Chapter 15

6 1 0
                                    

"Kumusta siya, doc?" Narinig ko ang boses ni Luca.

"Don't worry Mr. Monte Verde, she's fine. Nawalan lang siya ng malay. Overall, okay naman siya. Mabuti hindi malakas ang tama ng pagkabagsak niya. Kailangan niya lang magpahinga." Sagot ng kausap niya.

I slowly opened my eyes, trying to remember what happened. Inaninaw ko ang buong paligid. Nandito ako sa dati kung kwarto. Nakita kung kausap ni Luca ang babaeng doctor, basi sa suot niya. Napansin ni Luca na gising na ako kaya siya nagmamadaling lumapit sa akin.

"Taz, how are your feeling?" He asked while holding my hands.

"Gising na pala ang asawa mo Mr. Monte Verde." Sabi ng doctor at lumapit sa kinaroronan ko.

"Good evening, Mrs. Monte Verde. I'm Dr. Salazar. Kumusta na ang pakiramdam mo?" Tanong niya.

"Okay naman po. Nalipasan lang siguro ako ng gutom doc." Sagot ko.

"Kaya hindi kinaya ng katawan mo. Kumain ka sa saktong oras para maiwasan itong maulit, okay? I've checked your vital signs at okay naman. Kailangan mo lang magpahinga." Si Dr. Salazar.

"Okay po doc." Sagot ko.

"Alright. I'll go ahead. Take care of yourself Mrs. Monte Verde. Tawagan niyo lang ako kung may kailangan kayo, okay?" I just nodded.

"Thank you so much doc. Ihatid na kita sa labas." Si Luca. Ngumiti lang ang doktor at lumabas na.

Ilang minuto ang nakalipas, nakabalik na si Luca at may dalang pagkain. Inilagay niya iyon sa bedside table. Lumapit siya sa akin at umupo sa kama. I only watched him caressing my hair.

"I'm worried." Panimula niya.

"Sorry dahil pinag-alala pa kita.

"Don't be sorry, it's normal to be worried. Halika kain ka muna. Nalipasan ka ng gutom kaya ka nawalan ng malay. Dapat kumain ka ng marami para lumakas ka." Sabi niya at inialalayan ako para maka-upo.

"Thank you." Ngumiti lang siya. How I missed his smile.

Pagkatapos kong kumain, iniligpit niya na ito at dinala sa baba. Nakaupo lang ako sa kama habang hinihintay na bumalik si Luca.

"Anong oras ang alis mo?" Tanong ko sa kanya pagkapasok niya palang ng kwarto.

"I rescheduled my flight." He answered while sitting down beside me. I leaned on the headrest of the bed at ginaya niya rin ako. We only stayed silent. Ang tanging naririnig ko lang ay ang malakas pintig ng puso ko. Kinakabahan ako. Hindi ko alam kong paano ko sasabihin sa kanya.

"Luca?"

"Hmmm?"

"Hindi mo ba ako tanungin kung bakit ako nandito?" Tanong ko sa kanya. Nahihiya ako kaya hindi ko siya tinitignan at nag-iwas ng tingin.

"Bakit nga ba?" Napapaos niyang tanong sabay harap sa akin. Pinagmadan niya lang ako, naghihintay ng sagot.

"Ayokong pumunta ka sa Germany." Mahina kong sagot.

"Why? Isang linggo lang naman yun babalik rin naman ako kaagad pagkatapos ng business meeting ko doon."

"Isang linggo?" Nagulat kong tanong. Tumango lang siya at seryosong nakatitig sa akin. Akala ko ba doon na siya maninirahan for good. Business meeting lang pala. Natatakot pa talaga ako na tuluyan na niya akong iwan.

"Luca, I want to tell you something."

"Is it about our annulment? Huwag kang mag-alala tatawagan ko mamaya ang abogado ko." Malungkot niyang sabi.

Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon