Narinig lahat ni Micah ang mga sinabi ni Dean hanggang sa kumatok ito sa kanilang pintuan. Alam niyang umalis na sina Aling Tessie at mga kasamahan nito dahil wala nang narinig pang ingay ang dalaga. Tiningnan niya ang kanyang ina. Nakatulog pala ito habang haplos-haplos niya ang buhok. Dahan-dahang kumilos si Micah upang hindi magising ang ina at agad lumabas upang harapin ang bisita na minsan na namang nagligtas sa kanila.
"Ate Micah, si kuya pogi po." ani Boyet na nakangiti sa kanya.
"O-okay Boyet. Akyat kana muna sa taas at tingnan mo si inay. Tatawagin lang kita mamaya sa tanghalian." ani Micah sa kapatid at tumango naman ito.
"Bakit mo ginawa yon." Bungad-tanong ni Micah nang makababa na siya sa may hagdanan.
"Galit ka parin ba sa 'kin?" ani Dean sa dalaga. "Yong kanina, ginawa ko lang yong nararapat." Dugtong pa ng binata.
"Babayaran nalang kita kapag nagkapera na ako. Pati yong sa ospital bills ko din." Walang ganang tugon ni Micah."
"Hindi ko naman sinabi sayo na bayaran mo ang mga ginawa ko sayo Micah. Gusto ko lang makatulong." Mahinahong saad ni Dean.
"Hindi ko naman hiningi ang tulong mo Dean. Kaya ko ang sarili ko at kaya namin to ni nanay." Galit na sagot ni Micah."At huwag ka ring mag-alala dahil yong pagligtas mo sa akin ay tinatanaw ko yon ng utang na loob mula sa iyo."
"M-micah." Saad ni Dean.
"Umalis ka na." ani Micah sabay turo sa pintuan ng bahay."Umalis ka na!" muling saad ni Micah na sinunod naman ng binata.Nakapinid na ang pinto at nakalabas na si Dean ngunit ganon parin ang panginginig ng kalamnan ni Micah. Ito ang epekto ni Dean para sa dalaga sa tuwing magkalapit ang dalawa.
Papanhik na sana si Micah papunta sa kwarto niya nang magsalita ang kanyang ina.
"A-anak, pasensiya kana pala sa nangyari kanina." nakayukong paumanhin nito sa kanya.
Nang marinig ito ni Micah ay agad naman niya itong nilapitan at niyakap. "Nay, okay lang po yon." saka siya kumalas sa pagkakayakap at nagsalita. "Pumunta nga pala si Dean dito at kakaalis lang. S-siya po yong tumulong sa atin." ani Micah sa ina.
"Kasalan kong lahat ng ito Micah."
"Inay, huwag na ninyo sisihin ang sarili ninyo. Siya nga po pala 'nay, tungkol sa sinabi mo kanina-." ani Micah saka humugot nang malalim na hininga. "P-payag na po akong sumama sa inyo."
"T-talaga anak? Naku magandang balita iyan." ani Aling Meding na animo'y isang batang excited sa pupuntahang party.
"Pero nahihiya po ako 'nay. Hindi ko alam kung anong gagawin ko doon. Alam niyo namang hindi ako nakaranas ng mga ganyan." malungkot na sabi ni Micah.
Nalungkot din si Aling Meding nang makita niya ang reaksiyon ng anak. Tama si Dean dahil marami pala siyang pagkukulang dito. Naipagkait niya ang buhay na sana ay siya nitong tinatamasa ngayon. Ang buong akala niya, kapag magkasama sila na buo ang pamilya ay magiging masaya sila ngunit kabaligtaran ang lahat. Kaya naipangako niya sa sarili na gagawin ang lahat para kay Micah.
"Anak, nandito naman ako hindi ba? Wag kang mag-alala, dahil bukas na bukas din ay magsisimula na tayo para sa pagbabago mo." masayang tugon ni Aling Meding sa anak subalit hindi naman niya alam kung saan magsisimula.
"O-okay po nay." matamlay na tugon ni Micah bago pumanhik sa itaas.
BINABASA MO ANG
My Girl....Snatcher!!! When Love and Hate Collide
Romance(COMPLETED) "Kahit ano pa yang nakaraan mo, kahit murderer ka pa, wala akong pakialam. Ikaw ang buhay ko Micah." "Hindi mo na kasi dapit pinilit na abutin yong bulaklak. Tingnan mo tuloy ang nangyari." dugtong pa nito at dahan dahang inilapag si...