Halos magdamag na nagbantay si Dean sa dalaga kaya bago pa magising ito ay minabuti niyang umuwi na muna sa mansion para makapag-bihis. At tama nga siya dahil nang bumalik siya sa ospital ay wala pa ring malay si Micah. Nadatnan niya si Aling Meding at si Boyet sa kwarto ni Micah na abala sa pag-aayos ng mga prutas.
"Aling Meding magandang umaga po." Ani Dean.
"Ikaw pala Dean. Magandang umaga din sayo." Nakangiting sabi ni Aling MEding sa binata."Siya nga pala, maraming salamat pala sa mga nagawa mo sa anak ko. Patawarin mo rin ako sa mga naging pakikitungo ko sa iyo Dean." Kapagdaka ay saad ni Aling Meding.
"Naku, walang anuman po yon ALing Meding. Ginawa ko lang naman po ang sa tingin ko ay tama. Teka po, bakit hindi na muna kayo umuwi at magpahinga? Ako na muna ang magbabantay kay Micah." Ani Dean.
"Nakakahiya naman sa iyo Dean, halos wala karing pahinga sa pagbabantay sa anak ko."nahihiyang saad ng ginang.
"Wala po to. Magpahinga na po muna kayo." Ani Dean.
"Siya sige, ikaw na muna ang bahala rito. Salamat ulit." Saad ni Aling Meding bago lumabas ng kwarto.
Naiwan si Dean na nakaupo at nakatitig sa dalagang mahimbing ang pagkakatulog.'Napakaganda mo Micah.Pero napakatigas naman ng iyong ulo.Mana ka talaga sa nanay mo.' Ani Dean na bahagyang natawa sa iniisp. 'Kung hindi mo sana naisipang umalis, hindi sana ito mangyayari sa iyo.' Ani Dean sa sarili.'Kung may masamang nangyari sa iyo, hindi ko alam ang gagawin ko Micah.At nong gabing nakita kitang nakikipag-away sa mga hayop na lalaking iyon, akala ko hindi na kita maaabutang buhay.Akala ko hindi ko na masisilayan ang yong mukha.' ani Dean sa sarili at ginagap ang kamay ng dalaga at dahan-dahang dinala sa kanyang labi.'Alam kong ikaw yong nagligtas sa akin noon, kaya pala pamilyar ang amoy mo at kung papano ka makikipag-away. Micah please gumising ka na.'dugtong pa niya sa sarili.
Naalimpungatan si Micah ng umagang 'yon dahil sa ingay na nagmula sa labas. Hindi niya alam kung nasaan siya. Akmang babangon na sana ang dalaga ng may biglang nagsalita.
"No! I mean 'wag kana muna bumangon kasi nakakasama sa 'yo ang kumilos." sabi ng lalaki sa kanya.
"I-ikaw?Anong ginagawa mo dito!?At nasaan ako?" galit na tanong ni Micah saka nagpalinga-linga. Doon niya napagtanto na nasa loob siya ng ospital dahil sa nakita niyang dextrose sa kamay niya. Bigla ring sumakit ang tagiliran niya na siyang dahilan upang maalala ang lahat na nangyari.
"Bakit ka narito?I-ikaw ba ang nagligtas sa akin?" mahinang tanong ng dalaga.
"Y-yes. I saw you lying on the ground nung gabing lumayas ka sa inyo. Nakita kitang nakahandusay sa gilid ng kalsada sa may waiting shed ng lugar na iyon." Ani Dean taliwas sa totoong nakita niya noong gabing iyon.
Nang walang sagot na lumabas mula sa dalaga ay tumayo ang binata at bago lumabas ay nagsalita pa ulit si Dean. "You better rest. Baka may masakit pa sa iyo. I'll call your nurse para maipaalam na nagising ka na."
Makalipas ang ilang sandali ay may pumasok sa kwarto ni Micah.
"Magandang umaga po mam. Mabuti naman at nagising na kayo. Meron bang masakit sa inyo ngayon?" magiliw na tanong ng nurse kay Micah.
"Magandang umaga din sayo. Medyo masakit lang ang katawan ko." sagot naman ng dalaga. "Kelan nga ba ako makakalabas miss?" kapagdakay tanong ni Micah.
BINABASA MO ANG
My Girl....Snatcher!!! When Love and Hate Collide
Romance(COMPLETED) "Kahit ano pa yang nakaraan mo, kahit murderer ka pa, wala akong pakialam. Ikaw ang buhay ko Micah." "Hindi mo na kasi dapit pinilit na abutin yong bulaklak. Tingnan mo tuloy ang nangyari." dugtong pa nito at dahan dahang inilapag si...