"Happy Anniversary! This is for you." Si Luca sabay bigay niya sa akin ng bulaklak. Pink tulips not red so maybe friendsary 'ata ang tinutukoy niya.
Kunot-noo kong tinanggap ang bulaklak. Iniisip ng maigi kung ngayon ba talaga ang araw ng kasal namin. Pero sigurado ako na hindi talaga ngayon.
"Anniversary?" Nagtaka kong tanong sa kanya.
"Belated celebration for our past three anniversaries na hindi tayo nagkakasama." Parang nahihiya pa niyang sagot sa akin at hindi man lang makatingin ng diritso. Kaya hindi ko mapigilan ang sariling hindi ngumiti.
"What?" Ang pasuplado niyang tanong.
"Haha. Hindi ko inakala na marunong ka pala sa mga ganitong bagay." Natawa kong sabi. Si Luca naman ay mukhang galit na 'ata.
"Kung ganito ka sana sa akin noon baka nahulog na talaga ako sayo ng tuluyan." I teased him. Tinitigan lang niya ako ng masama kaya tinaasan ko lang siya ng kilay sabay ngiti. Napakapikon naman pala nito. Ang sarap asarin ha. Ganyan ba talaga kahirap maging sweet?
"Hehe. Ma'am, sir blow the candles na po at mukhang malapit ng matunaw." Sabi ng isa naming kasambahay at dala-dala pa rin 'yung cake.
Tumayo ako pero si Luca nanatili pa ring nakaupo habang umiinom ng wine mukhang badtrip kaya hinila ko ang kamay niya para tumayo na.
"Halika na, akala ko ba ikaw ang may pakana ng lahat ng 'to. Eh, bakit ayaw mong tumayo diyan?" Pang-aasar kong tanong.
"Fine! If this is not for you, ayoko talagang gawin ang kacornyhang to." He lazily said at tumayo na rin sa wakas.
Lumapit pa sa amin sina manang Aping at inihipan na namin ng sabay ang tatlong kandila na malapit ng matunaw.
"Yehey! Congrats po sa inyo ma'am, sir." Bati ng sa amin ng isa pang kasambahay in a hard pronunciation.
"Thank you po sa inyo pero magkaibigan lang kami ngayon ni Luca." Paliwanag ko sa kanila sabay sulyap ko kay Luca na nakabalik na sa upuan, umiinom ng wine at wala pa rin sa mood.
"Sayang naman po ma'am, bagay na bagay pa naman po kayo ni sir." Sabi pa ng isa. Hindi ko pa rin matandaan ang mga pangalan nila. Nginitian ko lang sila.
"Tama na nga yan Baching, Delin. Ilagay mo na yang cake sa lamisa at baka mabitawan mo yan. Hayaan na natin sila dito. Doon nalang tayo sa kusina." Saway pa ni Manang Aping at bumalik na sa loob. Kaya bumalik na rin ako sa kina-uupoan ko kanina.
"I'm sorry but I won't sign the annulment." Seryoso niyang sabi pagkaupo ko.
Tiningnan ko lang siya trying to read what's on his mind. Pero bigla lang niyang hinawakan ang kamay ko.
"I want us to be together, Tazanna. Even if you hate me. I'll do everything para magustohan mo ako. I will pursue you whether you like it or not." Diretso niyang sabi.
I don't know what to feel. Parang natatawa lang ako sa mga sinasabi niya. Ang hirap na kasing magtiwala uli.
"You're just kidding right? Gusto mo naman akong paglaruan ulit? Bakit Luca nabo-bored ka na ba sa mga babae mo at naisipan mo akong paglaruan?" Galit kong tanong sa kanya.
"No, baby. I'm serious and I want to stay married to you. Promise I will never hurt you again." Pain is visible across his face na para bang pinagsisihan niya ang mga nagawang pagkakamali noon. Pero natatakot akong magtiwala. Natatakot akong masaktan ulit.
"I don't know Luca." Umiiling kong sabi.
"I'll think about it." Dagdag ko at tumayo na para makauwi na. Lumalalim na rin ang gabi at baka nakatulog na ngayon si Manong Berting sa kakaantay sa text ko. Tiningnan ko si Luca na nakailang baso na rin ng wine at mukhang naubos niya yata ang isang bote ng Pinot Gris at nangalahati na ang isa. I checked the bottle to make sure at tama nga ako. Pambihira!
