"Hijo! How was your date yesterday?" tanong agad ni Don Fabio sa apo nang magkita sila sa mansion kinaumagahan.
"It was amazing 'lo." Ani Dean na mababanaag ang mga ngiti sa labi.
"Really? I guess everything is amazing when it comes to dating your women." May panunukso pang sabi ng Don."So, what's the progress of your task? Kelan ba natin makukuha yong pamilya ni Manuel para naman makita ko nang masigla ulit ang Tito Manuel mo hijo." May lungkot na sabi ni Don Fabio sa apo.
"Lo, I'm working on it as of now. Pero wala pa akong proof kung sila nga ba ang hinahanap natin.Matagal na panahon na ring naglayas ang anak ni Tito at ang tanging picture meron tayo sa kanya ay itong luma niyang litrato na dalaga pa siya. Kailangan ko pa ng mas matibay na pruweba lo." Seryosong tugon ni Dean.
"Pero akala ko ba sila na iyon Dean? Na ang babaing nakausap mo noon ay siyang anak ni Manuel?" naguguluhang tanong ng Don.
"Oo nga po 'lo. Pero hindi ko pa napatunayan na siya nga ang anak ni Don Manuel. Malakas lang ang kutob ko dahilan narin sa mga ipinapakita niya sa akin. Sa katunayan nga, kagabi ay pinagtatabuyan niya ako palabas." Mahabang saad ni Dean sa Don.
"Kung hindi tayo nagkakamali sa kanya hijo, malamang na si Medilina nga iyon dahil talagang matigas ang kalooban ng batang iyon hijo.Teka nga apo, ano ba talagang plano mo para mapadali itong lahat?" maya't mayay tanong ng Don kay Dean.
"Hindi ko pa alam lo, pero sa ngayon ay gusto kong malaman kung sila ba talaga ang hinahanap natin." Pag-amin ni Dean sa Don.
"Ganoon ba.Bueno, tayo na sa loob dahil kanina ka pa hinihintay ng mama mo." Ani Don Fabio,
"Bakit naman po ako hinihintay ni mama." Si Dean habang nagtataka.
"Deandre, anak! Nariyan ka na pala. Happy birthday my son." Ani Isabel sabay halik sa pisngi ng anak.
"Ma, hinihintay po ninyo ako?"
"Yes. Meron tayong kaunting salu-salo ngayong gabi for your birthday! And I invited some of your close friends, relatives natin at of course ang Tito Manuel mo." Mahabang sagot ng Mama ni Dean.
"Pero ma, there's no need for a celebration. Hindi na-."
"No! I already advice our chef to cook for tonight.Kaya ngayon pa lang mag-ayos kana ng sarili mo okay?" anito kay Dean.
"Speaking of close friends,please don't invite Lexie." saad niya sa kanyang ina.
"Bakit naman? Wala na kayo? Sayang, maganda pa naman ang batang iyon. Pero sige, I won't invite her." pagkasabi niyon ay agad itong tumalikod sa kanila ng Lolo niya.
"Ang mama mo talaga, hindi na nagbago. So, are you ready for tonight hijo? Take note, pupunta sina Manuel dito."
"As if I had a choice. Kahit na ayoko wala naman akong magagawa." Napabuntong-hiningang saad ng binata.
Ganyan ang mama Isabel ni Dean. When it comes to his birthday, sasabihin nito na kaunting salu-salo lang ang magaganap but that's always the opposite. His mother loves to hold parties dahil gusto nitong ipakita kung gaano katatag ang relasyon ng kanilang pamilya. Most of her colleagues have broken families. Sa antas ng buhay nila Dean, sila yung pamilya na masasabing 'pamilyang-pinoy'. Their family is always featured in magazines as the brightest, toughest and strongest ones. Ika nga 'one for all, all for one."
Punong-puno ng panauhin ang mansion ng mga Sandoval ng gabing iyon. Pawang mga kilalang tao ang nandon at mga malalapit na kapamilya. Sa kabila ng kasayahan ng gabi at selebrasyon na hinanda para kay Dean ay tila naman hindi masaya ang binata. Sa halip ay balisa pa siya na hindi niya maintidihan kung bakit. Ang tanging nasa isip niya ng gabing iyon ay masilayan ang mga ngiti ni Micah. 'Mahalikan ang mapupula nitong mga labi. Mayakap nang mahigpit at-'. Naputol ang imahinasyon ni Dean nang masagi siya ng isang lalaki.
"Dean." Matipid na sabi ng lalaki.
"Oh-ikaw pala Diego." Ani Dean.
"Nakita kita mula rito na tila ba hindi mapakali at wala sa sarili kaya pinuntahan kita. Siyanga pala happy birthday." Ani Diego na pilit ang ngiti sa mga labi.
"Salamat Diego." Matipid na tugon ni Dean. Ramdan niya na may iba pang pakay si Diego kung bakit ito lumapit sa kanya.
"Sa pagkakaalam ko'y nagtanong ka daw kay Miguel ukol sa status ng paghahanap namin sa nawawalang anak ni Don Manuel." Kapagdaka ay seryosong tanong nito sa binata.
"Ah yon ba, wala 'yon.Nakita ko kasi nung nakaraang linggo si Miguel so tinanong ko na rin. You know how close I am to Tito Manuel." Saad ni Dean sabay titig sa kausap.
"Does that mean, you're questioning my work as well Dean?" madiing tanong ni Diego kay Dean.
"Huh?Of course not!Why would I question your work? Sa isip mo lang yan Diego. Or baka naman meron talagang dapat na ikuwestiyon sa iyo."ani Dean na ramdam na ang tension sa pagitan nilang dalawa.
"Gusto ko lang kasing malaman mo na ginagawa namin ang lahat para mahanap ang nawawalang anak ng Don. So maaari lamang ay huwag ka nang makialam pa Dean." Ani Diego na tinitigan ng mabuti si Dean.
"You know what Diego?Wala naman akong pakialam kong ginagawa mong mabuti o hindi ang trabaho mo. So huwag mo akong pagsasabihan ng ganyan dahil hindi mo magugustuhan na maging kaaway ako." May hamong saad ni Dean sa kaharap. Dahil sa wala ng maisagot pa si Diego ay minabuti nitong umalis nalang sa harapan ni Dean.Ngunit bago pa ito makaalis ay may pahabol pa si Dean. "Dapat lang naman na gawin mong mabuti ang trabaho mo dahil sinusuhulan ka para diyan."
Hindi maintidihan ni Dean kung bakit ganun ang pakikitungo sa kanya ni Diego. Sa pagkakaalam niya ay halos tatlong taon ng naghahanap sila Diego ukol sa nawawalang anak ng Don Manuel niya subalit hanggang ngayon ay wala parin itong nakikita. 'Sa loob ng panahong iyon, ano nga ba ang ginagawa mo Diego?' ani Dean sa sarili.
"Hijo are you alright?" napapitlag si Dean ng marinig ang nagsalita mula sa kanyang likuran."Birthday mo ngayon pero nakakunot naman ang noo mo." Dugtong pa nito sa binata.
"Don Manuel, kayo po pala." Ani Dean at sabik na niyakap ang matanda."Kumusta na po kayo?" kapagdaka ay tanong niya dito.
"Heto, buhay parin." Pabirong saad ni Don Manuel."Ikaw kumusta ka na ba?Kelan ka pa mag-aasawa ha?" panunudyong tanong nito sa kanya.
"Naku, kayo ho talaga. Pero soon po Don. Teka, kumusta na nga ba ang paghahanap ninyo sa anak ninyo? Wala parin bang lead?" pagmaang-maangang tanong ni Dean.
"Wala pa rin Dean. Ewan ko ba kung bakit hanggang ngayon ay wala paring nakikita sila Diego. Halos apat na taon ding namayapa si Mariline at halos tatlong taon na akong naghihintay sa anak ko." Anito sa malungkot na boses."Sadyang mapaglaro yata ang tadhana hijo. Kasalanan ko rin naman kung bakit hindi pa nagpapakita at nahahanap si Medilina." Dugtong pa nito.
"Don Manuel, huwag ho kayong mawalan ng pag-asa. Makikita rin natin ang anak ninyo." Ani Dean sa matanda.
"Sana nga Dean." Ani Don Manuel.
"Kumpadre! Narito ka lang pala." Pasigaw na saad ni Don Fabio habang papalit sa kinaroroonan nila ni Dean.
"Oo Kumpadre!Nag-uusap lang kami nitong apo natin. Sabi ko sa kanya eh mag-asawa niya." Ani Don Manuel at napatawa.
"Iyan nga ang sinasabi ko riyan kay Deandre Manuel ngunit wala pa yatang nakikitang mapapangasawa iyan eh." Natatawa ring saad ni Don Fabio.
"Darating din tayo diyan Lo." Ani Dean na napapailing nalang.
"Bueno Dean, Kumpadre, mauna na muna ako sa inyo at lumalalim narin ang gabi. Ipapahinga ko na itong katawan kong madaling napapagod." Pagbibirong saad ni Don Manuel.
"Ikaw talaga Manuel. Siya sige, mag-iingat ka okay? Siyanga pala, bibisitahin nalang kita sa susunod na mga araw." Ani Don Fabio.
"Okay Fabio, hihintayin kita at nang makapagkwentuhan naman tayo. Sige mauna na kami sa inyo." Ani Don Manuel at naglakad palabas ng mansion kaagapay ang personal nurse nito."Dean maraming salamat ulit sa imbetasyon mo." Anito bago tumalikod at lumabas ng mansion.
BINABASA MO ANG
My Girl....Snatcher!!! When Love and Hate Collide
Romance(COMPLETED) "Kahit ano pa yang nakaraan mo, kahit murderer ka pa, wala akong pakialam. Ikaw ang buhay ko Micah." "Hindi mo na kasi dapit pinilit na abutin yong bulaklak. Tingnan mo tuloy ang nangyari." dugtong pa nito at dahan dahang inilapag si...