Hindi masabi ni Micah kung natatawa o naiinis si Dean dahil sa halu-halo nitong reaksiyon.
"O-okay, yan lang pala ang problema mo. Teka doon nalang tayo dumaan sa maids quarter at nang makapagbihis ka." ani Dean sa dalaga.
"A-anong magbibihis ako? Wala akong dalang damit at yong ano ko." saad naman ni Micah na namumula na ang mga pisngi.
"Look, baka may gamit dito yong ikakasal ngayon so we better get going okay?" pagdidiin ni Dean sa dalaga. Sa may likuran nga sila dumaan malapit sa may maids quarter nang makita nila ang isang babae na palakad-lakad na tila kinakabahan. Nahinto lamang ang paglalakad nito ng makita silang dalawa ni Dean.
"Deandre! You're here." anito na may American accent at maagap na lumapit kay Dean para humalik sa pinsgi.
"You look beautiful on that dress. Sa wakas ikakasal na rin kayo and I am so happy for you." ani Dean. Doon lang napagtanto ni Micah na nakasout pala ng pangkasal ang babaing kausap ni Dean at may dala itong isang pumpon ng bulaklak.
"Bakit ka nga ba nandito sa maids quarter? Kinakabahan ka yata." tanong ng binata.
"Y-yes, I guess I'm trembling to death Dean. Ganito pala ang feeling nang ikakasal ka sa taong mahal mo." anito at tiningnan si Micah. "Who's this lovely lady here?" tanong ng babae at ngumiti.
"Ah, siya nga pala si Micah, girlfriend ko." ani Dean at kinabig ng bahagya ang dalaga palapit sa kanya. 'Hmp! Buti't naisipan mo pang ipakilala ako? Teka- pero bakit nobya mo? Ang kapal!' gigil niya sa sarili. Wala naman siyang lakas na loob na magsalita dahil nahihiya siya at nakakaramdam na naman siya ng panliliit sa sarili sa tuwing makakaharap siya ng mga ganitong klase ng tao.
"Really? Wow! That's great to hear Dean at last may nakita kanang para sayo!." masayang saad ng babae at lumapit kay Micah para yakapin ito. "By the way, I'm Dawn." ani Dawn.
"M-micah Chaxie." nahihiyang amin ng dalaga.
"What a beautiful name there. By the way guys, I need to go dahil mag-uumpisa na ang ceremony. Kita nalang tayo sa reception okay? Dito lang naman gaganapin eh." Ani Dawn at bago pa ito tuluyang nakalayo ay inabisuhan pa si Dean."Dean, you're the Best Man, sumunod ka na rin ha?"
"Okay, I'll be there." Ani Dean at tiningnan si Micah."Teka, nakalimutan ko palang tanungin si Dawn kung may gamit siya tungkol sa-".
"Uuwi nalang ako Dean. Nakakahiya naman kung ganito ang ayos ko eh." Pagsusumamo ni Micah sa binata.
"Pero Micah-" naputol ang iba pang sasabihin ni Dean nang may tumikhim sa kanilang likuran.
"Hmm... Excuse me lang ha pero narinig ko kasi na uuwi na itong kasama mo?" tanong ng isang lalaki."Mag-uumpisa na kasi ang kasal at diba ikaw yong best man?" dugtong na tanong nito na ang tinatanong ay si Dean.
"O-oo, ako nga. Pero-"
"Ay! Ikaw nga talaga ang best man. Ang gwapo naman talaga ng best man na nakuha nila Dawn. I'm Cola." Kapagdaka pakilala nito kina Dean.
Naguguluhan man sina Dean sa taong nagpapakilalang si Cola ay alam nila na hindi ito straight guy.
"At kailangan mo nang pumunta doon dahil hinahanap kana ng groom." Pag-uulit nito sa sinabi kanina.
BINABASA MO ANG
My Girl....Snatcher!!! When Love and Hate Collide
Romance(COMPLETED) "Kahit ano pa yang nakaraan mo, kahit murderer ka pa, wala akong pakialam. Ikaw ang buhay ko Micah." "Hindi mo na kasi dapit pinilit na abutin yong bulaklak. Tingnan mo tuloy ang nangyari." dugtong pa nito at dahan dahang inilapag si...