Chapter 16

991 33 1
                                    

       "Nay saan po tayo pupunta ngayon?" takang tanong ni Micah sa kanyang ina.

"Di ba sabi ko sa 'yo tutulungan kita para sa darating na party anak? Kaya ngayong araw, madami tayong pupuntahan at gagawin. Teka, nasaan na ba si Boyet?" ani Aling Meding sa anak habang abala sa paghahanda ng almusal nila.

"Nandito na po ako 'nay." ani Boyet na pasalampak na umupo sa tabi ng kapatid. "Nay, sasama ho ba ako sa inyo?" dugtong na tanong niya sa ina.

"Abay siyempre naman. Kung saan kami ng ate Micah mo, dapat nandon ka din." Masayang saad ni Aling Meding kay Boyet.

"Mukhang nag-eemote na naman itong matabang ito oh! Ano bang sinabi ko sa iyo noon ha? Na kapamilya kana namin at ikaw ang bunsong anak ni nanay at kapatid ko. Okay?" ani Micah kay Boyet habang hawak parin sa pisngi ang kapatid.

"Siya sige na, kain na kayo dahil may naghihintay sa atin sa labas. Marami pa tayong pupuntahan." ani Aling Meding na nag-umpisa nang kumain. "Driver lang ang naghihintay sa atin. Pinapunta dito ni Dean para hindi na tayo mahihirapan." dugtong niya nang makita ang reaksiyon ni Micah.

Unang pinuntahan ng mag-iina ang The Royals kung saan tinuruan si Micah kung papano maglakad ng maayos at maging mahinhin, ang tamang pagdadala ng kasuotan at feet accessories, at kung paano makipaghalubilo sa mga mayayaman.

Isa ang The Royals na kalimitang pinupuntahan ng mga taong gustong matuto kung ano ang buhay mayaman lalong lalo na sa mga taong nakakapag-asawa ng matataas na estado sa buhay. Dinadayo rin ito ng mga artista kung saan sumasailalim sila sa iba't ibang trainings para sa kanilang karakter na gaganapin sa pelikula at telebisyon.

Habang minamasdan ni Aling Meding ang anak na tinuturuan ng isa sa mga crews ng The Royals, hindi naman maikukubli sa kanyang mukha ang pait at sakit na nararamdaman para kay Micah. Mahigit dalawang oras ding tinuruan si Micah at mag-aalas dies na ng umaga nang lumabas sila. Hindi man makuha lahat ng dalaga ang naituro dito ay alam ni Alind Meding na kaya na nitong dalhin ang sarili.

"Mam, ang next na pupuntahan natin ay sa Pampered Cosmetics. Kung handa na po kayo ay aalis na po tayo." saad ng driver nila nang makapasok na sila sa kotse.

"Sige diretso na tayo doon." ani Aling Meding.

"Masakit pala sa paa ang ganoong sapatos 'nay. Nakakangalay pa sa binti." ani Micah habang hilot-hilot nito ang namumulang paa.

"Masasanay ka rin anak." nakangiting tugon ng ina sa kanya.

"Nay ano po yong Cosmetics na yon 'nay?" kapagdaka ay tanong niya sa ina.

"Ah, yon ba anak. Ang Pampered Cosmetics ay isa sa mga sikat na pinupuntahan ng mga kilalang tao. Doon sila nagpapamake-up kapag may importante silang dadaluhan na okasyon. Pupunta tayo doon para unti-unting masanay ang mukha mo sa mga cosmetics anak." mahabang paliwanag ni Aling Meding sa anak.

"Ganon po ba. Kailangan ba talaga iyon?" mahinang tanong niya sa ina.

"Oo Micah. Kailangan iyon para maging presentable tayo sa darating na salu-salo."

Wala pang kalahating oras ay narating na rin nila ang sinasabing Pampered Cosmetics. Pumanaog ang tatlo at pumasok sa loob. Agad naman silang sinalubong ng mababait na staff at hindi na nagdalawang-isip na simulan ang pagmamake-up ng dalawa.

My Girl....Snatcher!!! When Love and Hate CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon