Nagising si Micah alas dos pa lamang ng madaling araw. Kailangan na niyang bumangon para kumita ng pera. Kahit nagkasagutan sila ng ina kagabi ay wala parin sa plano niya ang iwan ito. May gusto pa siyang malaman tungkol sa tunay na katauhan ng ina at tatanungin nalang niya ito pagbalik niya mamayang gabi. Mga dalawang araw din siyang hindi nakapagdelihinsiya at ubos na ang pera na pinagbilhan niya sa nakaw na mga alahas. Marami din naman silang utang sa mga kapitbahay nila at inuuna pa niya itong bayaran.
Matapos maligo at magbihis ni Micah ay dahan-dahan siyang pumanaog at lumabas ng bahay. Ramdam niya ang malamig na ihip ng hangin na dumampi sa kanya pagkalabas ng bahay.
'Hmm... saan nga ba ako pupuwesto ngayon?' ani Micah sa sarili habang naglalakad sa tahimik na kalye ng San Martin. Sanay na si Micah na maglakad sa ganoong oras kaya naman hindi na siya tinatablan nang kaba sa dibdib.
Maglalakad pa si Micah ng mga ilang kilometro bago niya marating ang lugar na isa sa mga paborito niyang tambayan. Nang marating ang lugar na iyon ay kaagad na puwesto ang dalaga sa may gawing likuran ng establisyemento. Pinili niya ang doon pumwesto sa kadahilanang doon nakapark ang halos lahat ng kotse ng mga kustomers. Sabado iyon nang madaling araw at alam niyang madaming tao ngayon sa loob na nagkakasayahan. Kalimitang pumupunta sa lugar na iyon ay mga mayayamang mga college students tuwing Biyernes ng gabi at lalabas nang madaling araw.
Kaagad nagtago si Micah sa isa sa mga kotse na nakaparada nang marinig niya ang ingay ng mga kabataan na lumabas. Mula sa side mirror ng kotse kung saan siya nagtatago, kitang-kita niya ang limang kabataan na nagkakasiyahan habang naglalakad patungo sa mga kotse nila. Alam ni Micah na pawang lasing ang mga ito dahil hindi diretso ang mga hakbang kung maglakad. Nakita niya ang isang babae na sumusuka sa gilid ng isa sa mga kotse at habang ang isang lalaki naman ay tawa lang ng tawa. 'Ganito ba talaga ang mga mayayamang ito? Mga lasinggero? Sayang lang ang ibinibigay na pera ng mga magulang nila'. Ani Micah sa sarili.
Mula sa loob ay lumabas ang isang sopistikadang babae at paikis-ikis ang lakad nito. Sa tantiya ni Micah mag-isa lang ang babae dahil hindi ito pinansin ng limang kabataan. 'Kung siya kaya ang nakawan ko ngayon. Ano bang makukuha ko sa babaing ito?'
Napansin ni Micah ang relo at alahas sa leeg nito at kamay ay pawang mamahalin. Dahil sa kanyang nakita, hindi nagdalawang isip ang dalaga na lapitan ang babae. Nasa sulok ang kotse ng babae at nakita ni Micah na nahihirapan itong buksan ang pinto ng kotse.
"Miss, gusto mo tulungan kita?" ani Micah na sadyang pinaiba ang boses.
"I d-don't talk to s-strangers! A-alis ka nga dyan!" saad ng babae na halatang lasing dahil sa nagkabulol-bulol nitong salita.
Hindi naman natinag si Micah sa sinabi ng babae at pinilit parin niya itong tulungan. Dahil sa katigasan ng ulo nito ay napilitan si Micah na kunin ang susi sa kamay nito at binuksan ang kotse saka pinilit na ipinasok ang babae sa loob ng sasakyan.
"Y-you b-bastard! Ano ba?!" singhal ng babae kay Micah. Magsasalita pa sana ito ngunit sumuka ito bigla at iyon ang cue ni Micah para gawin ang plano niya. Habang mabilisang kinukuha ni Micah ang mga gamit ng babae ay hindi naman niya namalayan na wala na pala sa ulo niya ang hood ng kanyang sweat-shirt. Nalaman nalang niya na nakita ang mukha niya ng babae nang magsalita ito.
"B-babae ka?" tanong nito habang pupungas-pungas.
Dahil sa sinabi ng babae ay napatigil si Micah at dali-dali niyang nilisan ang lugar na iyon. Nang makarating na siya sa may kanto ay tinignan niya ang relo na nakuha mula sa babae. 'Mag-aalas kuwatro na pala ng umaga. Kailangan ko na pumunta kina Bogs. Buti nalang at lasing yong babaing iyon. Sana lang hindi niya ako namukhaan.' ani Micah sa sarili habang naglalakad papunta sa pagdedelinsiyahan niya.
BINABASA MO ANG
My Girl....Snatcher!!! When Love and Hate Collide
Storie d'amore(COMPLETED) "Kahit ano pa yang nakaraan mo, kahit murderer ka pa, wala akong pakialam. Ikaw ang buhay ko Micah." "Hindi mo na kasi dapit pinilit na abutin yong bulaklak. Tingnan mo tuloy ang nangyari." dugtong pa nito at dahan dahang inilapag si...