Malakas ang kaba ng dibdib ni Micah habang naglalakad patungo sa altar. Kahit kinakabahan ay hindi parin nawawala ang mga ngiti sa labi ng dalaga habang ang kanyang mga mata ay nakatuon naman sa binatang nasa altar na naghihintay sa kanya. Dumating na nga ang araw na pinakahihintay ng lahat. Ang araw nang pag-iisang dibdib nina Micah at Dean.
"You're so beautiful Micah. My soon to be wife." ani Dean nang nasa tabi na niya si Micah.
"S-salamat." nahihiyang saad naman ni Micah kay Dean.
"You're blushing again." natatawang sabi Dean sa dalaga.
Nang nasa puwesto na ang dalawa ay inumpisahan na ng pari ang seremonyas ng kanilang kasal. Hanggang sa matapos ito ng walang kahit na anong aberya.
"I now pronounce you as husband and wife." saad ng pari sa kanila. "You may now kiss the bride." pagtatapos nito.
Naiilang man si Micah sa mga taong nakatingin sa kanila, mas pinili parin ng dalaga na tugunin ang halik ni Dean.
"At last, you're now my wife." masayang bulong ni Dean sa dalaga."Hinding-hindi kana makakawala sa akin Micah."
"Hindi ko naman nanaising umalis sa piling mo Dean. Kaya iyong-iyo ako." sagot naman ni Micah kay Dean na may ngiti sa labi.
Naging abala ang dalawa mula sa simbahan papuntang reception area. Hindi naman magkamayaw ang mga taong gustong bumati sa kanila lalong-lalo na ang mga pamilya nila.
"Deandre hijo, congratulations ulit sa inyo!" ani Don Fabio nang makalapit na ito sa mga bagong kasal."So kelan niyo ba kami bibigyan ni Manuel ng mga apo namin sa tuhod." dugtong na saad nito sa binata.
"Naku 'lo as soon as possible po. Hindi ba babe?" ani Dean bago gawaran nang halik ang namumulang si Micah.
"Dapat lang dahil maikli nalang ang buhay na meron kami ni Fabio." ani naman ni Don Manuel na noon ay nakalapit na rin sa kanila."Congratulations hija. Sa inyo ni Dean."
"Salamat po lolo." ang tanging nasabi ni Micah sa matanda.
"By the way apo, heto kunin mo." ani Don Manuel kay Micah at iniabot ang isang puting sobre."Buksan ninyo."nakangitinng utos nito kina Dean at Micah.
"'Lo, honeymoon trip po?" takang Micah kay Don Manuel.
"Oo. Naisipan namin ni Fabio na diyan kayo sa Casa Madrian maghoneymoon. Siyanga pala ready na yong chopper na maghahatid sa inyo doon." anito sa kanila.
"Tito Manuel, thanks so much for this. Wala pa kasi kaming naisip ni Micah kung saan kami pupunta and this really help us a lot." ani Dean kay Don Manuel.
"It's nothing Dean. Para naman talaga sa inyo 'yan." masayang saad nito sa binata. "At saka bago ko makalimutan, simula ngayon Lolo narin ang itawag mo sa akin." dugtong pa nito sa binata.
"At ganun karin sa akin Micah." sambit naman ni Don Fabio kay Micah.
"Opo." panabay na saad nina Dean at Micah sa dalawang matanda.
"Bueno, aalis na muna kami lolo at kailangan pa naming gumawa ng maraming babies." kapagdaka ay pagbibirong pamamaalam ni Dean.
"Dean, ikaw talaga!" nahihiyang saad ni Micah kay Dean sabay pagsiko niya sa tagiliran ng binata.
Natatawa namang naiwan ang dalawang matanda habang tinatanaw ang papalayong mga bagong kasal.
"Babe, are you ready for our honeymoon?" bulong ni Dean nang nasa loob na sila ng chopper.
Nang walang makapang sagot mula kay Micah ay hinawakan niya ang kamay ng dalaga.
"I think you're nervous." panunukso niya sa dalaga.
"Alam mo namang wala akong alam sa mga bagay na naiisip mo ngayon Dean." nahihiyang pag-amin ni Micah sa binata.
"That's okay babe." aniya sa dalaga habang hinahalikan ang kaliwang tenga ng dalaga.
"Dean, baka nakalimutan mong wala pa tayo sa Casa Madrian." ani Micah sa binata.
"I can't get off you kasi. Pero sige na nga, maghihintay nalang ako." aniya sa dalaga."Lagot ka sa akin mamaya." dugtong na panunukso ni Dean kay Micah.
Matapos ang tatlong buwan simula noong nangyari sa Elite U at mapatalsik si Lexie sa paaralan ay naging normal na ulit ang buhay ni Micah. Hindi man maiwasan na ituring siyang importante at iba sa mga estudyante, wala namang magagawa pa ang dalaga dahil alam na ng mga tao na siya ang apo ng may-ari ng Elite U.
Dahil sa mga nangyari sa kanya sa Elite U at nadiskubre ng mga tao ang tunay na naging buhay niya noon, naging mas matatag ang dalaga at nawala na rin ang bigat na dinadala niya sa dibdib nang mahabang panahon. Nagpapasalamat parin siya dahil natanggap at naintindihan siya ng kanyang pamilya.
At ngayon na ikinasal na siya kay Dean ay wala nang mahihiling pa ang dalaga kundi ang ipagpasalamat sa Maykapal ang buhay na tinatamasa niya ngayon. Ang boung akala niyang habang-buhay na siyang magiging isang snatcher ay napalitan nang panibagong pag-asa't mga plano para sa sarili at sa magiging pamilya niya.
- THE END -
Author's Note:
Hello guys! Eto lang talaga ang nakayanan ko sa epilogue at sana nagustuhan ninyo! :) Maraming salamat sa lahat ng mga bumoto. Maraming salamat talaga! God bless us all :)
Please also read Tammara : As the Instant Wife. It's complete as well. Enjoy reading guys... :)
BINABASA MO ANG
My Girl....Snatcher!!! When Love and Hate Collide
عاطفية(COMPLETED) "Kahit ano pa yang nakaraan mo, kahit murderer ka pa, wala akong pakialam. Ikaw ang buhay ko Micah." "Hindi mo na kasi dapit pinilit na abutin yong bulaklak. Tingnan mo tuloy ang nangyari." dugtong pa nito at dahan dahang inilapag si...