Chapter 24

954 29 0
                                    

"Ganun ba Dr. Muera. That's okay I'll have our secretary iron things out including my grand daughter's schedule of classes. Thank you and have a great day!" at ibinaba na ni Don Manuel ang telepono.

"So anong balita papa? Lahat ba ng subjects ni Micah ay pawang special classes?" bungad-tanong agad ni Aling Meding sa ama.

"No anak, meron siyang dalawang minor subjects where she needs to attend with other students. Hindi kasi macater ng teachers na lahat ay special class for Micah. Okay lang ba iyon sa yo apo?" nakangiting tanong ng matanda kay Micah.

"O-oo naman ho. Wala namang problema sa akin 'yon." maikling tugon ni Micah.

"Kung ganun eh we will just wait for the first day of school and that would be two weeks from now. By that time, madedeliver na ng school ang schedule of classes mo as well as kay Boyet." ani Don Manuel na nakatingin kay Micah.

"Okay po 'lo." ani Micah.

"Oh bakit parang hindi ka masaya apo?" tanong ni Don Manuel nang mapansin ang maiikling tugon ni Micah.

"Naku masaya po ako 'lo kaya lang medyo kinakabahan din kasi nalalapit na ang pasukan at hindi ako sanay na pawang mayayaman ang makakasalamuha ko. Para kasing hindi ako nararapat sa buhay na ito na-". naputol ang iba pang sasabihin ni Micah ng magsalita si Don Manuel.

"Micah, don't you ever put yourself down hija. All these things might be new to you pero Micah before the day that you came back with your mother, isa ka nang Chua. At ang dugong dumadaloy sa iyo ay dugong Chua. So whether you like it or not, lahat ng nakikita mo't nahahawakan ay sayo - magiging sa inyo ng mama mo. At lahat ng taong makakasalamuha mo mahirap man o mayaman, ay walang karapatang husgahan ka sa kung anong buhay meron ka - sa kung anong uri ng buhay ang nakagisnan mo. Dahil apo, ang importante ay ang ngayon. So stop worrying on things na hindi na dapat pinuproblema. Instead, lets keep up with the lost time and be merry for the upcoming days, months and years together. Maaari ba 'yon apo ko?" mahabang paliwanag ng Don kay Micah.

"O-opo 'lo. Promise pipilitin ko na pong hindi mag-alala." ani Micah at niyakap ang matanda.

"Ah excuse po mam Micah, may nagpadeliver po nito - para sa inyo po daw." aniya ng isang babaing kawaksi sa mansion.

"Oh flowers, sino kayang nagbigay sa iyo niyan anak." panunudyo ni Aling Meding kay Micah.

Kinuha naman agad ng dalaga ang isang malaking boquet ng tulips mula sa kawaksi at agad binasa ang nakasulat. 'I know you're the one who called. See yah.' Biglang nag-uunahan sa pagtalon ang dibdib ng dalaga sa maikling mensahing iyon. Alam niyang si Dean ang nagpadala ng mga bulaklak sa kanya pero hindi niya alam kung kelan ito pupunta sa mansion.

"Ehem! Mukhang nawala kana sa lupa 'nak ah! Sino ba ang ngpadala niyan?" usisa ulit ni Aling Meding na nakangiti.

"Ah wala po 'nay, si Dean lang nangungumusta." mahinang tugon ni Micah sa ina.

"Ah, si Dean pala. Nanliligaw na ba 'yon sayo anak?" tanong uli ni Aling Meding.

"Naku hindi po-".

"Mabuti naman apo ko dahil bata ka pa para sa mga ganyang bagay.Pero dalaga ka apo at maganda pa. You're free to choose a man of your life." putol ni Don Manuel sa sasabihin ni Micah na siya namang ikinagulat ng mag-ina.

Alam ni Micah na strikto si Don Manuel simula pa noon sa kanyang ina subalit hindi niya aakalain na nag-iba na ito ng pananaw sa buhay ngayon.

"Siya sige magpapahinga na muna ako." ani Don Manuel at pumanhik na patungo sa kwarto nito. Naiwan naman ang mag-ina na nagkatinginan at nakangiti sa isa't isa.

"Pasok nalang po muna ako sa kwarto nay at ilalagay ko ito sa flower vase.Medyo lanta na kasi ang mga bulaklak doon eh." at tinalikuran ang ina bago pa ito nakasagot.

My Girl....Snatcher!!! When Love and Hate CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon