Chapter 3

1.3K 38 0
                                    

                Naalimpungatan si Micah sa tinig galing sa labas ng kanilang bahay.

"Ano ba naman oo!" Napilitan siyang tumayo upang buksan ang taong katok nang katok sa pintuan nila.

"Tao po, tao po! May tao po ba?" Anang tinig ng lalaki.

"Teka nga muna! Ay lintik naman oo!" Sigaw ni Micah.

"Ano ba ang kailangan niyo ha?" Asik niya sa dalawang lalaki na napagbuksan ng pinto.

"Eh miss, magandang umaga sa inyo. May itatanong lang sana kami." Nanginginig pang sabi ng isang lalaki.

"Anong ikinaganda sa umaga ha? At ano bang kailangan niyo?!"Galit na talaga si Micah.

"Magtatanong lang sana kami kung dito ba nakatira si Ma.Medilina Monteverde-Chua?" anang kasama nito.

"Walang pangalang ganyan dito okay? Kaya puwede bang umalis na kayo!Nakakaistorbo kayo eh!" Galit na wika ni Micah at pabagsak na isinara ang pinto.Gusto pa talaga niyang matulog.

Hindi makapaniwala si Dean na ang babaing nanuntok sa kanya ay anak mismo ng taong hinahanap niya. 'Ito ba talaga ang nawawalang anak ng Don Manuel niya? Impossible! Napakalayo sa imahinasyon niya at saka napakabata naman nito para maging anak'. Nauntag ang pag-iisip ni Dean nang lumapit sa kanya ang dalawang lalaki.

"Sir Dean, wala po talaga daw nakatira doon na ang pangalan ay Ma. Medilina Monteverde-Chua." Anang lalaki.

"Ganun ba? Eh sino ba daw 'yong sumagot sa inyo kanina?"ani Dean.

"Naku sir, ang astig ng tibo na 'yon! Nakakatakot kasi mukhang makikipag-away agad.Sayang maganda pa naman." Anang isa pang lalaki.

"Mukha nga. Dito lang kayo at ako nalang ang kakausap." Naglakad si Dean patungo sa bahay na pinuntahan nang kanyang mga tauhan at kumatok. 'Tingnan natin kung ayaw mo parin akong kausapin nang matino.' Ani Dean sa sarili.

My Girl....Snatcher!!! When Love and Hate CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon