"Micah anak? Anong ginagawa mo diyan? Diba dapat sana ay nagpapahinga ka? M-may masakit ba sayo?" bungad-tanong ni Aling Meding nang madatnan niya si Micah sa may sala. "Pasensiya ka na anak dahil ngayon pa ako nakapamalengke. Heto may binili ako para sayo." dugtong pa ni Aling Meding habang inilalabas lahat ang kanyang mga pinamili.
"P-puwede ba tayong mag-usap 'nay?" mahinang tugon ni Micah sa ina.
Huminto naman ang kanyang ina sa paglilipat ng mga pinamili at lumapit sa anak. Napabuntong-hininga ito at dahan-dahang tumabi kay Micah.
"Gusto kong magpaliwanag sa 'yo anak ngunit hindi ko alam kung saan magsisimula." ani Aling Meding na bakas sa mukha ang kaba.
"Handa akong makinig kung saan mo gustong magsimula. Kahit gabihin pa tayo sa pag-uusap ay wala akong pakialam. Gusto ko lamang malaman ang lahat-lahat tungkol sa inyo at sa pamilyang meron tayo." mahabang saad ni Micah.
Humugot ng malalim na hininga si Aling Meding bago nagsalita. "Nakilala ko ang itay mo 'nong minsang pumunta ako sa library nang pinapasukan kong paaralan." ani Aling Meding na huminto naman dahil sa nakitang reaksiyon ng anak.
"I-ituloy niyo lang po ang kwento. Hindi ako magtatanong nang kahit na ano basta magkwento lang kayo." ani Micah nang mabatid niya na nagdadalawang-isip ang ina sa pagsasalaysay nang nakaraan nito.
"Isang working student ang ama mo at kasalukuyan siyang nagtratrabaho sa library nong araw na 'yon. May hinahanap akong isang libro para sa thesis namin dahil matatapos na ako sa kurso ko. Doon nagsimula ang lahat sa amin ng ama mo." huminto si Aling Meding at kumuha ng isang basong tubig bago nagpatuloy.
"Tatlong buwan kaming naging masaya ni Leandro hanggang sa sumapit ang graduation namin at nagtapos ako. Naging masaya ang lolo't lola mo noon Micah dahil sa nakamit ko na rin ang Master's ko sa Entrepreneurship. Ngunit ang araw na naging masaya sila ay simula pala ng araw ng pagiging miserable ng buhay ko. Nalaman ng papa na may nobyo ako at dahil sa ginawa niyang imbestigasyon sa pamilya ni Leandro, hindi ito nagustuhan ng lolo mo. Pilit niya kaming pinaghihiwalay kaya patago lamang ang aming relasyon. Makaraan ang ilang buwan, nabuntis ako ng ama mo at ikaw nga iyon. Nalaman itong lahat ng lolo mo at hindi niya ito natanggap kaya't naglayas ako sa mansion. Nagsama kaming dalawa ng ama mo at kahit mahirap kami ay naging masaya ang buhay namin anak. Naging masaya ito dahil sa pagdating mo." napahagulhol bigla si Aling Meding.
"P-patawarin mo ako anak. Kinain ako ng pride at galit para sa papa at ayokong gawin sa iyo ang ginawa niya sa akin at sa ama mo. Hindi naman sana tayo maghihirap nang ganito kung meron lang akong trabaho anak. Nakatapos ako nang pag-aaral subalit hindi ko ito nagamit sapagkat lahat ng inaaplayan ko ay konektado sa lolo mo. Si Leandro naman ay hindi na natapos ang pag-aaral simula nang patalsikin siya sa paaralan dahil narin sa kagagawan ni papa." dugtong pa ni Aling Meding sa pagitan ng pag-iyak.
"Kung ganyan katigas ang lolo ko, bakit niya tayo hinahanap?" tanong ni Micah sa ina.
"H-hindi ko alam Micah. Siguro dahil wala na siyang kasama ngayon sa mansion." Ani Aling Meding."Dahil namatay na rin daw ang lola mo Micah." Dugtong pa nito na napahagulhul ulit.
"P-patay na?" ani Micah na pilit itinatago ang awa sa para sa ina.
"Oo anak, patay na sabi ni Dean. Ni hindi ko man lang nakita at nayakap sa huling sandali ng kanyang buhay ang Mama. Kasalanan ko tong lahat anak." Ani Aling Meding habang pinupunasan ang mga luha sa pisngi. "W-wala ka bang sasabihin anak?" takang-tanong ni Aling Meding.
"Wala. Dahil hindi naman mababawasan ang nararamdaman ko ngayon 'nay. Magpapahinga na muna ako. Maraming salamat nga pala dahil sinabi mo 'tong lahat sa kin." ani Micah na akmang tatayo ngunit nahawakan siya ng kanyang ina.
"Anak, please magsalita ka. Sumbatan mo ako kung gusto mo. Magalit ka sa kin Micah at hindi yang ganyan na parang wala lang sayo tong lahat ng ito!" pagsusumano ni Aling Meding sa anak.
"Bakit 'nay? May magagawa ka pa ba? Yong mga panahong nasayang, maibabalik mo ba? Ayaw kitang sumbatan dahil hindi ko gustong malaman mo kung bakit ako nanghihinayang sa mga panahong itinago mo sakin lahat ito. Pero wala na tayong magagawa pa. Sige papanhik na ako dahil may trabaho pa ako mamaya." ani Micah at dumiretso na sa kwarto niya.
Naguguluhan man sa sinabi ng anak ay hinayaan nalang ni Aling Meding si Micah. Balang araw ay mapapatawad din siya nito kung bakit niya nailihim ang tunay nilang pagkatao. Sa ngayon, ang tanging nasa isip niya ay kung papano maituwud ang lahat nang nagawang pagkakamali niya para sa kanyang anak. Sa isiping iyon, agad na kinuha ni Aling Meding ang cellphone na binigay sa kanya ni Dean at pinindot ang numero ng binata.
"H-hello Dean? Gusto ko sanang sabihin na handa na ako. Handa na akong bumalik sa mansion. Ako nang bahala kay Micah. Salamat." Pagkasabi niyon ay agad na ibinaba ni Aling Meding ang telepono at pumunta na sa kusina para maghanda ng kanilang makakain. Saka na muna niya iisipin ang mga bagay-bagay kapag naayos na ni Dean ang lahat. Lahat nang paghahanda para sa pagbabalik nila.
BINABASA MO ANG
My Girl....Snatcher!!! When Love and Hate Collide
Romantik(COMPLETED) "Kahit ano pa yang nakaraan mo, kahit murderer ka pa, wala akong pakialam. Ikaw ang buhay ko Micah." "Hindi mo na kasi dapit pinilit na abutin yong bulaklak. Tingnan mo tuloy ang nangyari." dugtong pa nito at dahan dahang inilapag si...