silent and awkward. Hindi rin kasi masyadong nagsasalita si Luca. Parang hindi siya mapakali. Ayoko namang sabihin na nahihiya siya sa akin. May palagi kasing tumatawag sa cellphone niya. Malamig ang simoy ng hangin dito kaya hindi ko mapigilang ginawin. Hihintayin ko nalang siyang matapos saka ko na siya yayain umuwi.
After a few minutes, may kausap pa rin si Luca sa phone niya. Hindi ko alam kong sino pero napansin ko na kanina pa itong tumawag. Hindi nga lang niya sinasagot kasi kumakain pa kami. Pero ng tapos na kami kumain tumawag ulit. Ano kayang pinag-uusapan nila? Parang seryoso ah. Is she his girlfriend? Baka may girlfriend siya bago pa siya nakapagdesisyong pakasalan ako? Hindi ko maitago ang sama ng loob na nadarama. I'm not even sure if I'm right. Umaasa pa naman ako na makikilala ko pa siya ng lubos sa dinner na 'to pero wala, eh. May ibang inaatupag habang ako ay mag-isang naghihintay dito kung kailan siya matapos. Arg! Nakakainis!
Umiinom nalang ako ng wine habang dinaramdam ang simoy ng hangin. Ang sarap talaga ditong mag muni-muni dahil walang masyadong tao lalo na't nasa secluded area ito at may kamahalan din ang mga pagkain dito. Hindi ako sanay sa mga ganitong feeling kasi nga di pa ako nagkaka boyfriend dati. Hindi rin naman ako palaging gumagala. Minsan lang kapag may mga okasyon. Pinalaki kasi ako nina mommy at daddy na prim and proper kaya hindi ko na rin nahihiligan ang mga gawain ng ibang babaeng ka-edad ko.
"I'm sorry about the call. Lets go home." Pagyaya ni Luca. Tapos na pala siya sa kausap niya sa telepono.
"It's okay." Sagot ko at nag iwas ng tingin. Ayoko namang magtanong kung sino ang tumawag baka ano pang masasabi niya. Mag-asawa kami, oo, pero sa papel lang yun. Ang totoo friends lang naman kami at wala akong karapatang mag-selos. And that's the hardest part of being fixed to marry someone. I sighed. But I don't want to regret my decision of marrying him. Not just yet.
Nauna na akong pumasok sa sasakyan niya. Hindi ko na rin siya binigyan ng pagkakataong buksan ang pinto. Pumasok rin siya at nagsimulang nagmaniho. Nakasimangot lang akong nakatingin sa labas. Ayokong kausapin siya. I don't want also to start a conversation. Palagi nalang ako ang kumakausap sa kanya. Kapag hindi ko siya kakausapin, hindi rin siya nagsasalita.
"It's just a friend. The one who called." Sabi niya sabay sulyap sa akin. Parang nabasa niya ang nasa isip ko, ah.
"I'm not asking." Masungit kong sagot.
"Nakauwi na kasi siya galing sa states at gustong makikipagkita." Dagdag pa niya.
"Is your friend a girl or a boy?" I asked him curiously.
"Girl. Her name is Jessica. She's a family friend's daughter at nagiging friend ko na rin. Sabay kaming lumaki at sa states rin siya nag-aaral." Saad niya.
Kaya pala. Hindi ko tuloy mapigilang hindi maiinggit. Marami pa talaga akong hindi alam tungkol sa kanya. Wala akong masyadong alam sa buhay niya, kung sino ang mga kaibigan niya, anong hilig niya, etc.
"Bakit ka pala umuwi dito sa states? Apparently nasa states ang buhay mo at mga kaibigan mo." Tanong ko.
"To manage the business, I guess? May mga kaibigan din naman ako dito." Nakatuon pa rin ang atensyon niya sa daan.
"Bakit hindi ko sila nakilala? Wala ba sila sa kasal natin?" I asked.
"Nandoon. Hindi mo lang napansin kasi nakafocus ka lang sa akin." Saad niya. A smile is visible on his lips kahit medyo madilim dito sa loob ang sasakyan.