Hindi malaman ni Dean kung papano siya napunta sa lugar na iyon na hindi man lang nakaramdam nang takot para sa sariling kapakanan. Medyo matagal na panahon na ring huling napasabak ang binata sa ganitong klase ng trabaho kung kaya'y medyo naninibago pa siya. And this time, iba ang kaso kasi he has purpose and eagerness to help his grandfather. At sa pagnanais na matulungan ang kanyang Lolo at si Don Manuel ay heto siya ngayon, acting like an expert detective again and again.
'How I miss this thing. Kung wala lang nangyari sa akin noon, eh di sana nasa Secret Agency parin ako hanggang ngayon.' Ani Dean sa sarili.
Isa sa rason kung bakit pumayag si Dean sa gusto ng lolo niya ay dahil hindi naman gaanong delikadong trabaho ang paghahanap ng nawawalang anak ni Don Manuel unlike before na muntik na siyang mamatay. Minsan na kasi siyang naturture at nabaril ng isa sa mga sindikatong sinubaybayan niya. Himala na nga lang na nakaligtas siya at binigyan ng isa pang pagkakataon ng Maykapal upang mabuhay. At simula noong araw na iyon, hindi na siya pinayagan ng pamilya niya sa ganoong klase ng trabaho.
Nang marating ng binata ang apartelle na nabook para sa kanya ni Ellaine, he was disgusted to see the place in person. The façade look of the building is alright but the realization that it's part of the squatter's area, parang hindi siya makakatagal dito. It's not that he's picky, hindi lang talaga siya sanay sa mga ganitong klaseng lugar.'Ellaine was damned right.' nasabi nalang niya sa sarili. Ngunit ano pa ba at naging detective siya kung mag-iinarte pa siya.
"Good afternoon po sir! Come in!" Anang isang babae na sa tingin niya ay nasa mid-thirties na ito."Ano pong kailangan ninyo? Puno na po lahat ng apartment rito sir eh."
"I guess my assistant already booked me here for a month. Can you check? The name's Dean." Tugon niya sa babae na kung makatitig sa kanya ay wagas.
"Dean ba kamo sir? Okay for a while po ha." Pagkatapos ay pumunta sa kabilang lamesa nito para kunin ang log book ng kanilang mga borders.
"Meron nga po sir at good for one month."
"Okay then. Where's my room and the key?" Matipid na tugon niya.
"Sasamahan ko nalang po kayo sir." Habang paakyat sila sa hagdan ay hindi parin tumigil sa pagsasalita ang babae ukol sa Rules and Regulation sa apartment na hindi naman nagsink-in sa utak ni Dean. He is so tired and wanted to rest.
"'Eto po ang room ninyo sir. Pinalinis ko na po ng maigi iyan. Fully furnished po ang kwartong ito sir kasi-".
"You can leave now. I'll just call when I need something." Putol ni Dean sa mga sasabihin pa ng babae.
"Okay sir. Kung nagugutom kayo marami pong mga karenderya sa labas."
Nang makapasok na si Dean sa loob ng inuupahang kwarto ay agad siyang humiga sa kama. He thought it's as soft as his bed in the mansion but it isn't. Wala siyang magawa kundi pagtiyagaan nalang ang bago niyang kwarto. The room is not that bad. May sarili itong banyo; a table with two chairs, one medium-sized cabinet and air conditioned naman. Not bad for a price of eight thousand pesos a month.
BINABASA MO ANG
My Girl....Snatcher!!! When Love and Hate Collide
Romance(COMPLETED) "Kahit ano pa yang nakaraan mo, kahit murderer ka pa, wala akong pakialam. Ikaw ang buhay ko Micah." "Hindi mo na kasi dapit pinilit na abutin yong bulaklak. Tingnan mo tuloy ang nangyari." dugtong pa nito at dahan dahang inilapag si...