"Ex-wife!" I corrected him.
"Baka nakalimutan mo na matagal na tayong annulled. Tsaka, everything is fake back then." I added.
"I'm sorry but you have mistaken. You are still my wife, Tazanna. You are still a Monte Verde." Seryoso niyang sambit.
"Haha. Funny." Sarkastiko kong tawa at nauna na akong maglakad.
Nasa labas na ako ng building namin pero si Luca nakasunod pa rin. Ang kulit! Ayaw pa talaga akong tigilan. At ano 'tong pinagsasabi niya? Is he that desperate? For what? Para umaasa na naman ako at masaktan ulit? No freaking way! Hindi na ako ang dating Tazanna, na tatanga-tanga.
"Taz, please! Lets talk. Let me explain everything. After this, I will not disturb you anymore." He begged.
Pain is visible in his eyes. Tiningnan ko lang siya ng masama. My heart ache for a minute pero binawi ko agad.
"Alright! Sige. Saan tayo mag-usap?" Naisip ko na wala kaming closure so mabuti na rin to.
Pinatunog niya ang kanyang sasakyan at tsaka binuksan ang pinto sa may passenger seat. Nakalimutan kong etext ang driver kaya hindi pa ako nasundo.
Huwag mo nalang ako sunduin Manong. Magtitext ako sayo kapag magpapasundo ako. I texted Manong Berting.
Nang nakapasok na ako sa loob, isinarado niya ang pinto at saka umikot patungo sa driver's seat.
"Saan ba tayo pupunta?" I asked. He just ignore me at patuloy na nagdadrive. Pumasok kami sa isang pamilyar na subdivision. Is he taking me to our house? I mean to his house? Lumiko na ang sasakyan niya patungo sa bahay namin dati. Nang makarating kami, hindi siya nagsasalita. Binuksan lang niya ang pinto at lumabas na rin ako.
"Bakit mo ako dinala dito?" I asked. Ano na naman tong pakulo niya?
"Pasok na tayo sa loob. Nagpapahanda ako kay manang Aping ng dinner." Sagot niya sa akin pero di pinansin ang tanong ko at saka nalang naunang pumasok. Nakita ko si Manang Aping na nagbukas ng pinto. Hindi ko tuloy maiwasang mamimiss ang matanda. Kahit ilang araw lang ako nakatira dito noon, kahit papaano namiss ko rin ang mga luto niya. Ang pag-aalaga sa amin ni Luca na para na ring isang tunay na ina. Sumunod ako kay Luca at pumasok na.
"Welcome home, Ma'am Issa!" Bati ng dalawa pang kasambahay. Nandito pa rin pala sila. Ningitian ko lang sila. Hindi ko alam kung anong isasagot. Alangan naman sabihin ko sa kanila na thank you. Eh, mag-uusap lang kami ni Luca dito at hindi titira.
"Welcome back, Issa." Si manang Aping while hugging me.
"Kumusta ka na? Nami-miss kita. Saan ka ba nagpunta bata ka ha?" Maluha-luhang tanong ni manang.
"Long story po, manang. May pag-uusapan lang kami ni Luca. Uuwi rin ako agad sa mansyon pagkatapos." I said.
"Ah, ganoon ba? Sige. Pasok na kayo at handa na ang hapunan." Si manang Aping na halatang may marami pa siyang tanong pero piniling manahimik nalang.
Sa hapag, nakita ko si Luca na nakaupo na. Nang nakita niya akong paparating, tumayo siya at hinila ang silya sa tabi niya. Chivalry is not yet dead, huh. Umupo ako doon at tiningnan ang mga pagkain sa lamisa. Ang daming pagkain, iba't ibang putahi at may chicken adobo pa, which is my favorite. Eh, kami lang naman dalawa ang nandito at kahit sampung tao ang kakain nito hindi pa rin ito mauubos.
"Let's eat!" Pagyaya niya at nagsimulang kumuha ng pagkain. Pinagmasdan ko lang ang mga kilos niya. Kumuha siya ng chicken adobo. Favorite rin pala niya ang adobo? Tanong ko sa sarili.