Chapter 31

920 23 0
                                    

     "At may dalawang party pang magaganap para sa mga Chua ha? Sa Elite U at ang isa sa mansion." Naiiritang binasa ni Diego ang isang magazine na nakita niya sa mini-store ng gasoline station na iyon. Hindi naman siya galit sa mga Chua subalit nang makita na ni Don Manuel ang anak nito at apo ay kaagad din siyang sinabihan na tapos na ang kanyang serbisyo. Naalala pa niya ang tagpong iyon nang makipag-kita sa kanya si Don Manuel.

"Diego, nais ko lang ipabatid sa iyo na maraming salamat sa mga nagawa mong tulong sa akin lalong-lalo na sa paghahanap kay Medilina." Ani Don Manuel nang magkita sila ni Diego nang umagang iyon.

"Pero hindi naman ako ang nakahanap sa anak ninyo Don Manuel si Dean naman po hindi ba?" aniya sa matanda.

"Alam ko. Pero nagpapasalamat parin ako sa iyo. Teka, heto nga pala ang bayad ko sa iyo Diego." Ani Don Manuel sa kanya at iniabot ang isang cheke.

"M-maraming salamat ho nito Don Manuel." Saad naman ni Diego na bahagyang nadismaya nang mabasa ang halagang nakasulat sa cheke.

"Walang anuman. Siya nga pala.Bago pa ako magpaalam sa iyo, nais ko sanang malaman mo na maaaring ito na ang huli nating pagkikita. Huwag mo sanang mamasamain ito Diego ha, total tapos na tayo sa paghahanap kina Medilina, tapos na rin ang serbisyo mo para sa akin. Maraming salamat sa iyo." Ani Don Manuel saka tumayo at nagpaalam kay Diego.

Naiwang nakakuyom naman ang kamao ni Diego habang binabasa ang laman ng cheke.

"Dalawang milyon.Huh! Dahil sa iyo Dean, hindi ko nakuha ang limang milyong sinasabi sa akin ng matandang iyon.Kaya ngayon kailangan ko pang maghanap ng pera para sa utang ko kay Menandro!" mahina ngunit galit na saad ni Diego sa sarili.

"Ah sir, kukunin ba ninyo ang magazine na iyan? Kasi no free-reading po tayo sir eh." Untag ng isang babae na sa tantiya ni Diego ay sales lady ng mini-store na iyon.

"No. Hindi ko kukunin ito." Saad naman ng binata at padabog na ibinalik ang magazine saka dali-daling sumakay sa kanyang kotse.

Balak ni Diego nong araw na iyon ay pumunta sa San Agustin upang humingi ng palugit kay Menandro ukol sa kanyang utang.

Nong araw na kinuha si Diego ni Don Manuel para ipahanap sa kanya ang nawawala nitong anak, ay naging maluho at nalulong siya sa sugal. Malaki ang sahod sa kanya ng Don buwan-buwan kung kaya'y nakasanayan na niya ang pumunta sa isang casino upang doon magwaldas ng pera. Ang kanyang pangako sa matanda na hahanapin ang anak nito sa loob ng ilang buwan ay umabot sa halos tatlong taon. Alam niyang wala nang magbibigay sa kanya ng pera buwan-buwan kapag hinanap niya kaagad ang anak nito kung kaya'y puro pangako at leads lang ang sinasabi niya sa matanda hanggang sa nakialam na nga si Dean sa trabaho niya.At heto siya ngayon, may utang na apat na milyon kay Menandro. Kulang pa ang perang binigay sa kanya ng Don na pambayad sa kanyang utang.

Naputol sa pagmuni-muni si Diego nang tumunog ang kanyang telepono.

"Hello?" aniya sa kabilang linya."Oo naman. Meron akong dalang pera Menandro kaya huwag kang mag-alala dahil babayaran talaga kita. Papunta na ako diyan." Anito kay Menandro bago pinutol ang tawag.

Habang nasa daan papuntang San Agustin ay nakita ni Diego ang mga nagkukumpulang tao sa isang pawnshop na may karatulang "Gold Jewelry – For Sale (Marked Down Price). Hindi naman mahilig si Diego sa mga alahas maliban nalang sa mga relo kaya naisipan niyang huminto muna para tingnan narin kung merong nakadisplay sa pawnshop na iyon. Medyo luma na rin ang kanyang relo at wala naman siyang gaanong pera kung kaya't na-ingganyo din siyang pumili.

"Ah miss pawang mga mamahalin tong lahat ng to ah, bakit mark down price lahat?" tanong ni Diego sa sales lady na naroon.

"A-ano kasi, pupunta na ng Amerika ang may-ari nito kaya ibinibenta na niya ang lahat sa murang halaga." Anito sa kanya. "At halos lahat na nandito ay pawang mga nakaw lahat. Atin-atin lang yan pogi ha?" Pabulong pa na sabi nito sa kanya.

"Ah, kaya naman pala." ani Diego at nagpatuloy sa paghahanap ng nais niyang bilhin.At hindi nga siya nagkamali dahil may napili kaagad siya na isang relo.

"Ito, magkano ba to?" tanong niya sa sales lady.

"Ah iyan, 8 thousand lang yan. Teka kukunin ko muna para masukat mo." Anito sa kanya at iniabot sa kanya ang relo."Try mo pogi dahil mukhang bagay sa iyo."

Habang sinusukat ni Diego ang relo ay hindi naman nakaligtas sa mga mata niya ang isang kwentas na walang ibang kapareha.

"Miss ang ganda naman ng kwentas na iyan. Patingin nga." Aniya sa babae na kaagad namang sumunod."Maganda sana ngunit wala naman akong pagbibigyan." Aniya sa sarili.

"Nakaw rin ba ito?"pabulong na tanong niya sa tindera.

"Ai oo pogi. Ang ganda nga niyan eh, kaya lang wala namang bumibili dahil may nakaukit na pangalan.Takot sila dahil baka makita ng may-ari." Sabi ng babae habang natatawa.

Kaagad namang binasa ni Diego ang nakaukit sa kwentas.

"Lexie from D?" ani Diego na bahagyang napapaisip nang mabasa ang nakaukit sa kwentas."Imposible namang may nawawalang kwentas ang babaing iyon." Aniya sa sarili at kinuha ang kanyang cellphone para tawagan si Lexie. Agad namang sinagot ng dalaga ang kanyang tawag.

"Hello?Si Diego ito. Remember me?"ani Diegos sa kabilang linya. "Meron lang sana akong itatanong kung nanakawan ka ba ng kwentas?Paano ko nalaman?Well, I have my source. Sige tawagan nalang kita mamaya." Aniya sa dalaga at pinutol na kaagad ang tawag.

"Ah miss, alam mo ba kung saan to galing?Or sino ang nagbenta nito dito?" tanong niya sa babae.

"Sorry pogi ha pero hindi ko pwede sabihin sa iyo kung saan galing yan." Atubiling saad ng babae.

"I wil give you a tip at ipinapangako ko sayo na walang makakaalam nito. Promise." Seryosong saad ni Diego at naglabas ng pera na pilit na iniabot sa babae.

Nagpalingi-lingi pa ang babae saka mabilis na nagsulat ng pangalan at address at ibinigay sa kanya."Yan yong kompletong detalye sa taong nagbibenta po ng mga nakaw na alahas sa amin." At pagkasabi niyon ay tinalikuran na agad si Diego.

Matapos makuha ni Diego ang lahat ng impormasyong mula sa bababe ay agad niyang hinanap ang taong nagbibenta ng mga nakaw na gamit. Hindi naman nahirapan si Diego sa pagtunton ng lugar kung saan ito nakatira.

At dahil nasilaw sa malaking halaga ang taong pinuntahan ni Diego, agad namang itong nagsalita at doon niya nalaman ang isang malaking rebelasyon.

"Lexie, I have an important thing to tell you. But it's too expensive for you to have it. You still want it? Let's see if kaya mo ang presyo ko." At kaagad na pinutol ni Diego ang tawag kay Lexie habang papalayo sa lugar na iyon wearing a wide-wicked smile. Kung pera lang ang pag-uusapan, siguradong madami noon si Lexie at alam niyang magagamit din niya ang perang iyon pambayad kay Menandro at matatapos na rin ang problema niya.

My Girl....Snatcher!!! When Love and Hate CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon