"Nay! Ang laki-laki nitong bahay ninyo!" excited na sabi ni Boyet nang umuwi sila ng gabing iyon sa mansion ng mga Chua. Napilitan na ring sumama si Micah dahil sa hiling ng kanyang lolo at isa pa, medyo napagod siya sa mga nangyari sa kanya ngayong araw. Lalong lalo na ang mga tagpo nila ni Dean.
"Apo ko, maraming salamat dahil sumama ka sa amin dito sa mansion. Siyanga pala doon na muna kayo sa guest rooms matulog ngayon dahil ipapalinis ko pa ang kwarto ninyo bukas." ani Don Manuel sa kanila.
"Sige po papa. Mabuti pa siguro ay magpahinga na rin ho kayo." ani Aling Meding sa matanda. Nang hindi parin ito natinag sa kinatatayuan ay tinanong niya ito. "B-bakit ho papa?" nag-aalalang tanong ng anak.
"Wala naman hija. Masaya lang ako dahil nandito kayo ng apo ko. Siya sige magpahinga na kayo." at tinungo na nito ang kwarto na sinundan naman ng personal nurse nito.
"Magpahinga na tayo 'nak? Bukas eh maaga akong pupunta sa San Martin para kunin ang mga gamit natin doon. Meron nga palang mga damit sa loob ng kwarto kung gusto mong magbihis. Kumpleto iyon. Pinahanda na kasi lahat ni papa bago tayo pumuta dito." ani Aling Meding habang naglalakad sila patungo sa guest rooms. Batid ni Aling Meding na galit sa kanya ang anak dahil kanina pa ito walang imik.
"Dito kami matutulog ni Boyet sa kabila Micah at ikaw naman diyan sa isa. Magpahinga ka na ha? Alam kong pagod ka ngayong gabi." ani Aling Meding at pumasok na sa loob ng kwarto nila.
Naiwan si Micah na ilang segundo ring nakatayo sa labas ng kwarto na tutulugan niya. Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at napamangha siya nang makita ang loob ng guest room na iyon. 'Ang laki naman ng kwartong ito. Daig pa 'yong kwarto ko sa San Martin.' aniya sa sarili. Pumunta siya sa gitna kung saan nandoon ang isang king sized bed at nilibot ang boung kwarto.
Bago siya humiga ay tinungo na muna niya ang banyo para makapagligo. Mas namangha siya sa laki ng banyo na naroon. 'Mas malaki parin ito sa kwarto ko kung tutuusin. Ang dami namang gripo dito.' himutok niya sa sarili.
Mabilis na natapos nang paliligo ang dalaga at agad na nagbihis matapos makakita ng isang night gown sa loob ng cabinet. Nakahiga na si Micah ngunit hindi parin siya dinadalaw ng antok dahil sa dami ng kanyang iniisip. Kasama na roon ang kung papano mabuhay bilang isang Chua at saan siya magsisimula. Makalipas ang halos isang oras ay unti-unti nang bumibigat ang talukap ng dalaga hanggang sa makatulog na nga siya.
Sikat na ang araw nang magising si Micah. Unat-unat na kumilos ang dalaga hanggang sa may masagi siya sa may tagiliran niya. Dahan-dahang tiningnan ni Micah kung ano ang nasagi niya at nanlaki kanyang mga mata. 'Totoo ba itong nakikita ko? Pero papano?' aniya sa sarili na napatutop sa bibig. Si Dean nasa tabi niya at ang isang kamay nito ay nakayakap sa kanya!
"Ahh!! Anong ginagawa mo dito? Manyak ka talaga!" tili ni Micah at pinagsusuntok si Dean na nagulat at napabalikwas dahil sa ginawa niya.
"A-aray ko! Teka nga muna!?" ani Dean na nahawakan ang mga kamay ng dalaga at dinaganan ito. "Look, I came here to see you ngunit tulog ka pa so tumabi nalang ako. I did not know na nakatulog din ako kaya sorry okay?" aniya habang hawak-hawak ang mga kamay ng dalaga na nasa ulo nito.
"P-pakawalan mo ako Dean! Kung hindi malilintikan ka sa akin!" galit na tugon ni Micah habang pinipilit na makawala sa binata. 'Nasaan na ba ang fighting strategies mo Micah?' aniya sa sarili.
BINABASA MO ANG
My Girl....Snatcher!!! When Love and Hate Collide
Romansa(COMPLETED) "Kahit ano pa yang nakaraan mo, kahit murderer ka pa, wala akong pakialam. Ikaw ang buhay ko Micah." "Hindi mo na kasi dapit pinilit na abutin yong bulaklak. Tingnan mo tuloy ang nangyari." dugtong pa nito at dahan dahang inilapag si...