After the reception, I bid my goodbye to Tita Olivia and Tito Franco. Si dad naman nagiging emosyonal dahil siya nalang at ang mga househelps ang matitira sa bahay.
"Take care, hija. I only wish for your happiness". Si dad.
"Thank you, dad. I love you". Sabay hug ko sa kanya.
"Of course, she will be Lorenzo. I'll make sure my son will take good care of you, hija". Si Tita Olivia sabay ngiti sa akin.
Nagsmile lang ako sa kanya. Hanggang ngayon kasi naiilang pa ako sa kanila. Kahit na bestfriend sila ni mom di ko naman talaga siya palaging na meet lalo pa't wala na si mommy.
"Ma'am, naghihintay na po si sir Luca sa sasakyan", sabi ng driver.
Dumiritso na ako sa sasakyan at nakitang nasa loob na pala si Luca. I sat beside him kaya umusog siya. Bakit parang ayaw niyang makipag usap sa akin? Kanina pa siyang walang imik at halatang bored at nairritate. Pauwi kami ngayon sa bagong bahay namin. May pinagawa na kasing bahay sina Tito at Tita bago pa kami ikasal. Pinagplanohan talaga ito ng pamilya namin kasi simula high school pa lang ako, alam ko na na si Luca ang mapapangasawa ko. Kaya hindi na rin ako ngkaroon ng chance na makipag boyfriend. Marami naman akong manliligaw pero ni isa sa kanila hindi ko pinagbigyan. Haiisst, ang swerte talaga ng mokong na to sa akin. Siya kaya, may girlfriend kaya siya dati before kami ikinasal? Of course naman, sa gwapong to? Impossibleng wala siyang naging girlfriend lalo na't he is six years older than me.
Sa dinami-dami ng iniisip ko, di ko namalayang nandito na pala kami at nakapasok na si Luca sa loob ng bahay. Haisstt. Ang tanga ko talaga talaga. Pumasok na din ako sa loob ng bahay, katamtaman lang ang laki nito at may modern design. Fully furnished na din, basi sa nakita ko, if I'm not mistaken may apat na kwarto ito, dalawa sa baba at dalawa rin sa taas. Saan kaya ang master's bedroom dito?
"Good evening po, ma'am. Ako pala si Aping. Tawagin nyo lang akong manang Aping," bati sa akin ng isa sa mga kasambahay.
"Good evening too, manang Aping. Nakita niyo po ba si Luca?" I asked.
"Ay nasa taas na po, ma'am. Gusto nyo bang kumain? Ipaghahanda ko kayo."
"Huwag na po. I'm still full. Paki akyat nalang po ang mga gamit ko sa taas. Thank you".
When I was already upstairs, I opened the nearest room hoping that this is the master's bedroom. Pero pagbukas ko pa lang ng pinto ay saktong lumabas din si Luca sa banyo.
"Oh my God!" I screamed while covering my eyes. Sino ba kasing hindi masigaw kapag nakakita ka ng lalaking hubad sa harapan mo and the only thing that covers his body is the towel na parang any minute matatanggal na sa katawan niya.
"What the fuck are you you doing here?" He spat angrily.
"I am just checking where our room is!" I swallowed hard at nag iwas ng tingin.
"
Magbihis ka nga at nkakailang kang tingnan". Utos ko. Whoah! Very brave, Issa."Bakit ka ba kasi nandito?" He asked while putting his things in his duffle bag.
"I'm just checking our room, you know." Sagot ko.
"Who ever told you that we will be sharing the same bedroom, huh?"
"Me!? Because we're just married. Remember?" Mataray kong sabi even I felt a bit nervous with his presence.
"Uh huh. Hindi ko naman nakalimutan". He is staring at me intensely habang palapit sa akin.
My heart skip a beat when he slowly come near me, wearing only a towel. He surely is a handsome man. Para siyang model ng mens magazine with his well-built body. Napalunok tuloy ako. He's now towering over me and I can already feel his breathing. Parang hindi ako makahinga sa kaba. Bakit ba ang bango niya? Nakoko conscious na naman ako sa sarili ko dahil I'm sure ang baho ko na ngayon. Despite being nervous, I leveled his stare and I can see a smile crept across his lips.
"Feisty, huh! Like what you see?" Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.
"I'm not sleeping here in this room with you." sabi niya at lumabas na bitbit ang bag.
Paglabas nya doon pa lang ako nakahinga ng maluwag. So, joke lang pala tong set up namin. Handa pa naman ako sa first night namin. Haha manyak lang ang peg ha. But really, I must admit that I'm not expecting this to happen during my first night of being married. Iba kasi ang na-imagine ko na mangayayari eh. Muntikan na ako kanina. Stop it, Issa!
Haisstt. Eh, kung ayaw niya sa akin, e di huwag. Alangan naman ipangalandakan ko ang sarili ko at e seduce siya. Makaligo na nga para makatulog na.
******
Tanghali na akong nagising kinabukasan. Para kasi akong naninibago sa bagong bahay. After doing my usual routine every morning, lumabas na ako sa kwarto. Medyo nagugutom na rin kasi ako. Si Luca kaya? Pinuntahan ko ang kabilang silid at pinihit ko ang doorknob. Bukas ito at walang tao sa loob. Ano pang ini expect mo tanghali na kaya.
Nakita ko si manang Aping na busy sa paghahanda ng pagkain sa lamisa.
"Manang, have you seen Luca?" Tanong ko sa kanya.
"Ay, maaga pong umalis si sir, ma'am. Hindi nga yun kumain. Sa opisina nalang daw siya kakain".
Pagkatapos kong kumain, nanonood lang ako ng tv sa sala. Ang boring naman dito. Hindi pwede tong ganito nalang ako palagi. Wala pa akong ibang makausap dito. My bestfriend, Dona ay nasa Italy pa nagbabakasyon with her boyfriend, ayaw ko naman siyang istorbohin. Hindi nga siya nakadalo sa kasal ko tutol talaga sa fixed marriage na 'to. Ayaw pa kasi ni dad na magtatrababo ako ngayon lalo na't bagong kasal pa kami ni Luca. Akala siguro nila nasa honeymoon na kami ngayon. Eh, kung yayayain ko kaya siya na ituloy ang bakasyon. Sayang rin naman kasi ang ticket na binili ni Tita Olivia para sa amin patungong Bali, Indonesia. Gift raw kasi niya yun sa amin.
Hihintayin ko nalang ang pagdating niya. I'm sure pauwi na yon dahil gabi na. Hintayin ko nalang siya para sabay na kami maghapunan. Bakit ba kasi hindi ko alam ang number niya. Paano hindi rin naman kami masyadong nag uusap. I want to know him more even just as a friend. Pero bakit ba parang nasasaktan akong isipin na hanggang friend lang kami? He is my husband now pero parang strangers pa rin kami. Hindi pa nya ako pinapansin. Sinasadya kaya nya ito? Para kasi siyang napilitan lang na pakasalan ako. He should have said it to his parents, di ba? Hay! Sana talaga hindi ko pagsisisihan tong disisyon kong 'to.
Nakatulog nalang ako dito sa sala pero hindi pa rin siya umuwi? Anong oras na ba? I look at my wrist watch. It's past 12 midnight na pala.
I checked his room but no sign of Luca inside.
Bumaba ako para magtanong kay manang Aping kung sakali tumawag si Luca. Pero pagbaba ko may nagbukas ng pinto. And there I saw my husband together with another woman, kissing.