Chapter 22

969 30 2
                                    

       Walang imik ang dalawa ng makarating sa mansion ng mga Chua. Dahan-dahang inilapag ni Dean si Micah sa sofa nang pumanaog sa hagdanan si Aling Meding.

"Anong nangyari sayo Micah?" ani Aling Meding at lumapit agad sa anak.

"N-nay kayo po pala! Natalisod lang po ako pero okay na naman po ito sabi ng doctor." mahinang tugon ng dalaga.

"Doctor? Akala ko ba natalisod ka lang? Eh bakit napunta sa Doctor?" nag-aalalang tanong ni Aling Meding na dali-dali namang tiningnan ang medyo namamagang paa ng dalaga.

"Ah Tita ano kasi, pumunta po kami sa kasal ng kaibigan ko kaninang umaga. Si Micah po kasi ang nakasalo sa bouquet ng bride ngunit sa kasamaang palad, natapilok po siya. But don't worry po kasi okay na naman po siya. Napatingin na namin sa doctor ang paa niya at kailangan lang daw nang pahinga." ani Dean kay Aling Meding.

"Ganun ba." mahinang sambit ni Aling Meding. "Ah Dean, maaari mo bang kargahin nalang si Micah papasok ng kwarto niya? Doon ko na lang siya dadalhan ng hapunan niya mamaya." kapagdaka ay pakiusap ni Aling Meding sa binata.

"Sure!" ani Dean at binuhat uli ang dalaga. "Come my bride. I'll take you to your room." bulong ni Dean sa dalaga na agad namang pinamulahan ng pisngi dahil sa sinabi niya.

Matapos maihiga ni Dean si Micah sa kama nito ay muli namang pinakatitigan ng binata si Micah.

"You really look beautiful Micah." Ani Dean na dahan-dahang tumingin sa mga labi ng dalaga."C-can I ki-".

Hindi na natapos pa ni Dean ang sasabihin nito ng bigla siyang hinalikan ni Micah sa labi. Mainit ngunit puno ng pagmamahal ang halik na iyon na siyang bumuhay sa pagkatao ni Dean.Nagtagal ng ilang minuto ang tagpong iyon hanggang sa maisip ng binata na putulin ang masarap na panaginip na kasalukuyan niyang tinatamasa.

"Sorry." Sabay na saad ni Dean at Micah.

"Hindi. Ako dapat ang hihingi ng paumanhin sa iyo. Makakaalis kana." Ani Micah na kaagad tinalukiran si Dean habang nakahiga sa kama.

"M-Micah." Sambit ng binata.

"Please pakilock nalang ang pinto paglabas mo." Dugtong na saad ni Micah.

Wala namang nagawa si Dean kundi sundin ang sinasabi ng dalaga. Alam niyang nasaktan niya ang kalooban ni Micah dahil sa kanyang ginawa. Pero kapag hindi siya tumigil sa pagtugon ng halik ni Micah, baka kung saan na sila napunta.

Hindi naman nagtagal ang binata sa mansion ng mga Chua at nagpaalam agad ito kay Aling Meding dahil sa may business meeting pa itong pupuntahan.

Nang lubos na makaalis si Dean sa loob ng kwarto ni Micah, hindi naman maiwasan ng dalaga ang mapangiti dahil sa mga nangyari sa kanya ngayong araw. At napahiya pa lalo nang putulin ng binata ang tagpong iyon. 'Dahil sa ginawa ko, paniguradong wala na akong mukhang maihaharap sa kanya.' Ani Micah habang sinisisi ang sarili.

Ilang araw na ang nagdaan ay hindi parin bumibisita si Dean sa bahay ng mga Chua na siya namang lihim na ikinabahala ng dalaga. Mula noong araw na natapilok siya at nahalikan niya ito, ay ni anino ng binata ay hindi man lang nasilayan ni Micah.Kung bakit ba kasi pinagtabuyan niya ito noon sa kwarto niya. Nanginginig man sa kaba ay pinagpatuloy parin ni Micah ang pinaplano niya. Mga dalawang araw ding nag-ensayo si Micah sa paggamit ng telepono at sa katunayan nga ay mga ilang beses na siyang nabagsakan dahil sa lagi siyang wrong number na alam naman niya dahil nga practice lang iyon. Kaya ngayon na si Dean na talaga ang tatawagan niya, mas triple ang kaba na nararamdaman ng dalaga.

'Kaya mo yan Micah. Hindi ba gusto mo lang naman malaman kung okay lang siya?' aniya sa sarili at nag-umpisa nang pindutin ang mga numero sa dial pad. Sa wakas narinig na niya ang tunog sa kabilang linya hanggang sa may sumagot na tinig babae.

"Good day! This is Ellaine from Raqu Company, how may I help you?" bungad nito kay Micah na nasa kabilang linya. Nang walang narinig na sagot mula sa dalaga ay nagsalita ulit ito gaya nong una.

"H-hello, ah-nandiyan ba si Dean?" mahinang tanong ni Micah sa babae.

"May I know who's in the line please?" anito kay Micah.

"Ah-eh. Gusto ko lang sanang malaman kung nandiyan ba at okay lang si Dean." sabi ni Micah.

"Naku mam, we don't usually relay and answer any questions like that. Teka lang ho mam ha, I'll get back to you!" anito at iniwan ang telepono. Dinig na dinig ni Micah na tinawag si Ellaine kaya nagmamadali itong puntahan muna ang tumawag.

Mga ilang sandali pang naghintay si Micah bago muling narinig ang telepono na para bang iniayos ito para makausap siya ulit. Nang marinig ni Micah na bumalik na si Ellaine ay agad siyang nagsalita.

"Ah-miss, mukha kasing busy ka. Ibababa ko nalang ito ha? Gusto ko lang naman kasi malaman kung okay lang si Dean." aniya sa mahinang boses at napabuntong-hininga. Ibababa na sana ni Micah ang telepono nang magsalita ang nasa kabilang linya na muntik na niyang ikamatay dahil sa kaba ng dibdib niya.

"O-okay lang naman ako. Teka sino nga ba ito? Mukhang kilala ko kasi ang boses mo eh. M-micah? Ikaw nga ba yan?" at ng walang sumagot sa kabilang linya, nagpatuloy ang binata. "Oh God! Babe I miss you so much! Hindi mo alam kung-." tot.tot.tot. Iyon lang ang narinig ni Micah mula sa bibig ng binata dahil ibinababa na niya ang telepono sa tindi ng kaba na nararamdaman niya ng oras na iyon. Hindi niya aakalaing si Dean ang makakasagot sa tawag niyang iyon at akala niya si Ellaine ang bumalik yon pala ay hindi na.

Dali-daling umakyat si Micah sa kwarto niya at doon na niya inilabas ang lahat ng kanyang nararamdam. Humiga siya sa kama at sumigaw ng napakalakas gamit ang unan na inilagay niya sa kanyang mukha para hindi marinig ng mga tao ang tili niya. Alam niyang nakilala siya ni Dean dahil tinawag siyang Micah nito at higit sa lahat Babe! Napatili uli siya dahil sa tinuran ng binata.

"A-anak, anong nangyayari sayo at para kang kinakatay na aso diyan?" ani Aling Meding na pilit na itinatago ang tawa sa mukha nito.

"Nay! Kayo po pala! Anong ginagawa niyo dito?" ani Micah na napabalikwas ng tayo mula sa kama niya.

"Ah kasi nakalimutan mong isara itong pintuan at nakaawang lang. So pumasok na ako dahil may sasabihin sana ako kaya lang para kasing busy ka diyan." ani Aling Meding.

"H-hindi po nay. Ah-yun po ang bago kong exercise ngayon nay. Teka ano nga bang sadya ninyo?" aniya agad sa ina.

"Ah, mamaya nalang muna sa agahan nak. Meron din kasing sasabihin ang lolo mo so baba kana pagkatapos mo diyan ha." anito sa anak at lumabas sa kwarto ni Micah na napapailing. Naiwan na naman si Micah na natulala at nakatingin sa likod ng pinto kung saan lumabas ang inay niya. 'Diyahe naman oo, nakita pa ni nanay!' himutok niya sa sarili.

My Girl....Snatcher!!! When Love and Hate CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon