I woke up the next morning at wala na si Luca sa tabi ko. My face blushed as I remembered what happened last night. It's true and I'm not dreaming because of the sore thing that I'm feeling right now. I got up from the bed and wrapped myself with a robe when the door opened.
"You're awake. Good morning!" Si Luca na may dalang tray ng pagkain. My stomach rumbles with the smell of the coffee.
"Morning too." I greeted. He put the tray on the table pagkatapos lumapit siya sa akin and kissed me. It was only a brief kiss.
"Let's eat! I cooked for you!" He declared happily.
"Hmm you know how to cook?" I asked him.
"Yup. Just simple foods like these." He answered pointing the perfectly cooked sunny side up eggs, bacon and ham and then he pulled the chair for me to sit on it.
"Hindi ba pumasok si Manang Aping ngayon, bakit ikaw ang nagluto?" I asked habang nagsimulang kumain. Ang aga pa pero ang bango kasi ng mga niluluto niya kaya ako nagutom. Kung sa bagay hindi nga pala kami kumakain kagabi. My face heated at the thought.
"Every other day nalang kasi pumapasok ang mga katulong simula noong mag-isa nalang ako dito." He answered at nagsimulang maglagay ng pagkain sa kanyang plato. I only nodded.
Tahimik lang kami habang kumakain. Ano ba dapat sabihin? Nahihiya kasi ako sa nangyari sa amin kagabi. Ang awkward kaya. Ayoko namang pag-usapan yon. I'm sipping my coffee when his phone rang. Napansin kong pinatay lang niya yun. Tumawag ulit pero hindi pa rin niya ito sinagot kaya hindi ko na napigilan ang sariling hindi magtanong.
"Sinong tumawag?" Pasimple kong tanong.
"Si Jessica." Tipid niyang sagot habang uminom ng kape. Nagring ulit ang phone niya.
"Bakit hindi mo sagutin?" Tanong ko sabay tingin sa cellphone niya na kanina pa nagriring. He picked up his phone. Akala ko sasagutin niya pero pinatay niya lang ang phone niya.
"Hindi yan importante. Tapos ka nang kumain?" Tanong niya, iniba ang usapan. Tumango lang ako.
"Wanna go on a vacation with me? Just the two of us. Alone. No work. No stress." Hindi ako nakasagot agad habang si Luca ay nanatiling nakatitig sa akin naghihintay ng sagot.
"Sounds great but..I have a chain of hotels to run and you with your milling company. Bukod pa doon wala si Daddy dito sa pinas. Hindi nga ako nakapasok ngayon." Sabi ko.
"That can wait, Taz. Meron naman tayong mga tauhan. Baby, we need time for each other. Alone. This is long overdue. In fact, we still haven't consummated our marriage yet." Kumbinsi niya sa akin.
"Well. O-okay!?" Yun lang ang nasagot ko.
"Haven't consummated?" Dagdag kong tanong when I recalled the last thing he said.
"Yes!"
"Eh, anong tawag doon sa nangyari kagabi?" I blatantly asked.
"Kagabi?" Tanong niya habang obvious na obvious naman na alam niya ang tinutukoy ko. Nakita ko ang ngiti na unti-unting sumilay sa kanyang labi.
"Whatever, Luca! Makaligo na nga." Nagtatampo kong sabi at umambang aalis pero hinarangan niya ako. Nakasimangot akong nakatitig sa kanya habang ang mokong na to ay nakangiti lang. Lumapit pa siya ng husto sa akin and tucked my hair behind my ear. Hinawakan niya ang kamay ko habang nakatitig sa akin ng seryoso kaya ako kinakabahan. Kahit pa noon, lage akong kinakabahan tuwing kausap ko siya.
"I will never forget what happened between us last night, Taz. In fact, last night is the happiest day of my life. I've been dreaming for that day to happen, for you to love me too. I love you and I hope you believe and trust me from now on. I promise not to hurt you again. No one can stop me from loving you, baby. Even if it means losing everything that I have now. As long as we're together, those things doesn't matter anymore. Napatunayan ko na yun sa sarili ko ng muntikan ka ng mawala ng tuluyan sa akin noon." He said.