Chapter 12

1K 32 0
                                    

       'Maagang nagising si Micah ng araw na iyon dahil sa tindi nang ingay na narinig niya mula sa labas. Mga ilang araw naring nakalabas ang dalaga mula sa ospital. Malaki rin ang naging bill nila subalit nabayaran na lahat iyon ng kanyang magaling na savior – si Dean na hindi na niya nakita simula nong araw na nagising siya. Nakatapis lang ng tuwalya si Micah nang lumabas sa kwarto para maligo nang mahagip ng kanyang mga mata ang isang taong nakatalikod at nakatayo sa may sala. Kumabog bigla ang kanyang dibdib dahil kilala niya ang taong iyon. 'Ano na naman kaya ang ginagawa ng lalaking iyan dito?!' galit na tanong ni Micah sa sarili. Naputol pa ang iba niyang iniisip nang biglang lumingon sa kanya ang lalaki. 'Shit!' aniya at nagtago agad sa isang kabinet na malapit sa kanya. 'Patay!' aniya habang tinitingnan ang suot niya ngayon 'nakatuwalya lang ako!'.

"Alam kong nandiyan ka lang Micah. Puwede ba tayong mag-usap kahit saglit lang?" narinig ni Micah na sabi ni Dean. Ramdam ng dalaga na papunta sa kinaroroonan niya ang binata. Mukhang nakita siya nito nang mapalingon ito sa gawi niya kanina sa pag-aakalang parang may nakamasid sa kanya.

"Please naman oh. Magpapaliwanag sana ako sayo sa mga bagay kung saan naguguluhan ka." dugtong pa ng binata na palapit nang palapit sa dalaga. "P-pwede bang magpakita ka sa akin at mag-usap tayo nang masinsinan?" pagsusumamo parin nito. Alam ni Micah na nakita ni Dean ang anino niya kung kaya'y huminto ito sa paglapit sa kanya.

"I know I've done something wrong to you. Pero nagkataon lang na ako ang isa sa mga taong naghahanap sa inyo ng inay mo. You see, matagal na kayong hinahanap ng lolo ko. " ani Dean sa kanya. "And I guess it's a good thing kung mag-usap tayo nang hindi ganito. I-I mean nang nakikita kita." mahabang paliwanag ni Dean. Sa kabila ng pagsusumano ng binata, hindi parin lumabas si Micah sa pinagtataguan niya.

"Huwag kang lalapit dito kung ayaw mong masaktan!" babala ni Micah nang naramdaman niyang papalapit ulit sa kanya si Dean.

"O-okay I won't go there but please lumabas ka naman sa pinagtataguan mo 'coz I want to talk to you." ani Dean na palakad-lakad sa kusina.

"Puwede ba!'Wag mo akong Inglisin! At umalis ka dito dahil ayaw kitang makausap!" galit na sagot niya sa lalaki.

"Micah, just give me this time. I need to explain everything you need to know. Please? Gusto ko lang talaga maipaliwanag sa 'yo lahat at kung bakit ko nagawang magsinungaling sayo." pahayag ni Dean sa dalaga.

"Kung kakausapin kita ngayon maipapangako mo ba na hindi mo na ako gagambalain pa?" tanong niya sa binata.

"If that's what you want. Yes, I promise." mahinang tugon ni Dean kay Micah.

"Okay sige. Tumalikod ka at lalabas ako. Wag kana magtanong kung bakit!" ani Micah.

"O-okay. Just tell me kung nakalabas kana dahil nakatalikod na ako." aniya sa dalaga.

Matapos ang ilang segundo ay nagtanong ulit si Dean sa dalaga. "Okay na ba kung haharap na ako sa yo?" mahinang tanong ni Dean. Nang walang sumasagot ay humarap siya para lang mabigla sa nakita. "A-anong ginagawa mo diyan at-".

"Ano ba? Bakit ka humarap?! " galit na tanong ni Micah sa binata habang namumula ang pisngi. "Tumalikod ka ngayon din!" utos niya rito.

Hindi alam ni Dean kung susundin ba ang dalaga o tutulungan ito. Nang humarap siya hindi niya alam na sumabit pala ang tuwalyang gamit ni Micah sa isang pako na nasa likuran ng kabinet na pinagtataguan nito. At dahil sa kakalikot ng dalaga ay napunit ng kaunti ang tuwalya na hindi parin ito natatanggal. Nasa ganoong sitwasyon ang dalaga nang humarap siya dito. Hindi naman maiwasan ng binata ang mapatitig sa kutis ng dalaga na nakalantad na sa harapan ni Dean habang pilit nitong kinukuha ang nakasabit na tuwalya.

"Ano ba?! Aalis ka ba o hindi? Kapag hindi ka aa-" naputol ang sasabihin ni Micah nang biglang natanggal ang tuwalya na siyang dahilan upang mawalan nang balanse ang dalaga. Dahil sa nangyari, napahiga ito sa sahig habang ang tuwalya na kanina'y hawak-hawak nito ay nalaglag sa may paanan niya. Nasaksihan iyon lahat ni Dean na kung saan tumambad sa harapan niya ang hubad na katawan ni Micah.

"Hindi ka ba tinuruan nang magandang asal at nakatitig ka pa sa katawan ko?! Manyak ka talaga ano?!" galit na sigaw ni Micah habang nagmamadaling kinuha ang tuwalya at itinakip sa kanyang katawan. Hindi pa man nakasagot ang binata ay sampal na ang umabot sa mukha nito. "Yan! Kulang pa yan sa mga taong kagaya mo!" galit na bulyaw ng dalaga at nagmamadaling pumasok sa kanyang kwarto.

"M-Micah wait! Hindi ko naman sinasad-" ani Dean na hindi natapos ang sasabihin dahil wala na ang dalaga sa harapan niya. 'Shit! Bakit ba kasi hindi ko siya tinulungan agad. Pero sino ba naman ang hindi mabibigla sa mga nangyari.' saad ni Dean sa sarili.

Naghintay pa ng ilang oras si Dean bago nakapagdesisyon na umuwi na muna sa mansion. Alam niyang hindi na siya kakausapin pa ni Micah dahil sa nangyari. Akmang aalis na sana si Dean nang marining niya ang mga yapak sa hagdanan. Mula sa ilang palapag nito ay nakita niya si Micah na dahan-dahang pumanaog.

"Nandiyan ka pa pala? Ang kapal din naman ng mukha mo noh?" galit pa ring sabi ni Micah kay Dean na namumula ang mukha habang papalapit sa binata.

"Oh! Easy there lady. You know naman hindi ko sinasadya iyon so I am so sorry. Nandito pa ako dahil gusto kitang makausap nang masinsinan Micah." mahinahong sabi ni Dean kay Micah.

"Aalis pa ako kaya wala akong panahong makipag-usap sayo! Isa pa si inay ang magpapaliwanag sa akin at hindi ikaw!" ani Micah sa lalaki.

"Ganyan ka ba katigas Micah? Kaunting oras lang naman ang hinihingi ko sayo. I know nasaktan kita pero hindi naman yata mabuti itong ginagawa mo sa kin." seryosong saad ni Dean.

"Bakit? Sinabi ko bang kailangan ko ang paliwanag mo? Wag kang mag-alala dahil simula ngayon itinuturing ko nang hindi tayo nagkakilala.At puwede ba, wag kana bumalik dito? Problema namin ito ng inay ko at hindi sayo!" ani Micah na may diin sa huling mga sinabi nito.

"Okay! I will leave you alone now! Masaya ka na? Pero bago ako umalis, paparusahan muna kita. Isang parusang alam kong hinding-hindi mo malilimutan!" ani Dean. At bago pa makahuma si Micah ay sumayad na ang mga labi ni Dean sa labi ng dalaga.

Mainit, marupok at maparusa ang halik na iyon ng binata. Nagpupumiglas man ang dalaga sa ginawa ni Dean ngunit masyadong malakas ang binata kompara sa dalaga. Unti-unti na ring nadudurog ang pundasyon ni Micah sa sarili. Tumagal ng ilang segundo ang halik na iyon na gumising sa katauhan ni Micah bilang isang babae.

Hanggang sa hindi niya namalayan na humiwalay na pala ang mga labi ng binata at iniwan siya nito sa ere.

"Masarap ba Micah? Ako ang iyong unang halik hindi ba? Ako rin ang huling taong hahalik sayo tandaan mo yan!" pagkasabi niyon ay umalis ang binata at padabog na isinara ang pinto. Naiwang nakatigalgal sa kinatatayuan si Micah at napahawak sa kanyang mga labi. Inaamin niya sa sarili na nagustuhan niya ang halik ng binata kahit masakit iyon. Dinig na dinig pa niya ang malakas na kabog ng kanyang dibdib. 'Hindi maaari ito. Hindi ka maaaring mahulog sa walang hiyang taong iyon!' aniya sa sarili. 'Kahit masarap ang unang karanasan mo sa halik?' aniya naman sa isang bahagi ng utak niya.

Hindi na nagtuloy pa ang dalaga sa pupuntahan niya nong araw na iyon dahil sa nangyari sa kanila ni Dean. Hihintayin nalang niya ang kanyang ina para sa mga katanungan niyang matagal na niyang gustong malaman. Saka nalang niya aalalahanin ang lahat tungkol sa kanila ni Dean kapag tapos na ang lahat ng mga kaguluhang nangyayari sa buhay niya ngayon. Hindi pa niya alam ang mga susunod na pangyayari at mga pagbabago sa kanilang buhay. Pero batid ni Micah na magkakatagpo parin sila ng binata.

My Girl....Snatcher!!! When Love and Hate CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon